Panuto: Sagutin ang tanong . 1. Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok ? __________________________________________________________ BALIK-ARAL
2. Bilang bata kung kayo ay nakapag-impok na , ano ang nais niyong gawin sa naipon niyo ? May gusto ba kayong bilhin ? ________________________________________________________ __ BALIK-ARAL
PAGGANYAK Panuto : Hanapin at bilugan sa crossword puzzle ang sumusunod na mga salita . laptop, cellphone, tablet, camera, headphone, mouse, keyboard
PAGGANYAK D D E C A M E R A M R N N E B N A S C N A N O D M O U S E O O O H C B Q A S D P B P P O T P A L F Q Y P D O A C E X G R E K A L B N E Z I S K C E L L P H O N E Y K H M E N U X J Y E N N M T N U T J U
MGA HAKBANG PARA MATUGUNAN ANG HAMON SA SARILING PAMAMAHALA SA MGA PATAPONG GAMIT – TEKNOLOHIKAL
Hindi maikakaila na sa panahon ngayon , lahat tayo ay mayroon ng mga gamit-teknolohikal . Ang mga kagamitan na ito ay matatawag na nating “ needs ”. PAGTALAKAY
Isa sa mga pinakaginagamit natin ay ang cellphone. Kahit bata ay mayroon ng sarili o marunong ng gumamit ng cellphone. PAGTALAKAY
Iba pang halimbawa ay ang mga laptop, tablet, digital camera at headphones. PAGTALAKAY
Lahat ng ito ay nakatutulong upang mapagaan at mapabilis ang ilan sa ating mga gawain sa araw-araw . Nakatutulong rin ito upang mapadali ang ating komunikasyon lalo na sa mga taong malayo sa atin . PAGTALAKAY
Ngunit kung ang mga ito ay may mga sira o luma na , ano na kaya ang maaari nating gawin ? Paano natin masasabi na ang isang gamit-teknolohikal ay hindi na maaaring gamitin ? PAGTALAKAY
Sa pagkakaroon ng tao ng mga gamit-teknolohikal ay may mga hamon siyang kinakaharap kung paano ito pangangalagaan at gayundin kung ito ay patapon na. PAGTALAKAY
Ilan sa mga hamon na kinakaharap natin sa sariling pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal ay ang di pagsisinop sa mga gamit na ito . PAGTALAKAY
Hindi rin alam kung paano ito itatapon o iimbak kung ayaw pa itong itapon . PAGTALAKAY
Ang sumusunod ay ilan sa mga hakbang upang matugunan natin ang hamon sa sariling pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal : PAGTALAKAY
1. Iwasan ang paglalagay ng mga gamit-teknolohikal kahit saan . 2. Maging masinop . PAGTALAKAY
3. Maging masipag sa pagbabasa kung paano ang tamang pagtatapon ng mga gamit-teknolohikal PAGTALAKAY
4. Alamin ang mga tamang lugar kung saan maaaring ilagay ang mga gamit-teknolohikal . PAGTALAKAY
4. Alamin ang mga tamang lugar kung saan maaaring ilagay ang mga gamit-teknolohikal . 5. Gawin ang 3Rs (reduce, reuse at recycle) PAGTALAKAY
Panuto: Pumili ng tatlong (3) hakbang upang matugunan natin ang mga hamon sa sariling pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal . GAWAIN 1
Isulat ito sa graphic organizer at ilagay sa ilalim ang paliwanag para sa bawat isa. GAWAIN 1
Mga Hakbang Upang Matugunan ang Hamon sa Sariling Pamamahala sa mga Patapong Gamit Teknolohikal Halimbawa: Iwasan ang paglalagay ng mga gamit-teknolohikal kahit saan . GAWAIN 1
Mga Hakbang Upang Matugunan ang Hamon sa Sariling Pamamahala sa mga Patapong Gamit Teknolohikal Maglaan lamang ng isang lugar na paglalagyan ng mga patapong gamit-teknolohikal . Siguraduhin na ito ay ligtas sa anumang sakuna na maaring mangyari dulot ng mga materyales nito . GAWAIN 1
Panuto: Sagutin ang tanong . Paano natin maipapakita ang 3Rs sa mga patapong gamit-teknolohikal ? ____________________________________________________________ PAGTATAYA
GMRC 5 UNANG MARKAHAN IKAPITONG LINGGO IKALAWANG ARAW
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong . BALIK-ARAL
1. Kung napansin mong luma na at madalas masira ang iyong cellphone, ano ang mga hakbang na gagawin mo upang mapangalagaan ito o maitapon nang tama ? _____________________________ BALIK-ARAL
2. Paano mo maipapakita ang pagiging masinop sa paggamit ng iyong mga gadget tulad ng laptop o tablet upang hindi ito madaling masira ? ______________________________ BALIK-ARAL
3. Ano ang gagawin mo kung may gamit-teknolohikal kang ayaw mo pang itapon ngunit wala ka nang sapat na lugar para itago ito ? ______________________________ BALIK-ARAL
PAGGANYAK Batay sa larawan , wasto ba ang pagtatapon ng mga basura ?
WASTONG PAGTATAPON NG GAMIT – TEKNOLOHIKAL
Narito ang ilang mungkahing hakbang ukol sa sariling pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal : PAGTALAKAY
1. Paggamit Muli o Reuse Kung ang patapong-gamit teknolohikal ay nasa magandang kondisyon pa, maaari pa itong magamit ng iba . PAGTALAKAY
1. Paggamit Muli o Reuse Puwede natin itong ibigay sa mga nakababatang kapatid , pinsan , kapitbahay o kaklase na nangangailangan . PAGTALAKAY
1. Paggamit Muli o Reuse Maaari din natin itong gawing donasyon sa mga organisasyon o institusyon na tumatanggap ng mga ganitong bagay. PAGTALAKAY
2. Pag- recycle May mga tatak ang gamit-teknolohikal kung saan ipinapadala nila sa kanilang mga tindahan o puwesto ang kanilang mga lumang gamit - teknolohikal . PAGTALAKAY
2. Pag- recycle Kung minsan ay may kapalit rin ito na bagong gamit-teknolohikal . PAGTALAKAY
3. Alamin ang Tamang Paraan ng Pagtatapon Mayroong iba’t ibang paraan ng tamang pagtatapon ng iba’t ibang gamit - teknolohikal . PAGTALAKAY
3. Alamin ang Tamang Paraan ng Pagtatapon Mahalagang malaman ang tamang paraan na ito upang maiwasan ang iba’t ibang panganib , maaaring sa ating kalusugan o sa ating kapaligiran . PAGTALAKAY
3. Alamin ang Tamang Paraan ng Pagtatapon Maaari tayong magtanong sa ating mga magulang , guro o tumingin sa internet. PAGTALAKAY
4. Pagbasa sa mga Direksyon Bukod sa mga nakalagay na tamang paggamit ng mga gamit-teknolohikal ay may mababasa rin tayo sa mga kahon nito na tamang pagtatapon o pag-iimbak . PAGTALAKAY
4. Pagbasa sa mga Direksyon Isa sa mga ito ay ang pag-alis ng baterya bago ito itapon . PAGTALAKAY
5. Pagsangguni sa Awtoridad Maaaring sumangguni sa barangay o city hall kung walang malapit na recycling center ukol sa tamang paraan ng pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal . PAGTALAKAY
6. Pagtatago ng mga Patapong Gamit- Teknolohikal Kung hindi agad maitatapon ang mga patapong gamit-teknolohikal , siguraduhing ito ay nakatabi sa isang ligtas na lugar kung saan malayo sa mga gamit o kemikal na magiging sakuna . PAGTALAKAY
7. Pag- alis ng mga Personal na Impormasyon Bago i -donate o i -recycle ang mga patapong gamit-teknolohikal , siguraduhin na naalis na ang lahat ng personal na impormasyon dito . PAGTALAKAY
7. Pag- alis ng mga Personal na Impormasyon Maaari itong maging dahilan ng pag -access sa ating mga social media account o iba pang impormasyon . PAGTALAKAY
7. Pag- alis ng mga Personal na Impormasyon Kung bibigyan natin ng halaga at paglalaanan ng oras ang tamang pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal ito PAGTALAKAY
7. Pag- alis ng mga Personal na Impormasyon ay pagpapakita ng ating pagiging masinop at pagsasaalang-alang ng ating kaligtasan . PAGTALAKAY
Panuto: Basahin natin ang maikling talata . Masaya ang batang si Blas nang sumapit ang araw ng Pasko. Nakaipon siya ng pera na galing sa kaniyang mga ninong at ninang . GAWAIN 2
Idinagdag niya ito sa kaniyang naipon upang makabili ng tablet. Ito ang kaniyang panagarap na mabili sa kaniyang naipon . GAWAIN 2
Lumipas ang isang taon at binilhan siya ng bagong tablet ng kaniyang tatay na nasa ibang bansa . Napaisip siya kung ano ang gagawin niya sa kaniyang lumang tablet. GAWAIN 2
Nanghihinayang din siya dahil ito ay gumagana pa naman. Pinayuhan siya ng kaniyang ina na i -donate na lamang ito sa mga organisasyon o institusyon na tumatanggap ng mga lumang gamit-teknolohikal . GAWAIN 2
Mga Tanong : 1. Maganda ba ang ipinakitang pag-iipon ni Blas upang mabili niya ang kaniyang gusto? Bakit? ________________________________________________________________ GAWAIN 2
2. Ano ang masasabi mo sa payo ng kaniyang ina? ________________________________________________________________ GAWAIN 2
3. Masasabi mo bang masinop si Blas? Bakit? ________________________________________________________________ GAWAIN 2
Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, ilagay ang epekto ng wastong pagtatapon ng gamit-teknolohikal sa kalusugan ng tao at kaligtasan ng kalikasan . PAGTATAYA
PAGTATAYA
GMRC 5 UNANG MARKAHAN IKAPITONG LINGGO IKATLONG ARAW
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong . BALIK-ARAL
1. Ano ang mga paraan upang muling magamit o i -reuse ang mga patapong gamit-teknolohikal na nasa magandang kondisyon pa? ________________________________________________________ __ BALIK-ARAL
2. Paano nakakatulong ang pag -recycle sa tamang pamamahala ng mga lumang gamit-teknolohikal ? ________________________________________________________ __ BALIK-ARAL
3. Bakit mahalagang alamin ang tamang paraan ng pagtatapon ng mga gamit-teknolohikal ? ________________________________________________________ __ BALIK-ARAL
4. Ano ang dapat gawin bago itapon o i -donate ang isang gamit-teknolohikal upang maprotektahan ang iyong personal na impormasyon ? ________________________________________________________ __ BALIK-ARAL
5. Kanino ka maaaring sumangguni kung walang malapit na recycling center sa inyong lugar para sa tamang pagtatapon ng mga gamit-teknolohikal ? ______________________________ BALIK-ARAL
PAGGANYAK Ikaw ba ay nagsasagawa ng wastong paghihiwalay o segregasyon ng basura sa inyong tahanan at paaralan ?
SEGREGASYON SA MGA PATAPONG GAMIT – TEKNOLOHIKAL
Lagi nating ginagawa ang paghihiwa-hiwalay ng mga basura sa nabubulok at di nabubulok . Ito ang tinatawag natin na waste segregation . Gayundin ang dapat nating gawin sa mga gamit-teknolohikal . PAGTALAKAY
Ang mga gamit na ito ay gawa sa iba’t ibang materyales gaya ng plastic, metal at iba pa. Sa paghihiwa-hiwalay natin ng mga materyales na ito , mapapadali ang pag -recycle sa mga parte nito na maaari pang magamit . PAGTALAKAY
Maaari din nating pagsama-samahin ang mga magkakaparehong uri ng gamit-teknolohikal . Gaya ng pagsama-sama ng mga cellphone, mga laptop at iba pa. PAGTALAKAY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong . 1. Kung may nakita kang sirang tablet sa inyong bahay , ano ang iyong gagawin bago ito itapon ? GAWAIN 3
2. May kaibigan kang nagbabalak itapon ang luma niyang cellphone sa basurahan , ano ang iyong magiging mungkahi ? GAWAIN 3
3. Nakakita ka ng lumang CPU at monitor sa tambakan ng basura. Ano ang dapat gawin bago ito i-recycle o itapon? GAWAIN 3
4. Kapag binigyan ka ng gawain sa paaralan tungkol sa segregasyon ng e-waste, paano mo ito isasagawa? GAWAIN 3
5. Paano mo tutulungang maipaliwanag sa iyong mga magulang ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng magkakatulad na gamit-teknolohikal bago itapon? GAWAIN 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong . 1. Bakit mahalagang paghiwa-hiwalayin ang mga patapong gamit-teknolohikal ? PAGTATAYA
2. Ano ang maaaring maging epekto sa kapaligiran kung hindi natin ise -segregate ang mga e-waste? PAGTATAYA
3. Sa iyong palagay , paano ka makakatulong sa tamang segregasyon ng gamit-teknolohikal sa inyong tahanan ? PAGTATAYA
4. Anong natutunan mo sa kahalagahan ng pagre -recycle ng mga sirang gamit-teknolohikal ? PAGTATAYA
5. Kung magiging lider ka ng barangay, anong programa ang iyong ipapatupad tungkol sa e-waste segregation? PAGTATAYA
GMRC 5 UNANG MARKAHAN IKAPITONG LINGGO IKAAPAT NA ARAW
Panuto: Bilugan ang TAMA kung ang pahayag ay wasto , MALI kung hindi naman. BALIK-ARAL
1. Tama o Mali : Ang mga gamit-teknolohikal ay hindi na kailangang paghiwa-hiwalayin kapag itatapon . BALIK-ARAL
2. Tama o Mali : Ang paghihiwa-hiwalay ng mga patapong gamit ay makatutulong upang mapadali ang pag -recycle ng mga ito . BALIK-ARAL
3. Tama o Mali : Maaaring pagsama-samahin ang mga sirang cellphone, laptop, at tablet upang mas madaling i -segregate. BALIK-ARAL
4. Tama o Mali : Ang mga gamit-teknolohikal ay gawa lamang sa iisang uri ng materyales kaya hindi kailangang ihiwalay . BALIK-ARAL
5. Tama o Mali : Ang tamang segregasyon ng gamit-teknolohikal ay nakatutulong sa kalikasan . BALIK-ARAL
SEGREGASYON SA MGA PATAPONG GAMIT – TEKNOLOHIKAL
Lagi nating ginagawa ang paghihiwa-hiwalay ng mga basura sa nabubulok at di nabubulok . Ito ang tinatawag natin na waste segregation . Gayundin ang dapat nating gawin sa mga gamit-teknolohikal . PAGTALAKAY
Ang mga gamit na ito ay gawa sa iba’t ibang materyales gaya ng plastic, metal at iba pa. Sa paghihiwa-hiwalay natin ng mga materyales na ito , mapapadali ang pag -recycle sa mga parte nito na maaari pang magamit . PAGTALAKAY
Maaari din nating pagsama-samahin ang mga magkakaparehong uri ng gamit-teknolohikal . Gaya ng pagsama-sama ng mga cellphone, mga laptop at iba pa. PAGTALAKAY
Panuto: Paano mo maisasagawa nang maayos ang pagsesegregate ng nasa larawan ? GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng isang pangako kung ano ang dapat gawin sa pagtatapon ng mga gamit-teknolohikal . ____________________________________________________________ PAGTATAYA