“Paninirahan sa lungsod “ ang orihinal na kahulugan ng kabihasnan o sibilisasyon. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang maunlad na kalagayanng nalinang ng mga taong naninirahan ng pirmuhan sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon.Ang kabihasnan ay ang unang nalinangsa mga ilog-lambak. Ang mga asyano sa mga ilog-lambak ng tigris at Euphrates, Huang Ho at Indus ay nagsimula nang mamuhay nang pirnihan at linangin ang kanilang kabihasnan Ang mga pag-unlad na nagawa ng tao sa mga panahong ito ay tinaguriang Rebolusyong Neolithic . Ang mga tao ay nagsimulang mamuhay nang pangkat- pangkat sa maraming lupain sa daigdig. Tigris and Euphrates
Ang pag-unlad ng agrikultura ang nagtakda ng malaking pagbabago sa buhay ng sinaunang tao . Napagtanto ng mga sinaunang tao ang kahalagaan ng maayaos at organisadong pamayanan upang matugunan ang kanilang mga pangangailamgan . Sila ay bumuo ng pamunuanna hindi naglaon ay naging isang organisadong pamahalaan . Ito ang nagpasimula ng mga lungsod-estado na pinag - usbungan naman ng mga kondisyong higit na masalimuot na buhay na kung tawagin ay kabihasnan .
Mula nang matutuhan ng mga tao ang pagsasaka at paghahayupan , naiangat nila ang kanilang kalagayan mula sa buhay-pangangao at pag-iimbak ng pagkain tungo sa pagpaparami at pagpapalago ng pagkain at likas na yaman . . Mga Katangian ng Kabihasnan
1. Matatag na Pamahalaang may Maunlad na Batas at Alituntunin Sa kabila ng masaganang kabuhayang alay ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang, may mga panahon din namang naging mapaminsala ang mga ito .
2. Dalubhasang Manggagawa Ang ilang pangkat ng tao ay naging bihasa sa paggawa ng mga armas at kagamitang pambahay na gamit nila sa pang- araw - araw na pamumuhay .
3. Maunlad na Kaisipan Sa pagdaan ng panahon , Nagawa ng mga taong matukoy ang petsa ng taunang pagbaha sa pamamagitan ng masususing pag-aaral ng panahon at nabuo nila ang kalendaryong lunar.
4. May Sistema ng Pagtatala Sa pag-unlad ng lungsod , napag-isipan ng mga mga tao ang kahalagahan ng pagtatala ng mga mahahalagang bagay na naganap sa kanilang lipunan .