G9 AP Q2 Week 1-2 Salik sa Demand.pptG9 AP Q2 Week 1-2 Salik sa Demand.ppt

GemmaVillanuev 191 views 31 slides Sep 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 31
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31

About This Presentation

G9 AP Q2 Week 1-2 Salik sa Demand.ppt


Slide Content

Konsepto at Salik ng Demand

Panimula
Tinalakay sa unang quarter na ang matalinong
pagpapasya at wastong paggamit ng
pinagkukunang-yaman ang diwa sa pag-aaral ng
ekonomiks.
Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-
aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan; ang
mamimili at ang nagtitinda. Ang mamimili ay
bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon
patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng mga
produkto.

Ano ang DEMAND?
Ito ay ang kagustuhan
ng mga tao na bumili ng
isang kalakal o
paglilingkod.
Ito rin ay tumutukoy sa
dami ng produkto na
nais bilhin ng mga
konsyumer sa isang
takdang presyo.

Salik na Nagpapabago ng Demand
Salik na Presyo
Salik na Di-presyo

Salik na Presyo
BATAS NG DEMAND
Ayon sa batas na ito, mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan ang presyo (P)
sa quantity demanded (Qd) o hinihinging
dami ng isang produkto.
Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang
dami ng gusto at káyang bilhin; at kapag
bumaba ang presyo, tataas ang dami ng
gusto at káyang bilhin (ceteris paribus).

Salik na Presyo

Salik na Presyo

Salik na Presyo
Dahilan ng magkasalungat na ugnayan sa
pagitan ng presyo (P) at quantity demand
(Qd)

Salik na Presyo

Salik na Presyo
Income Effect
Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang
halaga ng kita kapag mas mababa ang
presyo.
Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas
mataas ang kakayahan ng kita ng tao na
makabili ng mas maraming produkto.

Paglalarawan sa Batas ng
Demand
1.Demand Schedule
2.Demand Curve
3.Demand Function

Paglalarawan sa Batas ng Demand
1. Demand Schedule
Ang demand schedule ay isang talaan
na nagpapakita ng dami ng kalakal na
kaya at gustong bilhin ng mga
mamimili sa iba’t ibang presyo.
Malinaw naipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng presyo
(P) at quantity demanded (Qd) ng
isang kalakal.

Paglalarawan sa Batas ng
Demand
1. Demand Schedule

Paglalarawan sa Batas ng Demand
2. Demand Curve
Ang graph na batay sa demand schedule.
Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo (P) at quantity
demanded (Qd) ay mabubuo ang demand
curve.

Paglalarawan sa Batas ng Demand
2. Demand Curve

Paglipat ng Demand Curve
Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung
nagkakaroon ng pagbabago sa quantity demanded
(Qd) ng isang kalakal.

Paglipat ng Demand Curve
Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung
nagkakaroon ng pagbabago sa quantity demanded
(Qd) ng isang kalakal.

Paglalarawan sa Batas ng Demand
3. Demand Function
Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan
ng presyo (P) at quantity demanded (Qd).
Ipinapakita ito sa equation na:
Qd = a-b P
kung saan:
Qd = quantity demanded P = presyo
a = intercept (bilang ng Qd kung ang presyo ay 0 b =
slope Δ????????????/Δ??????

Paglalarawan sa Batas ng Demand
3. Demand Function
Ang quantity demanded (Qd) ang
tumatayong dependent variable at ang
presyo (P) ang independent variable.
Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang
nakakapagpabago sa demand ng isang
kalakal o serbisyo.

Salik na Di-presyo
Kita
Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring
makapagpabago ng demand para sa isang
partikular na produkto.
Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang
kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming
produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita,
ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay
nababawasan.
•Normal goods - tawag sa mga produktong
dumadami ang demand dahil sa pagtaas ng kita.
•Inferior goods - tawag sa mga produktong
tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.

Salik na Di-presyo
Kita Halimbawa:
Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal
goods para kay Rolando. Sa pagtaas ng kita ni
Rolando ay tataas din ang kaniyang demand sa
karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni
Rolando, bababa rin ang demand niya para dito.
Ipagpalagay naman na ang tuyo (dried fish) ay
inferior good para kanya. Sa pagtaas ng
kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand
para sa tuyo. Sa pagbaba naman ng kaniyang
kita, tataas ang kaniyang demand para dito.

Salik na Di-presyo
Panlasa
May mga produkto at serbisyo na naaayon sa
panlasa ng mamimili.
Halimbawa:
Mas higit na gusto ng mga kabataan sa
kasalukuyan ang musika ng K-Pop kumpara sa
musikang Pilipino kaya mas marami ang
tumatangkilik nito.

Salik na Di-presyo
Dami ng Mamimili
Maaari ding magpataas ng demand ng
indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect.
Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto,
nahihikayat kang bumili. Kapag ang isang
bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na
nagdudulot ng pagtaas ng demand.
Halimbawa:
Dahil nauuso ngayon ang smart tv, marami sa
mga mamimili ang gustong makisabay sa uso
kaya marami ang demand nito.

Salik na Di-presyo
Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo
Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa
pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa
isa’t isa.
•Komplementaryo (Complementary) - mga produktong
sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang
isang produkto kung wala ang complement nito.
Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago
sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto.
Halimbawa: kape at asukal
•Kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang
demand sa asukal.
•Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang
demand sa asukal.

Salik na Di-presyo
Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo
•Pamalit (substitute) - mga produktong maaaring
magkaroon ng alternatibo. Kung ang pagtaas ng presyo
ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng
demand ng isang produkto, masasabing ang mga
produktong ito ay pamalit sa isa’t isa
Halimbawa: tubig o juice
•Maaari ding pamalit sa tubig ang softdrinks sapagkat
pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na
tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa
ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito,
tataas naman ang demand para sa juice.

Salik na Di-presyo
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang
presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na
araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng
nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa
ang presyo nito.
Halimbawa:
Ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa
Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng
bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng
bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mga
mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang bagyo
at mababa pa ang presyo. Sa kabilang banda, kung
inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang
produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao sa
kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang
presyo bago bumili ulit ng marami.

Isaisip
:
Ang matalinong pagpapasya ang tutugon
sa pabago-bagong demand sa pamilihan.
Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan
ang presyo ng mga kapalit at kaugnay na
kalakal.

Sa anong mga paraan mo
ipinapakita ang iyong pagiging
matalinong mamimili batay sa mga
konseptong natutunan mo tungkol
sa demand?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID
number ng magulang o guardian.