G9 Ekonomiks- Ang Patakarang Piskal.pptx

skywithit08 6 views 26 slides Sep 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

Patakarang Piskal


Slide Content

Quarter 3- Week 6 ALLAN N. NIEVA

Subukin Natin Paunang Pagsusulit Basahin ang bawat aytem at bilugan ang letra ng tamang sagot . Pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya ng bansa . Ano ang tawag sa behavior ng pamahalaaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ? Implasyon C. Expansionary Fiscal Policy Patakarang Piskal D. Contractionary Fiscal Policy Gumagamit ang pamahalaan ng dalawang klaseng patakarang piskal . Alin dito ang nakakapagdulot ng overheated economy ? Contractionary Fiscal Policy C. Expenditure Fiscal Policy B. Expansionary Fiscal Policy D. Total Net Lending Policy

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng buwis . Ang bawat buwis na sinisingil ng pam ahalaan ay may iba’t ibang uri ng pagbabayad , paraan at layunin . Bakit mahalaga ang buwis sa isang bansa ? A Mahalaga ito sapagkat dito kinukuha ng pamahalaan ang mga gastusin sa mga proyekto at programa nito . B. Mahalaga ito sapagkat ginagamit itong pangbayad utang ng bansa . C. Mahalaga ito sapagkat dito kumukuha ng pangpasahod sa mga manggagawa ng pamahalaan . D. Lahat ng nabanggit ay tama. Bilang mag- aaral , anong uri ng buwis ang iyong naiaambag sa ating bansa ? A. Sales Tax B. Taripa C. Income Tax D. Value Added Tax

Base sa ating konstitusyon , ang departamento ng edukasyon ang dapat na mayroong pinakamalaking badyet . Makatwiran bang bigyan ng pinakamalaking badyet ang departamento ng edukasyon ? A. Hindi, sapagkat mas mahalaga ang departamento ng agrikultura na pinagkukunan natin ng pagkain kung kaya’t dapat sila ang mayroong pinakamalaking badyet . B. Hindi, sapagkat ang dapat na inuuna ng pamahalaan ay pagbabayad ng utang sa ibang bansa . C. Oo , sapagkat ito ang pamantayan ng pagkatuto ng mga mamayan upang makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa . D. Oo , sapagkat ito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan .

TALAKATIN NATIN KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL Mula sa aklat nina Case, Fair at Oster (2012), ang patakarang piskal ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan . Sa madaling salita , ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet . Ito rin ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay “ tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya ”. Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya .

Simula pa noong Great Depression , nabuo ang paniniwalang ang pamahalaan ay may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng banta ng kawalan ng trabaho . Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan , sa isang banda , ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya . Ang paggasta ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa , ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment . Sa kabilang banda , ang pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya sa paggasta at pagbubuwis ay makapagpapababa o makapagpapataas naman ng kabuuang output higit sa panahon ng recession o depression.

BUSINESS CYCLE Bust Peak

Ma y dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang pisk al upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa

EXPANSIONARY FISCAL POLICY 1. Pagdaragdag ng pamahalaan ng gastusin para sa mga proyektong pambayan

2. Pagpababa ng sinisingil na buwis A. Epekto Sa mga naghahanapbuhay :

B. Epekto sa mga negosyo :

CONTRACTIONARY FISCAL POLICY 1. Pagbabawas ng mga gastusin ng pamahalaan sa mga proyektong pambayan Less demand for products

2. Pagsasapribado ng ilang mga pag-aaring korporasyon ng pamahalaan (GOCC’s)

3. Pagpapataas sa sinisingil na buwis ng pamahalaan

ISAISIP NATIN Gumagamit ng dalawang pamamaraan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal . Ito ang Expansionary Fiscal Policy na kung saan , isinasagawa ito kapag matamlay ang ekonomiya ng bansa upang mapasigla nila ito . Samantalang kapag sobrang sigla naman ng ekonomiya ginagamit nila ang Contractionary Fiscal Policy upang mabalanse ang ekonomiya ng bansa . Ang bawat buwis na sinisingil ng pamahalaan ay may iba’t ibang uri ng pagbabayad , paraan at layunin . Ito ay kinokolekta at pinangangasiwaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang pamahalaan ay may malaking pananagutan sa mga pangangailangan ng mamamayan nito , kung kaya’t ganun na lamang ang pagsusumikap nila na maisaayos ang patakarang piskal nito at maisakatuparan ang lahat ng layuning pang ekonomiya .

Gawain 5: Slogan Campaign Gumawa ng slogan campaign ukol sa tamang pagbabayad ng buwis . Lagyan ito ng angkop na desenyo . Gamitin ang pamprosesong tanong sa ibaba upang makabuo ng slogan campaign. Halimbawa : Tamang Buwis ay Bayaran Upang Matamo ang Kaunlaran

Bakit dapat ipatupad ? TAYAHIN NATIN Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot sa papel 1. Pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya ng bansa . Ano ang tawag sa behavior ng pamahalaaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ? A. Implasyon C. Expansionary Fiscal Policy B. Patakarang Piskal D. Contractionary Fiscal Policy

2. Gumagamit ang pamahalaan ng dalawang klaseng patakarang piskal . Alin dito ang nakakapagdulot ng overheated economy ? Contractionary Fiscal Policy C. Expenditure Fiscal Policy B. Expansionary Fiscal Policy D. Total Net Lending Policy 3. Mayroon tayong iba’t ibang uri ng buwis . Ang bawat buwis na sinisingil ng pamahalaan ay may iba’t ibang uri ng pagbabayad , paraan at layunin . Bakit mahalaga ang buwis sa isang bansa ? A. Mahalaga ito sapagkat dito kinukuha ng pamahalaan ang mga gastusin sa mga proyekto at programa nito . B. Mahalaga ito sapagkat ginagamit itong pangbayad utang ng bansa . C. Mahalaga ito sapagkat dito kumukuha ng pangpasahod sa mga manggagawa ng pamahalaan . D. Lahat ng nabanggit ay tama. 4. Bilang mag- aaral , anong uri ng buwis ang iyong naiaambag sa ating bansa ? A. Sales Tax B. Taripa C. Income Tax D. Value Added Tax

5. Base sa ating konstitusyon , ang departamento ng edukasyon ang dapat na m ayroong pinakamalaking badyet . Makatwiran bang bigyan ng pinakamalaking ba dyet ang departamento ng edukasyon ? A. Hindi, sapagkat mas mahalaga ang departamento ng agrikultura na pinagkukunan natin ng pagkain kung kaya’t dapat sila ang mayroong pinakamalaking badyet . B. Hindi, sapagkat ang dapat na inuuna ng pamahalaan ay pagbabayad ng utang sa ibang bansa . C. Oo , sapagkat ito ang pamantayan ng pagkatuto ng mga mamayan upang makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa . D. Oo , sapagkat ito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan .
Tags