LAYUNIN: Natatalakay ang iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday. Nabibigyang-kahulugan ang bawat gamit ng wika sa pamamagitan ng halimbawa . Nakapaglalahad ng sariling halimbawa ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunan .
Mahahalagang tanong : 1. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay Halliday? 2. Paano nakakatulong ang wika sa pagbuo ng ugnayan at pagkakaisa sa isang komunidad o lipunan ? 3. Kung wala ang isa sa mga gamit ng wika ( halimbawa : Instrumental o Personal), paano
MOTIBASYON Magpapakita ang guro ng ilang larawan ng pang- araw - araw na sitwasyon ( halimbawa : guro na nagtuturo , bata na humihingi ng kendi , magkaibigang nagkukwentuhan ). Tanong : 1 . Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan ? 2. Paano nagagamit ang wika sa mga sitwasyong ito ?
EXPLORE/PAGGALUGAD Bawat grupo ay bibigyan ng isang sitwasyon ( halimbawa : 1.) pag-uutos , 2.) pakikipagkaibigan , 3.) pagbibigay ng impormasyon , 4.) pagtuklas , 5.) imahinasyon , 6.) pagpapahayag ng damdamin , 7.) paghingi ng bagay ). Ipapalabas nila ito sa pamamagitan ng maikling role-play (2 minuto bawat grupo ).
Kilala mo ba si Tarzan?
Ano ang napansin mo sa paraan ng pakikipag-usap ni TARZAN? Naintindihan kaya siya ng kaniyanag kausap ?
Batay sa kuwento niya nakikita nyo ba kung gaano kahalaga ang wika ?
EXPLAIN/PAGPAPALIWANAG
Gamit ng Wika sa Lipunan
Kahalagahan ng Wika sa Lipunan Instrumento sa Komunikasyon Nagbubuklod sa lipunan Kasangkapan ng pagkatuto Tagapagdala ng impluwensya
“ Pitong Gamit ng Wika sa Lipunan ” ni : M.A.K HALLIDAY/ Gamit ng Wika
1. INSTRUMENTAL ginagamit ang wika upang ipaalam ang naibigan , pagpipilian , gusto, o kailangan Pagtugon sa kailangan ng tao Pagpapahayag Pagmumungkahi Pakiusap / pag-uutos
HALIMBAWA NG INSTRUMENTAL Ang pakiusap mo sa iyong ina na bilhan ka ng bagong cellphone para sa inyong online class. Ang panghihikayat mo sa iyong mga kaibigan na tumulong para sa community pantry sa inyong barangay. Ang pagsulat ng liham sa patnugot . Ang pagpapakita ng isang patalastas tungkol sa isang produkto .
HALIMBAWA NG INSTRUMENTAL
2. REGULATORYO Ginagamit upang magpataw ng awtoridad sa tao .
2. REGULATORYO pagkontrol sa kilos, ugali o gawi ng tao wikang ginagamit sa pagbibigay ng: patakaran o panuto , pagbibigay ng batas o tuntunin
HALIMBAWA NG REGULATORYO Ang pagbibigay ng panuto sa eksaminasyon . Ang paglalagay ng traffic sign sa kalsada . Ang pagbibigay ng direksyon sa pagluluto . Ang pagsunod sa panuntunan ng mga laro .
HALIMBAWA NG REGULATORYO
3. INTERAKSIYUNAL pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyon sa kapwa sa paraan : Pakikipag-ugnayan Pakikipagbiruan Pakikipagpalitan ng kuro-kuro Pagkukwento Paggawa ng liham-pangkaibigan Ito ay nagpapakita sa mga bigkas sa pagganap .
HALIMBAWA NG INTERAKSIYUNAL Pagbati ng magandang gabi . Pagbati sa kaibigan . Pakikipagbiruan . Pagsulat
HALIMBAWA NG INTERAKSIYUNAL
4. PERSONAL I to ang pagpapahayag ng sariling damdamin , emosyon , opinion o kuro kuro sa paksang pinag-uusapan .
HALIMBAWA NG PERSONAL Pagsulat ng Diary Pagtutweet ng saloobin - pagsusulat ng talaarawan at journal - pagpapahayag ng emosyon at pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan
HALIMBAWA NG PERSONAL
5. HEURISTIKO ginagamit sa pagkuha , paghingi o paghanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan o tinalakay .
HALIMBAWA NG HEURISTIKO Pagtatanong at pag-iinterbyu sa tao Panonood sa telebisyon Pakikinig sa radyo Pagbabasa sa Magasin , pahayagan at blog
6. REPRESENTASYUNAL Kabaligtaran ng heuristiko , ginagamit ito sa pagbibigay ng impormasyon ng mga bagay-bagay sa paraang pasulat o pasalita .
; HALIMBAWA NG REPRESENTASYUNAL Pagsulat ng thesis Pagtuturo Pagbibigay-ulat Pagsulat ng pamanahong papel
7. IMAHINATIBO ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kanyang imahinasyon .
HALIMBAWA NG IMAHINATIBO Pagsulat ng tula , awit , kuwento at malaikhing kwento .
ELABORATE/PAGLALAPAT Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay Halliday ?
ELABORATE/PAGLALAPAT Paano nakakatulong ang wika sa pagbuo ng ugnayan at pagkakaisa sa isang komunidad o lipunan ?
ELABORATE/PAGLALAPAT Kung wala ang isa sa mga gamit ng wika ( halimbawa : Instrumental o Personal), paano ??
TANDAAN: Ang wika ay hindi lamang simpleng salita — ito ang puso ng lipunan . Ito ang nag- uugnay sa bawat tao , nagpapanatili ng kultura , at nagbibigay daan upang maipahayag ang damdamin at kaisipan .
ELABORATE/ PAGLALAPAT Ipapakita ng guro ang ilang sitwasyon sa PowerPoint o manila paper ( halimbawa : “ Isang bata ang nagtatanong kung bakit umiinit ang tubig kapag pinakukuluan ”). Ang mag- aaral ay magsasabi kung anong gamit ng wika ang ipinapakita . Pagkatapos , hahayaan ang ilang mag- aaral na magbahagi ng personal na karanasan kung saan nagamit nila ang wika sa isa sa pitong gamit
EVALUATION/PAGTATAYA
SAGOT: REGULATORY0
SAGOT: PERSONAL
SAGOT: INTERAKSYUNAL
SAGOT: REPRESENTASYONAL
SAGOT: INSTRUMENTAL
TAKDANG ARALIN Gumawa ng komiks na may 4–5 panels na nagpapakita ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan .
Panuto : Tukuyin kung anong gamit ng wika ang ipinapakita sa bawat sitwasyon . Isulat ang tamang sagot . (Instrumental, Regulatoryo , Interaksiyonal , Personal, Heuristiko , Impormatibo , Imahinatibo ) 1. Ang isang guro ay nagbibigay ng tagubilin kung paano sasagutan ang pagsusulit . → __________ 2. Ang isang bata ay humihiling ng pagkain sa kanyang ina . → __________ 3. Ang dalawang magkaibigan ay nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang paboritong laro . → __________ 4. Ang isang mag- aaral ay nagpapahayag ng kanyang saloobin sa isang talumpati . → __________ 5. Ang isang estudyante ay nagtatanong sa guro : “Ma’am, ano po ang ibig sabihin ng tula ?” → __________ 6. Ang radyo ay nagbibigay ng balita tungkol sa lagay ng panahon . 7.Isang makata ang sumusulat ng tula tungkol sa pag-ibig . → __________