Malawak ang saklaw ng mga isyung pang- ekonomiya . May isyun nakakaapekto sa iilan ngunit may mga isyung mas nakakaapekto sa nakakarami . Isa na rito ang globalisasyon na bumago sa buhay ng sangkatauhan . Halina at pag-aralan natin kung paano binago ng globalisasyon ang buhay ng sangkatauhan sa nakalipas na mga taon at sa kasalukuyan .
GLOBALISASYON Ano nga ba ang globalisasyon ? Ang katangian globalisasyon ayon kay Ritzer(2011), ay " nangangahulugang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig ." This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA-NC
GLOBALISASYON Sa paanong paraan nagkakaroon ng mabilis na pagdaloy ng mga produkto? Nangyayari ito dahil sa pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya ng nga tao, at ang paggalaw ng tao na dulot ng Migrasyon. Patunay lamang na ang mga ito ang dahilan ng paglitaw ng globalisasyon. Masasabi ba na bahagi na nang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao ang globalisasyon? Oo, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga karaniwang gawain na masasabing may kaugnayan sa globalisasyon:
GLOBALISASYON A. Sa pagbili ng mga produkto , ang paggamit ng CELLPHONE at serbisyo ng INTERNET, na lubhang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng bansa . B. Sa iyong pag-aaral kapag nais mong maging UPDATED sa mga isyu sa bansa , maaari kang magsaliksik ng mga makabagong impormasyon tungkol sa paksang iyong pinag-aaralan . C. Sa paglago ng ekonomiya ng bansa , malaking tulong ang paglago ng ONLINE SHOP bilang bahagi ng globalisasyon na karaniwan nang ginagamit na paraan upang maging mabilis na makabili ng produkto na ayon sa pangangailangan o kagustuhan ng tao . D. Sa larangan ng pagkakaroon ng malalim na ugnayan ng bawat isa ay hindi na imposible na pamamagitan ng migrasyon at interaksyon sa pagitan ng mga tao .
GLOBALISASYON E. Sa larangan ng politika ay nagkakaroon ng mabilisang ugnayan ng mga bansa , mga samahang pandaigdigan upang mapabilis ang kalakalang panlabas , gayundin sa larangan ng pagnenegosyo at pamumuhunan . F. Sa pag-unlad ng kalakalan at serbisyo , pamumuhunan at maging ang migrasyon sa tulong ng teknolohiya at patakarang nililikha sa pagitan ng mga bansa . Noong taong 1950 ang bolyum ng pandaigdigang kalakalan ay tumaas ng 20 ulit at nong 1997 hanggang 1999 ang dayuhang pamumuhay ay dumoble mula sa $468 bilyon patungong $827 bilyon
GLOBALISASYON G. Sa larangan ng pagtutulungan ng mga bansa sa panahon ng kalamidad ay nakikita natin sa telebisyon ang ipinaaabot na tulong ng iba't ibang bansa sa mga biktima nito .
GLOBALISASYON Mauugat ang hitik na kasaysayan ng globalisasyon sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan noong sinaunang panahon kaya't hindi na ito bago . Sa katunayan ang katangian ng Globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong nangyari bago ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914. Kung ihahambing sa nagdaang panahon ang globalisasyon ayon kay Thomas Friedman ito ay " higit na malawak , mabilis , mura, at malalim ".Ang mga nabanggit na katangian ay bunsod ng pagbubukas ng mga ekonomiya ng mga bansa at mga polisiyang ipinatutupad . Ang paggamit ng kapitalismo na isang sistemang pang- ekonomiya ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mas malawak na pagbubukas ng pintuan sa kalakalang internasyonal at maging sa pamumuhunan .
KARAGDAGANG KAALAMAN : 1.Ang pagkakakilanlan ng globalisasyon ay ang mobilisasyon ng mga kagamitang personal katulad ng ELECTRONIC GADGETS at maging lang negosyo , makina tulad ng halimaw , na ginagamit na panggapas ng palay ng mga magsasaka sa sangay ng agrikultura . 2.Mga SKILLED WORKERS at propesyunal ang mas higit na nakikinabang sa mabilis na pagbabago .
KARAGDAGANG KAALAMAN:
KONKLUSYUN: Sa mga nabanggit na kaisipan, ipinakikita na ang globalisasyon ay pangmalawakang pagsasanib ng iba't ibang pamamamaraang pandaigdig. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ito dahil sa ilang hadlang na nagbubunga ng mabagal na paggalaw.Halimbawa ay terorismo na maituturing na hamon sa pandaigdigang kapayapaan. Magdudulot ito ng mabilis na pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Tuwirang binago, at binabago ang pamumuhay at maging ang matagal ng institusyong o PERENNIAL INSTITUTIONS na kinagisnan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan na magpahanggang ngayon ay may mahalagang gampanin pa rin upang mapatatag ang mga institusyong nabanggit.
GETS NABA? Nauunawaan mo ba ang iba't ibang kahulugan ng globalisasyon mula sa iyong na pag-aralan ? Kung oo ang sagot , nais mo bang malaman kung kailan nagsimula ang globalisasyon ? Mapatuloy ka at suriin ang iyong babasahin upang maunawaan ang pinagmulang kasaysayan nito .
Limang perspektibo o pananaw ayon sa kasaysayan kung paano nagsimula ang globalisasyon .
PERSPEKTIBO May limang perspektibo o pananaw ayon sa kasaysayan sa kung paano nagsimula ang globalisasyon . 1."Ang globalisasyon ay Taal o nakaugat sa bawat isa". Ito ay ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan , magpakalat ng pananampalataya , madigma't mananakop at maging manlalakbay .
PERSPEKTIBO 2."Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago . Maraming globalisasyon na ang dumaan sa nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay magbabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap ", ayon kay Scholte (2005). Kung kailan ang globalisasyon ay nagsimula ay mahirap tukuyin . Mahalagang bigyang-pansin ang iba't ibang siklong pinagdaanan nito . 3." May anim na WAVE o EPOCH ang globalisasyon ", na binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at makikita na kasunod nito .
PANAHON KATANGIAN IKA-4 HANGGANG IKA-5 SIGLO Pagkalat ng relihiyong islam at Kristiyanismo . HULING BAHAGI NG IKA-15 SIGLO Pananakop ng mga Europeo . HULING BAHAGI NG IKA-18 SIGLO HANGGANG UNANG BAHAGI NG IKA-19 NA SIGLO Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon .
GITNANG BAHAGI NG IKA-19 NA SIGLO HANGGANG 1918 Rurok ng Imperyalismong Kanluranin . Post World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo . Post Cold War Nanaig ang kapitalismo bilang sistemang pang- ekonomiya . Naging mabilis ang pagdaloy ng mga produkto , serbisyo,ideya,teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng US.
PERSPEKTIBO 4.Ang globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan . Ilan sa mga pinagmulan nito ay ang mga sumusunod : * Pananakop ng mga Romano bago ipanganak si Kristo(Gibbon 1998) * Pag- usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano. * Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo * Paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland, at Hilagang Amerika. * Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon * Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
PERSPEKTIBO May mga pagpapalagay na nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo . Ilan sa mga ito ay:ang paglitaw ng telepono at ginamit ito noong 1956,nang lumapag ang TRANSATLANTIC PASSENGER JET mula sa New York hanggang sa London, nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang SATELLITE noong taong 1966,at sinasabi ring nagsimula ang globalisasyon noong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York.
PERSPEKTIBO 5.Sa huling pananaw ay isinasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo . May tatlong pagbabagong naganap sa panahong ito na may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon . Ito ay ang mga sumusunod : 5.1 Pag- usbong ng Estados Unidos bilang GLOBAL POWER matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Ang lakas-militar ng Estados Unidos ay ipinakita nang talunin nito ang Japan at Germany sa ikalawang Digmaang Pandaigdig , kaya't kinilala bilang global power. Kung usaping pang- ekonomiya ang pag-uusapan ay naungusan naman ito ang France at Great Britain nang sakupin ang mga Asyanong Bansa katulad ng Korea noong 1950,at Vietnam noong taong 1960-1970.
PERSPEKTIBO 5.2 Paglitaw ng mga MULTINATIONAL AT TRANSNATIONAL CORPORATIONS (MNC'S at TNC'S) Nakilala noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo ang mga makapangyarihang korporasyon sa buong daigdig ang Great Britain, Germany at United States. Pinagtuunan nito ang mga bansang nabibilang sa mga DEVELOPING COUNTRIES katulad halimbawa ng Ford at General Motors. Ang TNC'S ay karaniwang nagtatag ng mga pasilidad at ipinagbibili ang kanilang mga produktong nililikha sa mga bansang ito.
PERSPEKTIBO 5.3 Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War. Sinasabing ang naging hudyat ng paglitaw ng globalisasyon ay ang pagbagsak ng IRON CURTAIN at Soviet Union noong 199. Sa pangyayaring ito ay nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa pagitan ng mga bansang komunista at kapitalista . Nagsimulang pumasok ang mga multinational companies (MNC's) sa mga bansang dati ay nasasakupan ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia, at Latvia. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND
TAMA O MALI 1.Ang globalisasyon ay tumutukoy sa mabilisang pagdaloy ng mga tao , bagay, impormasyon , at produkto sa iba’t ibang bahagi ng mundo . 2.Ang migrasyon ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng mabilis na paggalaw ng mga produkto at impormasyon 3. Ang paggamit ng cellphone at internet ay walang kaugnayan sa globalisasyon . 4. Ang online shop ay naging malaking tulong sa paglago ng ekonomiya bilang epekto ng globalisasyon
ENUMERATION 1. Ibigay ang tatlong pagbabagong naganap sa kalagitnaan ng ika-20 siglo na may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon . 2. Magbanggit ng apat na makasaysayang pangyayari na pinagmulan ng globalisasyon ( ayon sa ika-4 na pananaw ). 3. Ibigay ang tatlong halimbawa ng Multinational at Transnational Corporations (MNC’s at TNC’s) na binanggit . 4. Magbigay ng apat na pangyayari noong ika-20 siglo na iniuugnay sa pagsisimula ng globalisasyon ( telepono , jet, satellite, at iba pa). 5. Magbanggit ng tatlong bansang dating nasasakupan ng USSR na pinasukan ng mga multinational companies matapos ang pagbagsak ng Soviet Union.
IDENTIFICATION 1. Siya ang nagsabi na ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa at manipestasyon ng paghahangad ng tao sa maalwan na pamumuhay . 2. Ayon sa kanya, ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago na mahirap tukuyin kung kailan nagsimula . 3. Siya ang nagbigay-diin na may anim na wave o epoch ang globalisasyon . 4. Pangyayari sa kasaysayan na naging isa sa mga pinagmulan ng globalisasyon bago ipanganak si Kristo. 5. Pangyayaring naganap noong dekada 1990 na nagbura ng hangganan sa pagitan ng mga bansang komunista at kapitalista , at naging hudyat ng globalisasyon .
Tulang Lampas ! Panuto:Basahin at unawain ang tula . Bigyang-pansin ang mga salitang nakapaloob dito.Sagutan ang pamprosesong tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel Lampas sa Pananaw Ni Imelda R. Niñonuevo Naroong nilibot ang sandaigdigan Kalakala'y sumungaw;nagsilbing daan . Iniluwas ng dominanteng kultura Produkto'y sumibol,komersiyo'y sumigla . Pinagbubuklod ng ideolohiya Umusbong ang batas, quota, at taripa . Diwang liberal;lubos na nagpalaya Binuhay ang mundong walang kaluluwa . Transportasyo'y binuksan , kinasangkapan Kaygandang hinagap ba'y makatuwiran Pagkalito sa aydentidad ay bunga Modernisasyon ay isang palamara .
. Upang higit mong maunawaan ang tula , makikita sa loob ng kahon ang ilang mga Salita at ang kahulugan nito