GMRC 4 QUARTER 2 PERIODICAL TEST LOURDES

MaryAnnAlegado2 110 views 10 slides Dec 04, 2024
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

Periodical test


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
GMRC 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2024-2025
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Pamantayan sa Pagkatuto
Bilang
ng
Araw
%
Bilang ng
Aytem
DOMAINS
R U A A E C
1. Naisasabuhay ang tiwala sa sarili
sa pamamagitan ng paglahok sa
mga programang pampaaralan
na nagpapaunlad ng mga
kakayahan, talento at hilig nang
may paggabay ng pamilya
a. Naiisa-isa ang mga sariling
kakayahan, talento at hilig ng
isang bata na kailangang
paunlarin nang may paggabay ng
pamilya
b. Naipaliliwanag na ang
pagpapaunlad ng sariling
kakayahan, talento at hilig nang
may paggabay ng pamilya ay
nakapag-aangat ng tiwala sa sarili
at kalooban upang gawin ang
kaniyang mga tungkulin
c. Nailalapat ang sariling
pagpapaunlad ng mga sariling
kakayahan, talento at hilig nang
may paggabay ng pamilya
7 17.5 7
1, 2,
3
6 4, 5 7
2. Nakapagsasanay ng pagiging
matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang paggawa ng mga
gawaing bukas sa mungkahi ng
miyembro ng pamilya
a. Nakapaglalarawan ng mga
aktibidad / pagkilos sa pamilya na
kailangang gawin nang may
kalidad
b. Naipaliliwanag na ang
pagtupad sa mga gawain ay
7 17.5 7 8, 9,
10,
12
11, 13 14

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
nakapagpapaunlad ng sarili at
ugnayan sa pamilya
c. Nailalapat ang mga gawain sa
pamilya na kailangang gawin
nang may kalidad
3. Nakapagsasanay sa pagiging
mapagpasensiya sa pamamagitan
ng angkop na pananalita at
pagtugon sa kapuwa nang may
pagsasaalang-alang sa damdamin
ng kapuwa
a. Natutukoy ang mga aral na
natutuhan mula sa pamilya
kaugnay ng maayos na
komunikasyon sa kapuwa
b. Naipaliliwanag na ang pamilya
bilang pinagmumulan ng maayos
na komunikasyon sa kapuwa ay
nakapaglilinang ng mga angkop
na gawi o pagtugon sa pakikipag-
ugnayan ng mga kasapi nito sa
ibang tao
c. Nailalapat ang mga natutuhan
mula sa pamilya kaugnay ng
maayos na komunikasyon sa
kapuwa
7 17.5 7 15
16,
18,
20
17 19 21
4. Naipakikita ang pagiging
masunurin sa pamamagitan ng
mapagkalingang pakikitungo sa
mga kasapi ng pamilya
a. Nakapagpapahayag ng iba’t
ibang paraan ng paglalapat ng
mga aral ng pananampalataya sa
mga situwasyon sa pamilya
b. Nakapagsusuri na ang
paglalapat ng mga aral ng
pananampalataya bilang gabay
sa mga situwasyon sa pamilya ay
7 17.5 7 22,
28
23,
24,
25
27 26

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
tungo sa malugod na pamumuhay
c. Naisasakilos ang iba’t ibang
paraan ng paglalapat ng mga aral
ng pananampalataya sa mga
situwasyon sa pamilya
5. Napagsisikap sa pagiging
mabuting katiwala sa
pamamagitan ng paglahok sa
mga gawain ng pamilya na
nagpapanatili ng kalinisan ng tubig
a. Natutukoy ang mga tungkulin ng
pamilya sa pagpapanatili ng
kalinisan ng tubig
b. Nabibigyang-diin na ang
tungkulin ng pamilya sa
pagpapanatili ng kalinisan ng tubig
ay bahagi ng kanilang gampanin
bilang katiwala na sinisiguradong
may pagkukunan ng
pangangailangan ang
kasalukuyan at ang mga susunod
na henerasyon
c. Nailalapat ang mga pansariling
paraan bilang bahagi ng tungkulin
ng pamilyang kinabibilangan sa
pagpapanatili ng kalinisan ng tubig
6 15 6 29
30,
33,
34
31 32
6. Nakapagsasanay sa
pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng pagtugon sa
pagpapatatag ng mga gawi sa
pamilya ayon sa kaugaliang
Pilipino
a. Nailalarawan ang mga
kalagayan ng pagpapatatag ng
mga gawi sa pamilya ayon sa
kaugaliang Pilipino
b. Naipaliliwanag na ang
pagpapatatag sa mga gawi sa
pamilya ayon sa kaugaliang
Pilipino ay nagpapalakas ng
6 15 6 37 36 35 3839,
40

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
damdaming makabayan
c. Naisasakilos ang mga
pakikilahok sa mga gawain na
nagpapatatag ng mga kaugaliang
Pilipino
TOTAL 40 100% 40 12 12 6 6 2 2
Prepared by:
MARY ANN P. ALEGADO
SUBJECT TEACHER
NOTED:
DIORELLA BERNADETTE D. SICAT EdD
ESP II

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
GMRC 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2024-2025
Pangalan: ____________________________________ Iskor:___________________________
Baitang at Seksyon: _______________________ Petsa: ___________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mga kilos o kasanayan na natutuhan sa pamamagitan ng edukasyon,
pagsasanay, o karanasan?
A. kasipagan B. pagmamahal C. kakayahan D. kahiligan
2. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng tiwala sa sarili?
A. Pagiging masipag sa lahat ng gawain.
B. Paghingi ng tulong mula sa iba sa lahat ng oras.
C. Pagsasakripisyo ng sariling interes para sa kapakanan ng iba.
D. Paniniwala sa sariling kakayahan upang makamit ang mga layunin.
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kakayahan?
A. Paggalang sa magulang C. Pag-aalaga ng mga alagang hayop
B. Pagtugtog ng gitara D. Pagtulong sa gawaing-bahay
4. Si Ana ay may hilig sa pagguhit at ang kanyang pamilya ay sinusuportahan siya sa pamamagitan ng
pagbili ng mga kagamitan. Ano ang maaaring gawin ni Ana upang higit pang mapaunlad ang
kanyang talento?
A. Isulat ang kanyang mga guhit sa notebook at itago ito.
B. Tumigil na sa pag-guhit at maghanap ng bagong hilig.
C. Magpahinga at manood na lamang ng mga palabas sa TV.
D. Mag-aral ng mabuti sa pagguhit at sumali sa mga paligsahan sa pagguhit.
5. Nais mong magpakita ng tiwala sa sarili sa isang patimpalak. Ano ang unang hakbang na maaari
mong gawin?
A. Pumili ng talento na madali lamang gawin.
B. Sumali sa paligsahan nang walang paghahanda.
C. Magsanay nang mag-isa at huwag ipakita sa pamilya.
D. Humingi ng gabay at payo sa pamilya tungkol sa talento na ipapakita.
6. Paano nakakatulong ang pamilya sa pagpapaunlad ng iyong talento?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at suporta
B. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng lahat ng bagay
C. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera
D. Sa pamamagitan ng hindi pakikialam
7. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang dapat mong isama sa pagpapaunlad ng iyong talento?

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
A. Magpakaabala sa mga laro.
B. Iwasang makipag-usap sa pamilya
C. Itago ang talent o kakayahan sa iba.
D. Magbigay ng oras sa sarili at sa pamilya para sa pagsasanay.
8. Ano ang ibig sabihin ng "matiyaga"?
A. Agad na nagagalit C. Patuloy na nagtatrabaho kahit na
mahirap
B. Palaging naglalaro D. Hindi nag-iisip
9. Ang _______________ ay mahalagang pangkat sa lipunan.
A. Kaibigan B. Politiko C. Pamilya D. Magulang
10. Ano ang pangunahing tungkulin ng mga magulang sa pamilya?
A. Itaguyod ang pamilya at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan
B. Magbigay ng edukasyon sa komunidad
C. Magturo ng mga asignatura sa paaralan
D. Mangaral sa ibang tao
11. Ano ang tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang?
A. Pagsunod at paggalang C. Pagbibigay ng pagkain
B. Pagtuturo ng trabaho D. Pangangalaga sa tahanan
12. Sino ang nagsisilbing tagapayo at tagapagbigay ng karunungan sa pamilya?
A. Mga magulang C. Mga kapatid
B. Lolo at Lola D. Anak
13. Kung ikaw ay tinanong ng iyong mga magulang na linisin ang inyong bakuran, ano ang dapat mong
gawin?
A. Gawin ito nang mabilis at walang pag-iingat
B. Gawin ito nang mabuti at may kasipagan
C. Ipagpaliban ang gawain at maglaro
D. Huwag pansinin ang kanilang utos
14. Alin sa mga sumusunod ang isang paraan upang ipakita ang iyong pagmamahal sa mga
nakatatanda sa pamilya?
A. Magbigay ng oras at pansin sa kanila
B. Tumulong sa ibang tao at kalimutan sila
C. Magalit kapag sila ay humihingi ng tulong
D. Balewalain ang kanilang mga pangangailangan
15. Ano ang pangunahing layunin ng maayos na komunikasyon sa pamilya?
A. Upang makipagtalo sa isa’t isa
B. Upang magkaroon ng maraming gadgets
C. Upang hindi makipag-usap sa ibang tao
D. Upang mapanatili ang magandang ugnayan at pag-unawa

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
16. Ano ang maaaring maging epekto ng hindi magandang komunikasyon sa pamilya?
A. Nagiging mas masaya ang lahat C. Nagdudulot ito ng hindi
pagkakaintindihan
B. Nagtutulungan ang lahat D. Lahat ay nagiging mas masipag
17. Kung may hindi pagkakaintindihan sa pamilya, ano ang nararapat na gawin?
A. Mag-usap ng mahinahon at linawin ang mga isyu
B. Magtago at huwag kausapin ang isa’t isa
C. Sumigaw ng masakit na salita
D. Iwasan ang usapan at umalis
18. Ano ang isang positibong epekto ng teknolohiya sa komunikasyon ng pamilya?
A. Mas malawak at mabilis na komunikasyon
B. Pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan
C. Pagkawala ng interes sa isa’t isa
D. Pag-aaksaya ng oras
19. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng maayos na komunikasyon sa pamilya?
A. Ang mga miyembro ay nag-uusap habang kumakain nang walang gadget
B. Ang lahat ay nakaharap sa kanilang cellphone habang nag-uusap
C. Ang bawat isa ay nagkukwento nang sabay-sabay
D. Walang nagsasalita sa loob ng bahay
20. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng magandang komunikasyon sa pamilya?
A. Pagkakaroon ng lihim na usapan
B. Pagbibigay ng respeto sa isa’t isa
C. Pagsusumbong sa ibang tao tungkol sa pamilya
D. Pag-aaway sa tuwing may hindi pagkakaintindihan
21. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga alituntunin sa paggamit ng teknolohiya sa loob ng
bahay?
A. Upang iwasan ang mga magulang
B. Upang hindi makipag-ugnayan sa iba
C. Upang mas maraming oras ang magamit sa mga gadget
D. Upang matutunan ang tamang paggamit ng teknolohiya at maiwasan ang panganib
22. Ano ang ibig sabihin ng pananampalataya?
A. Pagkakaroon ng maraming kaibigan C. Pagkain ng masustansyang pagkain
B. Kaugnayan natin sa Diyos D. Pag-aaral ng mga aralin
23. Ano ang dapat gawin upang maipakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya?
A. Mag-aral nang mabuti C. Maglaro kasama ang mga kaibigan
B. Maging maalalahanin at matulungin D. Manood ng pelikula
24. Paano nakakatulong ang pananampalataya sa pagkakabuklod ng pamilya?
A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga aralin
B. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkain

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
C. Sa pamamagitan ng pagsimba at pagdasal
D. Sa pamamagitan ng panonood ng TV
25. Ano ang nararamdaman ng isang tao na may pananampalataya?
A. Kasiyahan at kapayapaan C. Takot at pangamba
B. Galit at inggit D. Walang pakialam sa iba
26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapasalamatin?
A.Pagsasauli ng pabor sa iba
B.Pagtulong sa mga kaibigan lamang
C.Pagtanggap ng regalo nang walang pasasalamat
D.Pagsasabi ng “salamat” sa mga biyayang natamo
27. Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos at kapwa?
A.Sa pamamagitan ng pag-iwas sa ibang tao
B.Sa pamamagitan ng pagiging mapagmataas
C.Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masama
D.Sa pamamagitan ng pagmamahal at paggawa ng kabutihan
28. Ano ang nagbibigay kahulugan sa mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko?
A. Pagkain C. Pananampalataya
B. Pagbibigay ng regalo D. Pagsasaya sa mga bisita
29. Ilang porsoyentyo ng tubig ang tumatakip sa ibabaw ng kalupaan ng daigdig?
A. 71 % B. 61% C. 51% D. 41%
30. Bakit mahalaga ang tubig para sa lahat ng nabubuhay?
A. Dahil ito ay masarap inumin
B. Dahil ito ay ginagamit sa paglalaro
C. Dahil ito ay ginagamit sa pagluluto
D. Dahil ito ay kailangan ng lahat ng organismo upang mabuhay
31. Alin sa mga sumusunod na paraan ang makakatulong upang mapanatiling malinis ang tubig?
A. Pagbili ng mga bottled water
B. Pagtatapon ng langis sa mga ilog
C. Paggamit ng maraming plastik na bot.
D. Paggamit ng environmental-friendly detergent
32. Bakit mahalaga ang plastic waste reduction sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?
A.Dahil ang plastik ay mas mura
B.Dahil ito ay nagbibigay ng trabaho
C.Dahil ang plastik ay mabuti para sa kalikasan
D.Dahil ang plastic waste ay nagdudulot ng polusyon sa mga karagatan
33. Alin sa mga sumusunod ang isang personal na hakbang na maaari mong gawin upang makatulong
sa iyong pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?
A.Hindi pag-inom ng tubig

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
B.Pagtatapon ng basura sa tamang lugar
C.Pagpupuno ng bathtub ng tubig
D.Pag-iwan ng mga gripo na bukas
34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI wastong paraan ng pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?
A.Pagtapon ng basura sa ilog
B.Paglilinis ng paligid ng pinagkukunan ng tubig
C.Pag-iwas sa paggamit ng mga kemikal na nakakapinsala
D.Pagsasagawa ng mga programa para sa pagtitipid ng tubig
35. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matibay na kaugaliang Pilipino sa loob ng
pamilya?
A.Si Ben ay bumibili ng imported na pagkain araw-araw.
B.Si Carlo ay nanonood ng mga banyagang palabas buong araw.
C.Si Ana ay tumutulong sa pamimili ng mga lokal na produkto kasama ang kanyang ina.
D.Si David ay nagpapalipas ng oras sa paglalaro ng online games sa halip na makisali sa mga
gawaing pamilya.
36. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng ugnayan sa
pamilya?
A.Pag-iwas sa pagkikpag- uusap
B.Pagbabangayan ng mga kapatid
C.Pagtutulungan sa mga gawaing bahay
D.Pagwawalang-bahala sa mga nakatatanda
37. Ano ang tawag sa kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng pagmamalasakit at pagtutulungan?
A. Bayanihan B. Harana C. Pamahiin D. Pamamanhikan
38. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaunawaan sa mga gawi ng
pamilya ayon sa kaugaliang Pilipino?
A. Laging umaasa ang bawat isa sa ibang tao.
B. Ang mga kabataan ay hindi binibigyan ng tungkulin.
C. Ang mga miyembro ng pamilya ay hindi nagpapakita ng respeto sa isa't isa.
D. Laging ipinapaalala ng mga magulang ang halaga ng pakikibahagi sa mga gawaing bahay.
39. Paano mo maisasagawa ang sistemang bayanihan sa iyong komunidad?
A.Sa pag-iwas sa mga aktibidad ng komunidad.
B.Tumanggap ng tulong pero hindi ka magbibigay.
C.Manatili sa bahay kapag may ginagawang proyekto ang barangay.
D.Mag-organisa ng isang community cleanup day at hikayatin ang iba na sumali.
40. Paano mo mas mapapalaganap ang diwa ng pagbibigayan tuwing Pasko?
A.Sa pagbibigay ng mga regalo sa mga tao sa inyong komunidad
B.Sa pag-iwas sa pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo
C.Sa pag-iwas sa pakikilahok sa mga aktibidad ng Pasko
D.Sa pag-aaway sa mga tao tuwing Pasko

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
LOURDES ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION NORTH DISTRICT
Prepared by:
MARY ANN P. ALEGADO
SUBJECT TEACHER
NOTED:
DIORELLA BERNADETTE D. SICAT EdD
ESP II
Tags