GMRC_Quarter 2 Week 6 Matatag Curriculum

NinaRachellRodriguez 0 views 11 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

GMRC


Slide Content

GMRC Mga Gawi ng Pamilya sa Pangangalaga sa Kalikasan QUARTER 2 WEEK 6 DAY 1

Ang Masayang Pamilya sa Bakuran Isang Sabado ng umaga , nagpasya ang pamilya Dela Cruz na magtulungan sa kanilang bakuran .

Si Tatay ay naghanda ng mga buto ng kamatis at talong . Si Nanay naman ay nagdala ng timba ng tubig at mga gamit sa pagtatanim . Sina Ana at Ben, na masigla at masayahing magkapatid , ay nagdala ng mga maliit na pala at walis tingting .

Habang nagtatanim si Tatay, si Nanay ay maingat na nagdidilig . Sina Ana at Ben ay nagwalis ng mga tuyong dahon at itinabi ang mga ito sa compost pit.

“Mas masarap tumulong kapag magkakasama tayo,” sabi ni Ana habang nakangiti . “Oo nga ! Kapag malinis at may tanim ang bakuran , mas maganda at mas preskong tumira dito ,” dagdag ni Ben.

Natapos nila ang gawain nang mabilis dahil nagtulungan sila . Pagkatapos , masaya silang nagsalo-salo ng meryenda sa lilim ng puno ng mangga .

“ Kapag nagtutulungan ang pamilya , nagiging masaya at magaan ang lahat ng gawain ,” sabi ni Tatay. At lahat sila ay sabay-sabay na sumang-ayon .

Tandaan : Ang pamilya ay may iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa kalikasan .

Tandaan : Ang mabuting gawi ng pamilya ay nakatutulong hindi lang sa kalikasan , kundi pati sa tao .

Tandaan : Sa pamamagitan ng sariling kilos, maipapakita ang malasakit ng pamilya sa kalikasan .

Tandaan : Ang pamilya at paaralan ay magkasama sa pag-aalaga ng kalikasan .