Gamit ng Pandiwa sa Iba’t Ibang Sitwasyon Quarter 2 Week 4 FILIPINO 6
Day 1-2
“ Ibigay ang ginagawa ng mga nasa larawan mula sa bidyo link na ito ”, https://www.youtube.com/watch?v=8cQ411YCHEk
Pagtalakay sa paksa sa pamamagitan ng bidyo na mula sa link na ito . https://www.youtube.com/watch?v=7f7Ve_SvYpg
Gawain #1: Punan ang patlang ng angkop na pandiwa mula sa pawatas na nakatala sa unahan ng bawat pangungusap . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel . ( sumali ) 1. _______________ka namin sa timpalak ng Sulkastula 2020. ( maglaba ) 2. _______________ kita ng mga damit kahapon pa. ( maghulog ) 3. ________________ mo ang pera sa bangko ngayong tanghali !
( magbayad ) 4. Ang bills ng kuryente at tubig ay ___________ ng tatay mo mamaya . ( nagpaalam )5. Ang mga mag- aaral ay ________ sa kanilang guro bago umalis ng silid-aralan . ( maglinis ) 6. ___________ muna ng bahay ang nanay bago namalengke . ( nagsabi ) 7. Ang magkakapatid ay maayos niyang _____________ kanina .
( nagkalap ) 8. _______________ ng pondo para sa kawanggawa ang kanilang samahan . (nag- ipon ) 9. Matiyagang ________________ ng matanda ang mga bote at lumang diyaryo . ( nanalangin ) 10. _________________ natin ang kaligtasan ng lahat sa Covid 19.
GAWAIN #2. Salungguhitan ang pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap . Gawin ito sa iyong saguang papel . 1. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam . 2. Si Andeng ay nagdiwang ng kaarawan noong Sabado. 3. Pinag-ingatan mo ba ang aking kotse ? 4. Ang bagong biling kutsilyo ay ipinanghihiwa niya sa karne . 5. Kaliligo pa lamang ng bata ay marumi na siya ngayon . 6. Magtanim tayo ng mga punongkahoy sa paligid ng ating subdibisyon . 7. Ang mga dalaga ay nananahi ng mga Barong Tagalog. 8. Pag- aaralan namin bukas ang tungkol sa mga uri ng bato . 9. Kasusuweldo mo pa lamang ay wala ka ng pera ? 10.Pumasok ka nang maaga bukas .
Day 3-4
GAWAIN #3. GAWAING PAKIKINIG. Ang guro ay magpapatugtog ng awiting pinamagatang ,”Kahit Ayaw mo na ”, na inawit ng This Band. Habang ang mga mag- aaral ay nakikinig , isusulat nila ang lahat ng uri ng Pandiwa na kanilang maririnig mula sa awitin.Ang bawat tamang linyang kanilang maisusulat ay katumbas ng isang puntos.
GAWAIN #4. Punan ang patlang ng tamang sagot . Ang pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw . Sa pagsusulat ko at pagsasagot sa iba’t-ibang aspekto ng pandiwa Nakita ko ang pagbabago ng anyo ng mga ito sa iba’t ibang _______________o aspekto matapos ang pagbabanghay sa pawatas na binubuo ng ____________ at panlaping makadiwa .
GAWAIN #5. Magtala ng tig dadalawang pangungusap gamit ang aspekto ng pandiwa ( naganap , nagaganap at magaganap ). Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel
Day 5
Quiz
Piliin at salungguhitan ang pandiwa sa aspektong ipinahihiwatig ng pangungusap . Gawin ito sa sagutang papel . Masayang ( pinaglaruan , pinaglalaruan , paglalaruan ) ngayon ni Roxanne ang bago niyang manyika . 2. ( Kabibili , Binili , Ibibili ) ko pa lang ng mga medyas mo , bakit wala agad ?
3. Ang dalaga ay ( paglalabahin , ipaglalaba , maglalaba ) ng kaniyang ina kapag ito ay sanay na sanay na. 4. ( Ipinanghiram , Ipinanghihiram , Ipanghihiram ) kita ng damit na isusuot mo sa palatuntunan sa Linggo . 5. ( Itinago , Itinatago , Itatago ) ko ang kalahati ng aking kita tuwing araw ng suweldo ?
6. ( Naghanda , Maghanda , Maghahanda ) na kayong lahat dahil parating na ang banda ng musiko . 7. Ang aking alagang aso ay ( nawala , nawawala , mawawala ) kagabi nang ito’y nakalabas ng bakuran . 8. ( Tinatanggal , Tinanggal , Tatanggalin ) sa trabaho ang lalaki noong isang linggo .
9. Ang mga anak ni Aling Julia ay ( ipinaalis , ipinaaalis , paaalisin ) sa lupang tinitirikan ng kanilang bahay sa susunod na taon . 10. ( Kinuha , Kinukuha , Kukunin ) na ngayon ang lagaring hiniram ni Itay kay Mang Daniel.