Sa loob ng 5 minuto , bawat pangkat ay bibigyan ng mga piraso ng kwento nina Thor at Loki na halo-halo ang pagkakasunod-sunod . Ang misyon : pag-usapan at ayusin ang mga story cards batay sa tingin nilang tamang banghay . Ipapaliwanag nila kung bakit ganoon ang ayos . Kwento Ko, Ayos Mo!
Paano matutukoy ang pangunahing ideya ng usapan ? Paliwanag : Sa pagbabasa ng diyalogo o usapan ng mga tauhan sa isang kwento tulad ng mitolohiya , kailangan mo munang tukuyin ang: PANGUNAHING IDEYA
Tagapagpadala ng Mensahe — Sino ang nagsalita o nagbigay ng ideya ? Tagatanggap ng Mensahe — Kanino niya ito sinabi o sino ang kausap ? Paksa o Sitwasyon — Ano ang pinag-uusapan? Ano ang mahalagang puntong binabanggit?
Dahil ito ang nagbibigay linaw kung ano ang sentrong ideya ng pag-uusap ng mga tauhan . Mas naiintindihan mo ang layunin ng bawat linya o sinabi . Mas madali mong masasabi kung ano ang gustong iparating ng kwento . BAKIT MAHALAGA?
Thor: “Ako ang pinakamalakas sa Asgard at walang higante ang makakatalo sa akin!” Utgard-Loki: “Sige, ipaglalaban ka ng aking mga alagad at tingnan natin kung totoo iyan !” Tagapagpadala: Thor ang nagbigay ng pahayag tungkol sa kanyang lakas . Tagatanggap : Si Utgard-Loki ang kausap niya . Paksa o Pangunahing Ideya : Pinag- uusapan nila kung sino ang mas malakas , si Thor ba o ang mga alagad ni Utgard-Loki. HALIMBAWA
Pangunahing Ideya , Tukuyin mo ! Panuto: Panoorin ang video na matatagpuan sa link na https://www.youtube.com/watch?v=_bk7OQXq6PY Pagkatapos , sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan sa iyong sagutang papel .
1. Sino ang tagapagdala ng mensahe sa napiling diyalogo ? 2. Sino ang tagatanggap ng mensahe ? 3. Ano ang sitwasyon sa usapan ng dalawang tauhan ? 4. Ano ang mensahe ng usapan ng dalawang tauhan ? Ipaliwanag ang kasagutan . MGA TANONG:
Ang collocation o kolokasyon ay ang paraan ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang makabuo ng isang bagong salita o parirala na may iba na o mas malalim na kahulugan kaysa sa literal na kahulugan ng dalawang salita kapag hiwalay . KOLOKASYON Bakit ito mahalaga ? • Nakakatulong ito upang mas maunawaan ang malikhain at malalim na gamit ng wika . • Mas nagiging masining ang pagpapahayag ng damdamin o kaisipan sa mga akdang pampanitikan , gaya ng mitolohiya . • Nahahasa ang kasanayan mo sa pagbibigay - kahulugan batay sa konteksto .
Halimbawang pangungusap : Nagdilim ang paningin ni Thor sa sinabi ng pinuno ng mga higante . Ibig sabihin : Labis siyang nagalit , hindi literal na nagdilim ang kanyang mata . HALIMBAWA NG KOLOKASYON anak + araw = anak- araw → isang tao na maputi ang balat . tainga + kawali = taingang-kawali → nagbibingi-bingihan o nagkukunwaring walang narinig .
PAGLINANG NG TALASALITAAN Panuto: Dugtungan ng isang salita ang punong salita upang makabuo ng bagong salita . Ibigay ang kahulugan ng nabuong bagong salita at gamitin ito sa pangungusap . Sagutin ito sa iyong sagutang papel . Halimbawa : Tubig. Bagong salita : Tubig- alat = dagat / karagatan .
PAGTALAKAY SA MITOLOHIYA Ang mitolohiya ay sinaunang salaysay na nagmula sa tradisyong pasalita . Karaniwang tema nito ang kultura , mga diyos at diyosa , at ang ugnayan nila sa mga tao . Mahalaga ito dahil naglalarawan ito ng paniniwala at pamumuhay ng isang lahi at nagbibigay ito ng mahahalagang aral na maaari mong maiugnay sa mga akdang pampanitikan .
MGA ELEMENTO NG MITOLOHIYA TAUHAN TAGPUAN BANGHAY TEMA
Panuto: • Basahin ang isyung ibibigay ng guro kaugnay ng kwento . • Pumili ng sagot batay sa iyong paniniwala : AGREE, DISAGREE, NOT SURE, o DEPENDS. • Pumunta sa sulok na naka -label ayon sa napIli mong sagot . • Maghanda ng maikling paliwanag kung bakit iyon ang iyong pinili . I-share ito sa grupo sa sulok . • Pakinggan ang paliwanag ng iba , at kung gusto mo , maaari kang lumipat ng posisyon kung nagbago ang iyong paniniwala . INDIBIDWAL NA GAWAIN: Walking Debate / Four Corners
Paano mo magagamit ang mga natutunan mong paraan ng pagtukoy sa pangunahing ideya , kolokasyon , at elemento ng mitolohiya sa pang- araw - araw na pagbabasa at pakikipag-usap ?
Ano ang kaugnayan ng pagtukoy sa pangunahing ideya , pag-unawa sa kolokasyon , at pagsusuri ng elemento ng mitolohiya sa mas malalim na pag-unawa sa isang akdang binasa ?
PAGTATAYA Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong . Isulat lamang ang tamang sagot sa patlang na nakalaan .
1. Ano ang tawag sa nagsasalita o nagpapahayag ng ideya sa isang usapan ? 2. Anong bahagi ng usapan ang tumutukoy sa taong pinagsasabihan ng mensahe ? 3. Anong tawag sa pagsasama ng dalawang salita para makabuo ng bagong kahulugan ? 4. Ano ang pangunahing elemento ng mitolohiya na naglalarawan kung saan at kailan naganap ang kwento ? 5. Anong elemento ng mitolohiya ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ?