(1996 hanggang sa kasalukuyan) Ang panahon ng
Kontemporaryong Panitikan ay nagsimula sa taong 1996 at
nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ito ay
naganap matapos ang panahon ng Martial Law.
Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uri ng PILIPINO - ang
mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at
marunong magmahal sa sariling bansa hindi lamang sa salita
kundi sa tunay na gawa, at para sa mga mamamayang
Pilipino, ito pa lamang ang tunay na Republika - "Ang Tunay na
Bagong Republikang Pilipinas."
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
MARTIAL LAW
Enero 17, 1981
Ibinaba ni Pangulong Marcos ang kautusan
na nag-aalis ng Batas Militar kasabay ng
Bagong Republika.
Simulaing "Isang Bansa, Isang Diwa"
Nais na pagpapalaganap ng Bagong
Repulika.
Agosto 21, 1983
Pagpaslang kay Benigno Aquino sa Ninoy Aquino
International Airport (dating Manila International Airport)
Nabahiran ang mga tula, maikling kwento, nobela, dula at
kahit mga awitin ng masalimuot na damdamin.
Pebrero 7, 1986
"Parliament of the Street"
Nagkaroon ng Snap Election
"People Power Revolution" o "EDSA Revolution"
Pebrero 24, 1986
Naluklok si Gng. Corazon Aquino (maybahay ni Benigno Aquino), kapalit ang
napatalsik na 20 taong diktaturyang pamahalaan ni Pang. Marcos. Siya ang
kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
Pagtatapos ng yugto
Itinanghal ang Pilipinas na "Bagong Bansa sa Bagong Demokrasya: Moral
Recovery" na binigyang pansin ni dating Pang. Fidel V. Ramos.
"Erap para sa Mahirap" naman ang pilosopiyang ginamit ni dating Pabg. Joseph
Estrada na ginawang "Ang Pinoy 2004" - na ang layunin ay maiangat ang antas ng
pamumuhay ng mga Pilipino.
KATANGIAN
Ang mga manunulat ay naglantad ng mga totoong pangyayari
upang mamayani ang realismo. Inilarawan nila ang mga masasama
at magagandang pangyayari sa lipunan tulad ng karahasan at
kahirapan, prostitusyon, at pagtaas at pagbaba ng krimen.
Nagpatuloy parin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang
likha ng mga manunulat. Ang mga komiks at magasin man ay
nagbago ayon sa Bagong Republika.
Ang mga dulang Pilipino ay nagningning dahil sa pagkalat nito mula
sa mga paaralan hanggang sa mga tanghalan tulad ng CCP at
Metropolitan Theater.
Sa mga dula naging paksa ang:
Aktibismo
Suliraning Kahirapan
Kasamaang dulot ng bawal na gamot
Paniniwala o Ideolohiya
Ito ay inimpluwensyahan ng mga panibago at mapamintas na teorya. Nagsimula ang
pagpapalaganap ng panitikan sa iba't ibang anyo. Ang mga manunulat sa panahong
ito ay nagpapatuloy na sumulat ng mga tula, maikling kwento, nobela at mga sanaysay
sa iba't ibang kategorya.
Ang mga nag-aalab na damdamin naman ng mga
manunulat ang nagbunsod ng Writers Union of the
Philippines o WUNP o Unyon ng mga Manunulat na
Pilipino. Upang ilabas ang mithi, ang magasin na
tumugon sa uhaw na mga mababasa sa mga
akdang buhay.