grade 3 second quarter week 7.PPT PAGIISANG PAGLALARAWAN.pptx
GiennivaFulgencio
0 views
86 slides
Oct 09, 2025
Slide 1 of 86
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
About This Presentation
A lesson in grade 3 Filipino, also tackles about weather forecasting in tagalog.
Size: 4.57 MB
Language: none
Added: Oct 09, 2025
Slides: 86 pages
Slide Content
Banghay Aralin sa FILIPINO ANNE ALFARO Teacher
LEARNING COMPETENCIES natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita ; natutukoy ang mga panandang naghuhudyat ng pagiisa -isa - paglalarawan sa ulat-panahon ; nakapagpapahayag ng ideya batay sa huwaran ng organisasyon ng ulatpanahon gamit ang hudyat sa pag-iisa-isapaglalarawan
TEKSTONG IMPORMATIBO ( Pag- uulat ng Panahon at Pag- iisang Paglalarawan )
BALIKAN NATIN
Panuto : Basahin ang pangungusap. Kulayan ng PULA ang bulaklak kung ang pangungusap na ginamitan ng pang-ukol at LILA naman kung wala.
Panuto : Pag- aralan ang mga salita sa Hanay A at hanapin ang kasalungat nito sa Hanay B. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel .
SUBUKIN NATIN
Panuto : Halina at umawit tayo!
ANG PANAHON Â Tingnan natin at pakiramdaman Ang panahon kaibigan Maaaraw ba o maulan ? Pagpasok sa eskwelahan
Maaaraw-maaaraw ang panahon Maaaraw-maaaraw ang panahon Maaaraw-maaaraw ang panahon Maaaraw ang panahon
TANONG: Ano ang nabanggit na panahon sa awitin ? Maaari mo bang ilarawan ang panahon na nabanggit sa awitin ? Ano ang gusto mong ginagawa sa ganitong panahon ?
ALAMIN NATIN
Panuto : Basahin nang sabay-sabay ang ulat panahon . ( Maaaring tumawag ang guro ng mga piling mag- aaral ng babasa nito sa paraang paulat ).
BALITA: ULAT PANAHON Philippine Information Agency – NCR Facebook page: https://web.facebook.com/PIAMetroManila Ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na dagdag pa ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa .
Ang Metro Manila, La Union, Pangasinan, CALABARZON, kabilang ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at ng MIMAROPA, Kabikulan , Kabisayaan at gayundin ang Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog .
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog .
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Gitna at Katimugang Luzon at mula naman sa hilagangsilangan hanggang hilagang-kanluran sa natitirang bahagi ng Luzon at ang baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon .
Sa ibang dako , ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan .
Ang araw ay sisikat 5:45 ng umaga at lulubog 5:54 ng gabi.
TANONG : 1. Tungkol saan ang ulat panahon ? 2. Ano- anong lugar ang makakaranas ng maulap na papawirin ? 3. Ilahad ang kalagayan ng panahon sa bansa batay sa binasa .
4. Isa- isahin ang mga hakbang na maaari mong gawin bilang paghahanda sa inilahad na lagay ng panahon .
5. Pamilyar kaba sa mga sumusunod na panandang paglalarawan ? Ibigay ang kahulugan nito .
TUKLASIN NATIN
Ang tekstong impormatibo na naglalahad ng pangyayaring pangkalikasan ay naglalaman ng mga impormasyon o detalye ukol sa kalagayan ng ating kalikasan . Maaari itong positibo , o negatibo .
Ang ulat panahon ay isang uri ng tekstong impormatibo na layuning ilarawan ang kalagayan ng panahon sa isang lugar . Ito ay maaaring makita sa balitang pampahayagan , pantelebisyon maging panradyo .
Tulad ng babala , ang ulat panahon ay ginagamitan din ng mga panandang naghuhudyat ng pag-iisaisa sa paglalarawan .
Ang mga panandang paglalarawan ay nakatutulong upang mabigyan ng pakahulugan ang mga sitwasyon gaya ng ulat panahon . Ang mga halimbawa ng mga panandang naghuhufyat ng pag - iisa -isa sa paglalarawan na ginagamit sa ulat panahon ay ang mga sumusunod .
May matinding pagkulog at pagkidlat sa bahaging apektado ng sama ng panahon . May malakas na pag-ulan sa mga bahaging apektado ng sama ng panahon .
Magkakaroon ng maulap na papawirin dulot ng sama ng panahon sa lugar na apektado . Magiging malulam ang panahon ngunit may bahagyang pagsikat ng araw dulot ng paparating na sama ng panahon .
Sisikat ang araw ngunit may manaka-nakang pag-ulan sa mga apektadong lugar . Sisikat ang araw ngunit may manaka-nakang pag-ulan sa mga apektadong lugar .
Makakaranas ng mga bahagyang pagkulog at pagkidlat sa mga apektadong lugar .
Ang mga panandang ito ay nakatutulong upang maipakita ang ulat ng panahon sa mga manunuod at mambabasa . Narito ang halimbawa ng hudyat na pananda ng ulat panahon .
Ang pag-iisang paglalarawan ay ang sunod-sunod o isa isang pagbibigay ng katangin at paglalarawan sa isang tao , bagay, hayop o pangyayari . Sa ulat ng panahon ang inilalararawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katangian ng panahon .
Halimbawa : Makararanas ang kapuluan ng madilim na papawirin na sinasabayan ng malakas na bugso ng hangin at pulo-pulong pag-ulan . Ang mga salitang may salungguhit ay halimbawa ng pag-iisa-isang paglalarawan sa lagay ng panahon .
Sa paglalahad ng teks tong impormatibo sa ulat panahon , mahalaga na malaman mo ang kahulugan ng mga salitang nakasulat dito upang higit na maipahatid sa mambabasa ang kaisipan at layunin ng iyong ulat panahon .
Ang magkahulugang salita ay mga salitang may magkapareho at magkamukhang kahulugan . Narito ang ilan sa halimbaw ang mga salitang magkahulugan .
GAWAIN 1
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na ulat panahon at kahunan ang mga salitang magkahulugan .
Dahil sa paparating na bagyo makakaranas ang mga lugar sa Central Luzon ng manaka-nakang pagkulog at pagkidlat na sinabayan ng bagya-bagyang pag-ulan .
Maaliwalas ang magiging lagay ng panahon sa maghapon na magdudulot na malinis na kalangitan at matinding sikat ng araw .
Makulilim ang paligid at laganap ang madidilim na mga ulap na nagbabadya ng paparating na sama ng panahon .
Laganap ang maitim na ulap na nagbabayad ng malawak na pag-ulan sa mga lugar na apektado ng sama ng panahon .
Manatiling nakahanda ang lahat at alerto sa paparating na bagyo .
GAWAIN 2
Panuto : Unawain ang mga pananda at ibigay ang kahulugan nito . Piliin ang letra ng tamang sagot .
Magiging maaliwalas ang panahon at matindi ang sikat ng araw . \ May matinding pagkulog at pagkidlat sa bahaging apektado ng sama ng panahon . Malakas ang magiging apgkulog at pagkidlat sa mga lugar na apektado ng masamang panahon . Makararanas ang mga apektadong lugar ng malakas nap ag- ulan dulot ng masamang panahon . Magiging maulap ang papawirin hudyat ng nagbabadyang masamang panahon . Â

GAWAIN 3
PANGKATANG-GAWAIN: Pangkatin ang klase sa tatlong grupo . Pipili ng lider na mamamahala sa grupo . Bibigyan ng 6 na minuto ang bawat grupo upang gawin ang gawain . Ipresinta ang awtput sa klase .
PANGKAT 1: Bumuo ng ulat panahon batay sa ipinapakita ng larawan . Gumamit ng mga hudyat ng pag - iisa -isa at paglalarawan . Maghanda para sa pag-uulat .
PANGKAT 2: Bumuo ng ulat panahon batay sa ipinapakita ng larawan . Gumamit ng mga hudyat ng pag - iisa -isa at paglalarawan . Maghanda para sa pag-uulat .
PANGKAT 3: Bumuo ng ulat panahon batay sa ipinapakita ng larawan . Gumamit ng mga hudyat ng pag - iisa -isa at paglalarawan . Maghanda para sa pag-uulat .
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Ipatanghal sa klase , bigyan ng puna at pamarkahan sa ibang grupo ayon sa pamantayan . Nilalaman - 10 puntos • Kumpleto ang lahat ng aspekto ng ulat ( kalangitan , temperatura , hangin , ulan , atbp .). Malinaw at madaling maunawaan ang mga impormasyon . Organisasyon - 10puntos Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng ulat . Paggamit ng Wika- 10puntos Gumamit ng wastong baybay , bokabularyo , at pormalidad ng wika 30 puntos- KABUUAN
ISAISIP NATIN
Ang tekstong impormatibo na naglalahad ng pangyayaring pangkalikasan ay naglalaman ng mga impormasyon o detalye ukol sa kalagayan ng ating kalikasan . Maaari itong positibo , o negatibo .
Ang ulat panahon ay isang uri ng tekstong impormatibo na layuning ilarawan ang kalagayan ng panahon sa isang lugar . Ito ay maaaring makita sa balitang pampahayagan , pantelebisyon maging panradyo .
Sa paglalahad ng tekstong impormatibo sa ulat panahon , mahalaga na malaman mo ang kahulugan ng mga salitang nakasulat dito upang higit na maipahatid sa mambabasa ang kaisipan at layunin ng iyong ulat panahon .
Ang magkahulugang salita ay mga salitang may magkapareho at magkamukhang kahulugan . Narito ang ilan sa halimbaw ang mga salitang magkahulugan .
TAYAHIN NATIN
PANUTO: Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang letra ng tamang sagot .
Ito ay naglalahad ng pangyayaring pangkalikasan ay naglalaman ng mga impormasyon o detalye ukol sa kalagayan ng ating kalikasan . Maaari itong positibo , o negatibo Kalagayan ng ating kalikasan Impormasyon Tekstong impormatibo
2. Makararanas ng manaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dulot na masamang lagay ng panahon . Ano ang uri ng panahong inilalahad ng teksto ? Magiging maaaraw Makakaranas ng pag-ulan magkakalindol
3. Alin sa mga sumusunod na ulat panahon ang nagpapakita ng Magandang panahon ? Magkakaroon ng malalaks na pagbuhos ng ulan sa malaking bahagi ng bansa . Magiging maaliwalas ang kalangitan sa maghapon Magkakaroon ng pabugso-bugsong lakas ng hangin na sinasamahan ng kidlat at pagkulog
4. Alin sa mga sumusunod na panandang nagpapakita ng pag-iisa ng paglalarawan ang tumutukoy sa mahagyang pagsikat ng araw na sinasabayan ng pag-ulan ? A. B. C.
5. Bakit mahalaga na malaman at maunawa mo ang mga panandang hudyat ng pag - iisa -isa ng paglalarawan ? Upang maunawaan ang kaisipang nais ipabatid mula sa isang ulat panahon Upang matuto sa pagguhit ng mga lagay ng panahon . Upang maibigay ang kahulugan ng mga paglalarawang tumutukoy sap ag- uulat ng lagay ng panahon
KARAGDAGANG GAWAIN
PANUTO : Salungguhitan ang mga panandang naghuhudyat ng pag-iisaisa - paglalarawan na ginamit sa ulat-panahon .
Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas na southwest monsoon o habagat , ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services dministration (PAGASA) nitong Linggo .
Sa datos ng PAGASA kaninang madaling araw ay pinalakas ng dumaang bagyo ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa bansa tulad ng dadanasin sa kalakhang Maynila. Dahil sa pinalakas na habagat , uulanin ang malaking bahagi ng Zambales, kasama rito ang Bataan, Occidental Mindoro, kabilang din ang hilagang bahagi ng Palawan.
Kalat- kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Western Visayas, La Union, Pangasinan, Tarlac, Pampanga at Benguet. Gayundin naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Bulacan, Batangas, Cavite at mga natitirang bahagi ng MIMAROPA.
Posible rin ang pagbaha bukod pa ang pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan . Samantala , magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan bansa hanggang umiiral ang habagat .