GRADE 6 AP Q2 Week 2 pamahalaang amerikano.pptx

MargieLancero 17 views 74 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 74
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74

About This Presentation


Slide Content

Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan.

Tinatanaw na Kasarinlan Ni Samuel S. Javier Kalayaang hangad nitong Inang Bayan mula sa kamay ng mga dayuhan Mistulang pangarap na di makakamtan Pagmamahal sa bayan tanging pinanghawakan Pilipinisasyon nakitang solusyon Kaya Amerikano nagpadala ng komisyon Schurman at Taft nagsiyasat sa Pilipinas noon Magandang rekomendasyon naging pabaon ng mga komisyon

Makalipas ang ilang taon , mga batas sa Kalayaan iniahon Batas ng Pilipinas ay Batas Cooper tawag nila doon Batas Jones nag iwan opisyal na pangako ng kalayaan Misyong Os -Rox tinangkilik itong Hare-Hawes-Cutting Tydings-McDuffie ang para naman kay Quezon Nagtakda din naman ng sampung taong transisyon Pilipinas nagkaroon ng kinatawan Dagdag pa ang kapangyarihang kumbensyon

Gabay natanong : 1. Ano ang tanging pinanghawakan ng ng mga Pilipino sa pagkamit ng Kalayaan? 2. Ano- ano ang komisyong ipinadala ng Amerika sa Pilipinas ? 3. Sa iyong palagay , bakit hinahangad ng bansa na maging malaya ?

Ang Simula ng Pilipinisasyon ng Pamahalaan

Sa pamamagitan ng patakarang Pilipinisasyon , unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan . Ito ay sa bisa ng mga batas ng kongreso ng Estados Unidos at ng mga kautusan . Nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan . Ang pamamahalang lokal ay napasailalim sa mga Pilipino.

Naigawad din ang karapatang bumoto ng mga lalaking may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat . Ang Komisyong Schurman ay kauna-unahang komisyon ng Pilipinas na binuo ni Pangulong William McKinley noong Enero 20, 1899. Pinamunuan ito ni Jacob Gould Schurman.

Tinulungan nito ang pamahalaang militar sa pagbuo ng mga patakaran sa Pilipinas . Ang mga mungkahing kanilang isinulat ay: Ang pag-aalis ng pamumunong militar sa mga payapang pook . P agtatatag ng malasariling pamahalaang local Pagbukas ng libreng paaralang pang- elementarya P aghirang ng mga may kakayahang Pilipino sa mahahalagang tungkulin sa pamahalaan .

Ika-3 ng Hunyo , 1900 nang dumating ang Komisyong Taft sa Pilipinas upang magsiyasat at nang maisagawa ang rekomendasyon ng unang komisyon . William Howard Taft

Ang iba pang tagubilin ni McKinley: 1. Paghahanda sa unti-unting pamamahala ng mga Pilipino sa sariling pamahalaan . 2. Paghalal ng mga opisyal na Pilipino sa pamahalaan at pagbibigay ng pagkakataong piliin ang mga Pilipinong opisyal sa halip na mga Amerikano kung ang tungkulin ay hinirang lamang . 3. Pagpapalugit ng walang bayad na edukasyong primarya para sa lahat. 4. Paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan .

Gabay na tanong : Ano ang panukala ng komisyong Schurman? Gaano kahalaga ang mga komisyong ito sa pagkakaroon ng pilipinisasyong pamahalaan ?

Isulat ang inyong opinyon o saloobin ukol sa mga paksa sa ibaba .

Paano mo isasabuhay ang mga batas na naging daan sa pagkakaroon natin ng sariling pamahalaan ?

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad at M naman kung hindi . 1. Ang Komisyong Taft ang kauna unahang komisyon na dumating sa Pilipinas . 2. Ang mga pilipinong lalaki na edad 23 taong gulang na may kakayahang bumasa at sumulat ay binigyan ng karapatang bumoto . 3. Isa sa tagubilin ni McKinley ay ang pagpapalugit ng walang bayad na edukasyong primarya para sa lahat.

4. Sa pamamagitan ng patakarang Pilipinisasyon , unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan 5. Isa sa nilalmaang ng Komisyong Taft ay ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan .

Natatalalakay ang mga batas na may kinalaman sa pagsasarili • Batas Cooper at Asamblea ng Pilipinas.

BALIKAN NATIN Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad at M naman kung hindi . 1. Ang Komisyong Taft ang kauna unahang komisyon na dumating sa Pilipinas . 2. Ang mga pilipinong lalaki na edad 23 taong gulang na may kakayahang bumasa at sumulat ay binigyan ng karapatang bumoto .

3. Isa sa tagubilin ni McKinley ay ang pagpapalugit ng walang bayad na edukasyong primarya para sa lahat. 4. Sa pamamagitan ng patakarang Pilipinisasyon , unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan 5. Isa sa nilalmaang ng Komisyong Taft ay ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan .

Tukuyin kung sino ang nasa bawat larawan.

Ang Batas Pilipinas ng 1902 (Batas Cooper)

Isang panukalang batas ang iniharap ni Kongresista Henry Allen Cooper na magtatakda ng pangangasiwa ng Pamahalaang Sibil ng Pilipinas . Ito ay tinawag na Batas Cooper . Maraming tumutol dito dahil nangangahulugan ito ng pangangasiwa ng pamahalaan ng mga Pilipinong ihahalal sa Asamblea .

Sa palagay ng mga Amerikano , hindi pa handa sa sariling pamamahala ang mga Pilipino. Ipinagtanggol ni Taft ang Batas Cooper nang sabihin niyang ito ang makapagpapaniwala sa ipinahayag na layunin ng Estados Unidos sa Pilipinas .

Ang Batas Cooper ay may tatlong kundisyon na dapat tuparin bago maitatag ang Asemblea ng Pilipinas : 1. Ganap na panunumbalik ng kapayapaan at kaayusan . 2. Ganap na pagsesenso sa buong kapuluan . 3. Dalawang taong mapayapa at matahimik na pamumuhay matapos maipahayag ang ginawang senso.

Nang matupad ang mga kundisyon ng Batas Cooper, nagdaos ng unang pambansang halalan noong ika-30 ng Enero , 1907 .

Ang Batas Jones

Ito ay ipinanukala ni Kongresista William Atkinson Jones upang mabigyang Kalayaan ang Pilipinas . Ang batas na ito ay pinagtibay ni Pangulong Woodrow Wilson noong Agosto 29, 1916.

Itinakda nito ang: 1. Pormal at opisyal na pangako sa pagpapatibay ng kalayaan sa Pilipinas . 2. Pagkakaloob ng gobernador heneral ng kapangyarihang tagapagpaganap . 3. Pagsasaayos ng batas at pag-aaalis ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa

Pilipinas at kilalanin ang kalayaan sa sandaling magkaroon ng matatag na pamahalaan . 4. Pagtatatag ng Batasan ng Pilipinas na bubuuin ng Senado at mga kinatawan . Pinasinayaan ang Lehislatura ng Pilipinas noong Oktubre 26, 1916. Si Manuel Quezon ang nahalal na Pangulo ng Senado at si Sergio Osme ῇ a naman ang ispiker .

Ano ano ang mga iba’t ibang panukala sa ilalim ng Batas Cooper at Batas Jones? Paano ito nakatulong sa pagkakaroon nating ng sariling pamahalaan ?

GAWIN NATIN Panuto:Punan ang graphic organizer ng mahalagang impormasyon batay sa paksang tinalakay .

Ano ang kinalaman ng Batas Cooper at Asamblea ng Pilipinas sa pagsasarili ng pamahalaan ng ating bansa?

SAGUTIN NATIN Tukuying kung ano ang inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag. 1. Kongresista na nagpanukala ng Batas Jones. 2. Iba pang tawag sa Batas Pilipinas ng 1902. 3. Pangulo na nagpatibay ng Batas Jones. 4. Bilang ng kundisyon na dapat tuparin bago maitatag ang Asamblea ng Pilipinas. 5. Ang mga batas na ito ay may layuning mabigyan ng _________ ang ating bansa.

Natatalalakay ang mga batas na may kinalaman sa pagsasarili • Mga Misyong Pangkalayaan.

BALIKAN NATIN Tukuying kung ano ang inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag. 1. Kongresista na nagpanukala ng Batas Jones. 2. Iba pang tawag sa Batas Pilipinas ng 1902. 3. Pangulo na nagpatibay ng Batas Jones. 4. Bilang ng kundisyon na dapat tuparin bago maitatag ang Asamblea ng Pilipinas. 5. Ang mga batas na ito ay may layuning mabigyan ng _________ ang ating bansa.

Sino Ako Tukuyin kung sino ang mga nasa larawan.

Ang Misyong Os-Rox (1931)

Ang ikasiyam na misyon sa pagtataguyod ng kalayaan ay ang tinatawag na misyong Os -Rox na pinamunuan nina Sergio Osme ῇ a at Manuel Roxas. Sa karamihan ng batas para sa kalayaan na iniharap sa kongreso , ang batas Hare-Hawes-Cutting ang siyang tinangkilik ng misyong Os -Rox.

Ito ang kauna-unahang pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas na nagbuhat kina Kongresista Butler B. Hare, Senador Harry B. Hawes at Senador Bronson Cutting. Subalit may mga probisyon ang batas na tinutulan ni Quezon . Ito ay ang tungkol sa pagtatatag ng Base Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas at ang pagbabayad ng taripa sa mga produktong iluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ayon kay Quezon, “ Hangga’t mananatili ang base militar at mga kawal na Amerikano sa Pilipinas , hindi tunay na malaya at makapangyarihan ang mga Pilipino”. Ilan sa itinatadhana sa Batas Hare-Hawes-Cutting ay ang paggagawad ng kalayaan pagkatapos ng sampung taong transisyon ; ang pagbabalangkas ng Saligang Batas ng Komonwelt at pagpapahintulot sa Estados Unidos na manatili sa mga lugar na inilaan sa hukbo at iba pang bagay.

Gabay na Tanong : Ano ang misyong Os -Rox? Bakit hindi sinang-ayunan ni Manuel Quezon ang itinatadhana ng Batas Hare-Hawes-Cutting na pananatili ng Base Militar sa Pilipinas ? Ano ang ilan sa itinadhana ng batas na ito ?

Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pangungusap . Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel . _____ 1. Naggawad ng karapatang bumoto ang mga lalaking may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat . _____ 2. Nagtakda ng pagtatatag ng mga alituntuning sumasakop sa likas na kayamanan ng Pilipinas .

_____ 3. Nagtakda ng pagtatatag ng Batasan ng Pilipinas na bubuuin ng senado at mga kinatawan . _____ 4. Nagtadhana ng pagbalangkas ng Saligang Batas ng Komonwelt . _____ 5. Batas na tinanggap ng Lehislatura ng Pilipinas noong Mayo 1, 1934.

Paano mo isasabuhay ang mga batas na naging daan sa pagkakaroon nating ng sariling pamahalaan ?

GAWIN NATIN Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa inyong sagutang papel . 1. Alin sa mga nakatala sa ibaba ang HINDI kabilang sa tatlong kundisyon ng Batas Cooper? A. Ganap na pagsesenso ng buong kapuluan . B. Paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan . C. Ganap na panunumbalik ng kapayapaan . D. Dalawang taong mapayapa at matahimik na pamumuhay pagkatapos maipahayag ang ginawang senso.

2. Naigawad ang karapatang bumoto ng mga lalaking may ____ taong gulang na nakababasa at nakasusulat . A. 33 B. 32 C. 23 D. 13 3. Batas na pinagtibay ni Pangulong Woodrow Wilson noong ika-29 ng Agosto, 1916. A. Batas Tydings-McDuffie B. Batas Cooper C. Batas Hare-Hawes-Cutting D. Batas Jones

4. Ang Batas na halos katulad ng Hare-Hawes-Cutting maliban sa ilang probisyon tungkol sa pananatili ng base militar sa Pilipinas . A. Batas Tydings-McDuffie B. Batas Cooper C. Batas Hare-Hawes-Cutting D. Batas Jones

5. Ang pinakamabuting batas na tinangkilik ng misyong Os -Rox na tinutulan naman ni Quezon. A. Batas Tydings-McDuffie B. Batas Cooper C. Batas Hare-Hawes-Cutting D. Batas Jones

Batas Tydings-Mc-Duffie (1934)

Iniharap nila Senador Millard Tydings at Kongresista John McDuffie ang batas para sa pagsasarili ng Pilipinas . Nilagdaan ang batas na ito noong Marso 24, 1934 ni Pangulong Roosevelt. Noong Mayo 1, 1934 tinanggap ito ng Lehislatura ng Pilipinas .

Ang ilang nilalaman ng Batas Tydings-McDuffie ay ang mga sumusunod : 1. Pagtatakda ng 10 taong panahon ng transisyon ng malasariling pamahalaan na tinawag na Pamahalaang Komonwelt upang ihanda ang bansa sa pagsasarili sa 1946. 2. Paggawad ng representasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos sa pamamagitan ng tanggapan ng Pilipinong residenteng komisyoner at ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng Amerikanong komisyoner . 3. Paggawad ng awtoridad o kapangyarihang kumbensyon upang bumuo ng Saligang Batas.

Claro M. Recto Manuel A. Roxas Manuel L. Quezon Sergio P. Osmeňa

SALIGANG BATAS 1935 Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang bansa . Ginawa ito sa loob ng anim na buwan (Agosto 1934 hanggang Pebrero .

Kumbensyong Konstitusyonal (Hulyo 10, 1934) • Pinamunuan ni Claro M. Recto ang pagbuo ng Saligang Batas 1935. • Pebrero 19, 1935- nilagdaan ang Saligang Batas 1935 • Marso 23, 1935-pinagtibay ito ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt • Mayo 14, 1935-sinang-ayunan ng mamamayang Pilipino

Ang mga ginamit na batayan sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935 ay ang sumusunod : • Saligang Batas ng Biak na Bato, • Saligang Batas ng Malolos, • Ulat ng dalawang Komisyon sa Pilipinas (Schurman at Taft), • Batas Jones, • Saligang Batas ng Mexico at • Estados Unidos

Ang Saligang Batas ay nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan : 1. Tagapagpaganap o Executive Pinamumunuan ito ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante . Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa . Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng isang tagapagpaganap ay ang sumusunod : a. Pamahalaan at kontrolin ang mga kagawarang tagapagpaganap , mga kawanihan , at tanggapan ; b. Ipatupad ang lahat ng mga batas; c. Hirangin ang karapat dapat sa tungkulin ; d. Makipag ugnayan at managot ng mga pagka ka utang ng bansa ; e. Pumasok sa kasunduang pambansa o kas unduang panlalawigan ; f. Iharap sa kongreso ang pambansang bady et; g. Ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o ali n mang bahagi nito ; at h. Magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti .

d. Makipag ugnayan at managot ng mga pagka ka utang ng bansa ; e. Pumasok sa kasunduang pambansa o kas unduang panlalawigan ; f. Iharap sa kongreso ang pambansang badyet ; g. Ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o ali n mang bahagi nito ; at h. Magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti .

2. Tagapagbatas o Legislative Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas . Ang paggawa , pagsusog at pagwawalang bisa ng mga batas ang pangunahing gawain nito . Binubuo ng dalawang kapulungan ang Kongreso ―ang Mataas na Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan .

3. Taga paghukom o Judiciary Ang Korte Suprema at mabababang korte ang bumubuo nito . Ito ang may karapatang magbigay ng interpretasyon o magpaliwanag sa tunay na kahulugan ng batas. Ang hukuman ang nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan , buhay , ari arian ng bawat mamamayan ng bansa .

Mga Kapangyarihan ng Korte Suprema a. Magtalaga ng mga pansamantalang hukom sa mga mababang hukuman ; b. Humirang ng mga pinuno at kawani ng mga hukuman ayon sa serbisyo sibil ; c. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan nito ; d.Disiplinahin ang lahat ng hukom o iatas ang kanilang pagtiwalag sa tungkulin ; e. Iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagbabago ng pagpapairal ng batas;

e. Iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagbabago ng pagpapairal ng batas; f. Gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa usaping may kinalaman sa ambasador at iba pang mga ministro ; g. Muling , pag aralan , resibahin , baligtarin , o pagtibayin ang pag apela ng isang kaso ; h. Magtakda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karagdagang konstitusyonal ; at i . Lumikha at pangasiwaan ang isang Judicial at Bar Council.

Tandaan : Ang prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935 ay ang sumusunod : 1. Paghalal sa mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na gagawa ng Saligang Batas ng 1935 2. Pagsulat at pagbuo ng mga delegado na gagawa ng Saligang Batas

3. Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang Batas 4. Pagpapatibay at pagpapa iral ng Saligang Batas ng 1935 bilang batayan sa Pamahalaang Komonwelt ; at 5. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Un idos sa Saligang Batas ng 1935

Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay wasto . Kung Mali , palitan ang salitang nasalungguhitan upang maging wasto ang pangungusap . 1. Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas . 2. Ang hukuman ang nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan , buhay , ari arian ng bawat mamamayan ng bansa . 3. Ang Tagapagpaganap ay p inamumunuan ito ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante .

4. Itinakda ng Saligang Batas ng 1935 ang apat na sangay ng pamahalaan na magkahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at pananagutan . 5. Ang Saligang Batas ng 1935 ay ginawa sa loob ng limang buwan . 6. Napili na Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal si Claro M. Recto . 7. Si Manuel L. Quezon ang namun o sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935.

8. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng España. 9. Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings McDuffie na magkaroon na ng pagsa sarili ang bansa . 10. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935 isa sa prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935.

1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. tatlo 5. anim 6. tama 7. Claro M. Recto 8. Estados Unidos 9. Tama 10. Tama
Tags