Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 83
Filipino 6
Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay
sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Panimula
Ang Pang-abay (Adverb) ay mga salitang naglalarawan na nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.
May iba’t ibang uri ang Pang-abay.
Pang-abay na pamaraan-uri ng pang-abay na nagsasabi o naglalarawan kung paano ginawa ang
kilos. Ito’y sumasagot sa tanong na PAANO. Halimbawa: Matapang na kinuha ng lalaki ang ahas.
Pang-abay na pamanahon-nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Ito
ay sumasagot sa tanong na KAILAN. Halimbawa: Mag-uusap tayo mamayang gabi.
Pang-abay na panlunan-nagsasaad ng lugar o lunan kung saan ginawa ang kilos ng pandiwa.
Ang mga ito ay sumasagot sa tanong na SAAN. Halimbawa: Ang bata ay naglalaro sa parke.
Ang Pang-uri (adjective) ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip. Halimbawa: kulay – asul, laki – mataas, bilang – tatlo, hugis – parisukat, dami – isang
kilo, hitsura – maganda.
May iba’t ibang Uri ng Pang-uri
Pang-uring Panglarawan-nagpapakilala ng pangngalan o panghalip. Ang tawag sa mga salitang
naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis, at laki ay pang-uring naglalarawan.
Halimbawa: mabait, maganda, bughaw, panot, mabango, palangiti, masiyahin.
Pang-uring Pamilang-nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: marami, tatlo, kalahati, ika-pito, buo, pangalawa, sandaan.
TATLONG KAANTASAN NG PANG -URI
Lantay-naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip. Halimbawa: Si Ana ay matangkad.
Pahambing-naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamit sa pang-
uring pahambing ang mga salita o katagang: mas, lalo, higit na, parehong, di gaanong, magkasing,
at magsing. Halimbawa: Mas matangkad si Prince kaysa kay Queency.
Pasukdol-katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamit sa pang-uring
pasukdol ang mga salita o katagang: pinaka, hari ng, pagka, napaka, ubod, walang kasing.
Halimbawa: Pinakamatangkad sa magkakapatid si Princes.
*Pang-uringPantangi-binubuo ng pangngalang pambalana at pangngalang pantanging ang huli
ay naglalarawan sa una. Ang pangngalang pantangi ay tumuturing sa pangngalang pambalana.
Halimbawa: Mula raw sa lahing-Dragon ang mga ahas.