GRADE 7 PANKATUTUBO.pdfddddddddddddddddddd

JaneJavier5 6 views 11 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

d


Slide Content

Mga AKDANG TULUYAN SA PANAHON NG
KATUTUBO

Sa sinaunang panahon, ang mga
Pilipino ay mayroon ng kalinangan at
tradisyon. Pinatutunayan ni Padre
Pedro Chirino (1557-1635) isang
Espanyol na pari at mananalaysay na
naglingkod bilang isang Heswita
misyonero sa Pilipinas na bago pa
dumating ang mga Kastila ay
marami ng mga Pilipino ang
marunong bumasa at sumulat.

Ipinahayag din niya na may 300
manuskrito ang sinunog ng mga
Kastila upang mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
Pilipinas. Totoo na maraming uring
panitikan tayo na nagpasalin-salin sa
bibig ng ating mga ninuno ng mga
kuwentong- bayan, awiting-bayan,
karunungang-bayan

Dapat isiping ang Pilipino ay naging
Pilipino mula noong ika-16 na
dantaon lamang-aapat dantaon
lamang. Subalit bago na naging
Pilipino ay may mga tao na ritong
may kakayahang bumasa't sumulat
sa sariling baybayin (alpabeto) at
may sariling kalinangan at
kabihasnang kauri at katulad ng sa
mga Malaya-Indonesyo Malayo-
Polinesyo.

Ang ating panitikan ay may
dalawang uri, ang tuluyan (Prosa) at
ang patula (Poetry). Sa araling ito ay
tatalakayin natin ang akdang tuluyan
sa panahon ng katutubo. Ang
tuluyan o prosa ay malayang
pagsasama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.

Ang unang halimbawa ng akdang
tuluyan na ating tatalakayin sa
panahon ng mga katutubo ay ang
alamat. Ang alamat ay isang kuwentong
maaaring kathang-isip lamang o may
bahid ng katotohanang tumatalakay
sa pinagmulan ng isang bagay, lugar,
pangyayari o katawagan. Karaniwan
nang nakapaloob sa isang alamat ang
kagitingan o kabayanihan ng ating
ninuno.

Isa-isahin natin ang mga katutubong
nagkaroon ng ambag o nagdala ng
alamat sa Pilipinas. Ang una ay mga
Indones. Sila ay may kabihasnang
higit sa mga Negrito. Mayroon din
silang mga epiko, mga pamahiin at
mga bulong na pangmahiya.

Ang mga Malay ay ang unang
pangkat na siyang mga ninuno ng
Igurot, Buntok at Tingianist. Sila ay
may pananampalataya at awiting
panrelihiyon.

Sumunod na nag-ambag ng alamat
ay ang mga Arabe at Persyano. Sila'y
mga biyaherong dumayo at
nanirahan sa katimugan ng Pilipinas
mula nang taong 890 A.D. hanggang
ikalabindalawang Mindanao at Sulu
sila nagsipanirahan. Hindi lang
alamat ang naiambag ng mga ito sa
panitikang katutubo kundi ang dula,
epiko at mga kuwentong bayan.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay
sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito rin ay tumatalakay sa
mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matulungin, at sa
mga katangiang hindi maganda tulad ng
pagiging mapaghiganti, kasakiman,
mapanumpa. Ngunit sa bandang huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral
para sa ikabubuti ng iba. Sumasalamin
din ito sa kultura ng bayang
pinangmulan nito.

Ang halimbawa ng alamat ng mga
Pilipino ay ang Alamat ni Bernardo
Carpio. Sinasabing siya ang lumilikha ng
mga lindol. Maraming bersiyon ng
kuwento hinggil sa kaniya. Ang ilang
bersiyon ay naglalahad na si Bernardo
Carpio ay isang higante, na
sinusuportahan ng malalaking mga
bakas ng paa na ipinapalagay na naiwan
niya sa bulubundukin ng Montalban,
Pilipinas.