Pagtataya ng Natutuhan PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng kinabibilangang komunidad at MALI kung hindi .
Pagtataya ng Natutuhan 1. Ang bawat pahina ng aklat na naglalaman ng kasaysayan ng kanilang komunidad ay tila kayamanang binabasa ni Nel Stephen nang may buong pagmamahal . 2. Ang kanyang pagmamalasakit sa kasaysayan ay ipinakita ni Duchess sa pamamagitan ng pagbabago ng mga programa sa paaralan na nagtuturo ng kanilang lokal na kasaysayan .
Pagtataya ng Natutuhan 3. Buong puso at pagmamahal ang inilaan ni Isagani sa bawat talakayan tungkol sa nakaraan , dahil naniniwala siyang ang kasaysayan ang susi sa isang magandang kinabukasan . 4. Sa tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kanilang baryo , si Darlene ay laging aktibong kalahok sa iba’t ibang gawain sa kaniyang komunidad gaya ng pagtulong sa pagpapaganda at sa pangangalaga ng kapaligiran at marami pang iba .
Pagtataya ng Natutuhan 5. Buong giliw na inipon ni Ezra Crizelle ang mga lumang larawan at mahahalagang dokumento upang lumikha ng isang album na nagpapaalala sa kahalagahan ng kanilang kasaysayan .
Pagtataya ng Natutuhan 6. Labis ang paghangang nararamdaman ni Crislyn sa mga bayani ng kanilang baryo , kaya't buong puso niyang iniaalay ang kanyang oras sa pagbabasa ng kanilang mga kuwento . 7. Ang mural na ipininta ni Denn sa pader ng paaralan ay sumasalamin sa kanyang masidhing pagmamahal sa kasaysayan ng kanilang komunidad .
Pagtataya ng Natutuhan 8. Hindi lamang natutuhan ni Loraine ang mga aral ng nakaraan , kundi ipinagmamalaki rin niya ito upang magsilbing inspirasyon sa kanyang mga kaklase at kapwa taga-baryo . 9. Sa bawat pagkakataong makausap ni Gon ang mga matatanda tungkol sa kasaysayan ng kanilang baryo , ramdam na ramdam ang kanyang pagpapahalaga sa kanilang mga kwento . 10. Ang simpleng proyekto ni Gwen ay nagsilbing malaking hakbang tungo sa pagpapanatili ng makulay na kasaysayan ng kanilang komunidad .
Basahin ang sumusunod napangungusap at sabihin kung ito ay tumutukoy sa kalinisan , kapayapaan o kaunlaran . Isulat ang KL para sa kalinisan , KY para sa kapayapaan at KU para sa kaunlaran .