“ Huwag magkunwari na mahal ninyo ang inyong kapwa . Mahalin sila ng tapat . Kasuklaman ninyo ang masama , pakaibigin ang Mabuti . Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo .”(Roma 12:9-10) 2
3
A no ang kahulugan ng dignidad? 4 Ito ay galing sa salitang Latin na dignitas , mula sa dignus na ibig sabihin “ karapat - dapat ”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa . Lahat ng tao , anuman ang kanyang gulang , anyo , antas ng kakayahan , ay may dignidad .
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod : 5 Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa . Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos . Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo .
Paano mo maipapakita ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao? 6 Una , pahalagahan mo ang tao bilang tao . Ikalawa , ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay .
Ang Proseso ng Pagpapanibagong Anyo Para sa Pagtataas ng Dignidad ng Tao 7 Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao . Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan . Ito ay may tatlong hakbangin : Pagtanggap sa Sariling Limitasyon . Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo. Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan .
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao ? Bakit mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ? 8
Ang tao ang pinakabubukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay nating isip at kilos- loob . Nakakatanggap tayo ng labis-labis na biyaya , pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya . Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang , hindi natin dapat na inuubos ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito . 9
10 Ang di matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao . Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anumang “ mayroon ” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao . Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang linaw ukol sa bagay na ito , hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anomang uri ng lipunan .
Paggalang sa Dignidad, Ipakita Mo! Nahirapan ka bang isulat ang mga pamamaraan kung paano maipapakita ang paggalang sa dignidad ng kapwa ? Bakit ? Sa kabuuan , bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa tao ? 11 Panuto : Sa palibot ng guhit tao , magsulat ng mga pamamaraan kung paano maipapakita ang paggalang sa dignidad sa kapwa tao . Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong .