GROUP-1-PRESENTASYON-LITkilatesrosariotorrew.pptx

jepluna88 1 views 28 slides Sep 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 28
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28

About This Presentation

GROUP-1-PRESENTASYON-LIT.pptx


Slide Content

GROUP 1 Sosyedad at Literatura LIT 112 II-B1 DRAFTING | ELECTONICS TECHNOLOGY

Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas ni Rosario Torres Yu

INTRODUKSYON I Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

INTRODUKSYON Ang Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas ni Rosario Torres-Yu ay tumatalakay sa iba’t ibang paraan ng pagsusuri ng panitikan . Ipinapakita nito na ang panitikan ay hindi lamang sining , kundi salamin ng lipunan na naglalahad ng karanasan at pakikibaka ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng iba’t ibang pagdulog gaya ng pormalistiko , moralistiko , sikolohikal , sosyolohikal , realismo , naturalismo , at feminismo , ipinapakita kung paanong ang panitikan ay nagiging kasangkapan sa pag-unawa at pagtugon sa mga suliraning panlipunan .

PAGKILALA SA MAY AKDA II Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

DR. ROSARIO “ROSE” TORRES YU Premyado at makabayang manunulat , kritiko , tagasalin , at iskolar . Naging Direktor ng UP Sentro ng Wikang Filipino at Dekano ng KAL, UP Diliman at Propesor Emeritus ng UP Kritikal at Makabayan . Nakatuon sa ugnayan ng panitikan at Lipunan. Interdisiplinaryo at panig sa kababaihan , manggagawa , at sambayanan Mga a klat : Panitikan at Kritisismo , Silakbo , Kilates , Alinagnag , Welgang Bayan Pagsusulong ng panitikang pambata ( Supling Sining ) at Pagpapalawak ng wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik

TEMA AT PAGSUSURI SA SULIRANING PANLIPUNAN III Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

1. Kahirapan Sanhi : Hindi pantay na distribusyon ng yaman , kakulangan ng oportunidad Bunga: Gutom , kawalan ng tirahan , di makapag-aral ang kabataan 2. Pagsasamantala sa Lupa Sanhi : Land grabbing, land conversion ng malalaking negosyo Bunga: Pagkawala ng kabuhayan ng magsasaka , matagal na laban para sa karapatan sa lupa 3. Kawalan ng Hustisya Sanhi : Bias ng batas sa mayayaman at makapangyarihan Bunga: Mabagal na proseso ng kaso , kawalan ng pananagutan ng makapangyarihan 4. Kawalan ng Edukasyon Sanhi : Kakulangan ng pera , gamit , at suporta ng gobyerno Bunga: Maraming kabataan ang humihinto o bumabagsak sa pag-aaral

5. Diskriminasyon at Hindi Pagkakapantay-pantay Sanhi : Gender inequality, stigma laban sa LGBTQ+, pang- aabuso sa mahihirap na manggagawa Bunga: Mababa o walang oportunidad , mababang sahod , kawalan ng benepisyo 6. Korapsyon Sanhi : Pagbubulsa ng pondo ng ilang opisyal Bunga: Kulang na pondo para sa edukasyon , kalusugan , at kabuhayan 7. Krimen , Bisyo , at Prostitusyon Sanhi : Kahirapan , kawalan ng trabaho , kakulangan ng suporta Bunga: Paglaganap ng pagnanakaw , droga , sugal , at pagkawasak ng pamilya

PAGBUBUOD IV Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Ang Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas ni Rosario Torres-Yu ay isang mahalagang aklat na naglalahad ng iba’t ibang teorya sa pagsusuri ng panitikan na nagpapakita na ito ay hindi lamang sining ng salita kundi salamin ng lipunan at kasaysayan ng mga Pilipino; tinatalakay nito ang mga suliraning panlipunan gaya ng kahirapan , diskriminasyon , kawalan ng hustisya , korapsyon , at kakulangan sa edukasyon , at ipinapakita ang papel ng panitikan bilang tinig na nagbubunyag ng pang- aabuso at nagbubukas ng kamalayang panlipunan ; bilang may- akda , si Dr. Rosario “Rose” Torres-Yu ay kinikilalang makabayang manunulat , kritiko , at iskolar na nagsulong ng paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at pagbabago , at sa kabuuan , binibigyang-diin ng aklat ang papel ng panitikan sa pagbubuo ng pambansang kamalayan at pagsusulong ng panlipunang pagbabago .

KONKLUSYON V Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Torres-Yu dahil ito’y isang komprehensibong koleksyon ng mga sanaysay ng mga kilalang kritiko sapanitikang Pilipino na tumatalakay sa teorya at panunuring pampanitikan . Saklaw ng aklat ang mga usaping historikal at panlipunan na humubog sa panitikang Filipino – kabilang ang kolonyalismo , kilusang nasyonalista at iba pang tunggalian sa lipunan – upang palalimin ang pagkaunawa sa ating kultura at pambansang identidad . Ayon sa paglalahad ng may- akda , hinahamon ng aklat ang mambabasa na pag - isipang mabuti ang sariling karanasan at kasaysayan upang “ makilala ng Filipino ang kanyang sarili , ang kanyang pagkalahi at pagkabansa , para sa panlipunang pagbabago ” . Ipinapakita rito kung paanong sa pamamagitan ng iba’t ibang lente ng kritisismo – mula pormalismo , panlipunang analisis , hanggang post- kolonyal na pananaw – ay naibibigay ang mga mungkahi tungo sa mas malikhain at may malay na pagbasa ng panitikan .

Writing the Nation- Pag- akda ng Bansa ni Bienvenido L. Lumbera

INTRODUKSYON I Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Ang Writing the Nation/Pag- akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan , ay kalipunan ng mga akdang tumatalakay sa panitikan , kultura , at nasyonalismo ng Pilipinas . Ipinapakita nito ang panitikan bilang salamin ng kasaysayan at karanasan ng mga Pilipino, gayundin bilang daluyan ng kanilang pakikibaka . Layunin ng akda na higit na mapalalim ang pagsusuri at mapayaman ang panitikang Filipino bilang bahagi ng paghubog ng pambansang identidad .

PAGKILALA SA MAY AKDA II Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Bienvenido L. Lumbera Si Bienvenido Lumbera ay isang makata , tagapuna , dramatista , at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan . Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag , Panitikan at Malikhaing Komunikasyon . Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan , kabilang ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat , at ang Gawad Pang- alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan .

TEMA AT PAGSUSURI SA SULIRANING PANLIPUNAN III Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Mga akdang sinuri sa "Writing the Nation" Pag- akda ng Bansa Jocelynang Baliwag "Kundiman ng Himagsikan " Isyung Panlipunan : - Kolonyalismo at pananakop ng Espanya . - Paggamit ng sining at awit bilang daluyan ng damdaming makabayan . Sanhi : - Pagsasamantala at paniniil ng mga Espanyol sa mga Pilipino. - Paghahanap ng mga rebolusyonaryo ng simbolo ng kanilang paglaban . Bunga: - Naging "Kundiman ng Himagsikan " at ginamit bilang inspirasyon ng Katipunan. - Nagbigay-diin na ang pag-ibig ( sa bayan o sa isang dalaga ) ay maaaring gamiting talinghaga ng paglaya .       

Florante at Laura Isyung Panlipunan : - Pagsasamantala ng mga dayuhan at katiwalian ng mga pinuno . -Pang- aapi at kawalan ng katarungan sa lipunan . Sanhi : Kolonyalismong Espanyol na umalipin sa mga Pilipino. - Kamangmangan at kahinaan ng mga mamamayang pinagsamantalahan . Bunga: - Naging alegorya ng sitwasyon ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila . - Nakatulong sa paggising ng kamalayang makabayan at pagnanais na lumaban para sa kalayaan .  

Panitikang Panrehiyon at Panitikang Pambansa Isyung Panlipunan : -Hindi pagkakapantay-pantay ng panitikang rehiyonal at pambansa . - Sentralisasyon ng panitikan sa Tagalog bilang batayan ng pambansa , na nagdulot ng pagkalimot sa iba pang wika't rehiyon . Sanhi : - Desisyon na gawing batayan ng Wikang Pambansa ang Tagalog. - Pagkakaroon ng " kanon " na higit na kinikilala ang manunulat sa pambansang wika kaysa sa rehiyonal . Bunga: - Nalilimita ang representasyon ng iba't ibang kultura at wika sa pambansang panitikan . - Nagdulot ng impresyon na ang panitikang pambansa ay halos katumbas ng panitikang Tagalog.  

PAGBUBUOD IV Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Ang Writing the Nation/Pag- akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan , ay kalipunan ng mga akdang naglalarawan sa ugnayan ng panitikan , kultura , at nasyonalismo ng Pilipinas . Ipinapakita rito na ang panitikan ay hindi lamang sining ng salita kundi isang salamin ng kasaysayan at karanasan ng mga Pilipino, gayundin bilang daluyan ng kanilang pakikibaka . Itinatampok ang mga akdang tulad ng Jocelynang Baliwag at Florante at Laura na nagbigay-diin sa kolonyalismo , katiwalian , kawalan ng katarungan , at paggising ng damdaming makabayan . Kasama rin ang pagsusuri sa panitikang panrehiyon at pambansa na tumutukoy sa usapin ng wika at representasyon sa paghubog ng pambansang identidad .

KONKLUSYON V Kilates : Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas

Ang Writing the Nation/Pag- akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera ay nagpapakita na ang panitikan ay mahalagang kasangkapan sa paghubog ng pambansang kamalayan at pagkakakilanlan ng Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang akdang pampanitikan , naipapakita rito kung paano nagsilbing daluyan ng damdaming makabayan at paglaban sa kolonyalismo ang sining . Higit pa rito , binigyang-diin ni Lumbera ang pangangailangang kilalanin hindi lamang ang pambansang panitikan kundi maging ang panitikang panrehiyon upang tunay na maipakita ang yaman at pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino. Sa kabuuan , ang aklat ay nag- aambag sa pagpapayabong ng panitikang Filipino at sa patuloy na paglikha ng isang nagkakaisang bansa .

Mga Sanggunian : ://www.academia.edu/44160496/BIENVENIDO_LUMBERA_Writing_the_Nation https://search.worldcat.org/title/kilates-panunuring-pampanitikan-ng-pilipinas/oclc/76830023 https://archive.org/stream/kilates/kilates_djvu.txt KILATES: Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas ni Rosario Torres-Yu|www.scrib.com.nd 2023., https://www.coursehero.com/file/48167805/WRITING-THE-NATIONpdf/ Lumbera Harnessing Regional Literature. (n.d.). Retrieved February 1, 2023, from https://sirmykel.files.wordpress.com/2014/01/lumbera-harnessing-regional- literature.pdf Marasigan, D. (2020, September 24). Bienvenido Lumbera: Writing the nation. GREAT MEN AND WOMEN OF ASIA. Retrieved February 2, 2023, from https://www.academia.edu/44160496/BIENVENIDO_LUMBERA_Writing_the_Nation  

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!!!
Tags