Aralin 2 Pagproseso ng Impormasyon Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Impormasyon “katotohanan”, “kaalaman” at mga “datos” Maaaring ukol sa pananaw , kuro-kuro , kontrol , datos , direksyon , kaalaman , kahulugan , persepsyon at mga representasyon . A numang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan , laki , hugis , kulay o bilang ng mga ito . 01 03 02
T umutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, intindi at pagpapalaganap ng impormasyon. T umutukoy sa mga katotohanan at opinyon na ibinibigay at natatanggap sa pang-araw-araw na buhay. A ng paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natamo ay nagbubunga ng kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip nang analitikal at pag-aangkop ng karanasan Pagproseso ng Impormasyon
Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon 01 Ang iba’t ibang pamamaraan sa pagproproseso ng impormasyon ay maaaring sa pamamagitan ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic). A ng mga estilong ito ay makakatulong nang malaki sa pag-unawa sa mga impormasyon.
Pandinig (aural o auditory) Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon . Karaniwan sa mga indibidwal na nakakapagproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig .
A ng mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa mga pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. A ng mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. A ng hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang pagkabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman. Pampaningin (visual)
Pagkilos (kinesthetic) S a prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na pisikal. N akauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. A ng mga pelikula at video ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. G inagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic ang lahat ng kanilang mga pandama ( panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral. A ng salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos.
Hakbang sa Pagproseso ng Impormasyon 02
Mga Halimbawa ng Pagproseso ng Impormasyon Prinsipyo Halimbawa ng Gawain 1. Kunin ang atensyon ng mga mag- aaral . Gumamit ng mga pahiwatig o cues kapag handa ka nang magsimula . Maglakad sa paligid ng silid-aralan habang nagsasalita . 2. Isipin ang bagong pag-aaralan . Suriin ang mga aralin noong nakaraang araw ng pag-aaral . Magkaroon ng talakayan hinggil sa nakaraang paksang-aralin . 3. Banggitin ang ma`hahalagang impormasyon Maghanda ng handouts . Maaaring isulat ang mga impormasyon sa pisara o gumamit ng kagamitang panturo para sa mga impormasyon .
4. Ibahagi ang impormasyon sa maayos na paraan . Ipakita ang mga impormasyon ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga konsepto at mga kasanayan . Kapag magbabahagi ng bagong kaaalaman , simulan mula sa pinakasimple patungo sa pinakakomplikadong impormasyon . 5. Ipakita sa mga mag- aaral kung paano gumamit ng coding sa pagsasaulo ng mga datos . Maaaring gumamit ng teknik tulad ng keyword method. 6. Magbigay ng pag ulit ng pag-aaral . Ibahagi ang mahahalagang impormasyon ng ilang beses sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya . 7. Ibahagi sa mga mag aaral ang pagkakapangkat ng mga impormasyon . Ipakita ang mga impormasyon ayon sa pagkakapangkat-pangkat .
“ Ang layunin ng edukasyon ay upang bigyan sa katawan at sa kaluluwa ang lahat ng kagandahan at ang lahat ng pagiging perpekto kung saan sila ay may kakayahan . ” —Plato