GROUP 3 PRESENTASYON-grade 6 powerpoint.

chalobrido8 0 views 14 slides Sep 30, 2025
Slide 1
Slide 1 of 14
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14

About This Presentation

GROUP 3 PRESENTASYON.pptx


Slide Content

Pangkalahatang sanggunian Pangkatang Proyekto sa Filipino Inihanda para kay: Ma’am Cha

Ikatlong Pangkat Mga Miyembro : Precious Dilag Noah Esteban Zander Alonsagay Crizzy Dayrit Jabez Dimapilis Brent Navalta

Ang Diksiyonaryo Ang diksiyonaryo ( talahuluganan , talatinigan ) ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o alpabeto .

Tingnan ang salitang nasa kaliwa , ito ang nagsisilbing pamatnubay na salita ng pahina upang magamit ng wasto ang diksyonaryo . Paano gamitin ang diksiyonaryo Ang halimbawa ng unang salita ay “ sulit ” ang kahilera ng mga salitang ito ay nagsisimula rin sa titik su . Ang bawat salita ay binigyan ng kahulugan

Ang bahaging ito ng diksiyonaryo ay uri ng bahagi ng pananalita . Ang nakasulat dito ay tumutukoy sa salitang binigyan ng kahulugan . Ang ibig sabihin ng ( png ) ay pangalan Ang kahulugan at kasingkahulugan ng salitang sulit ay iksamen , litis

Tingnan naman ang salitang nasa kanan , ito ang magsisilbing pamatnubay na salitang pahina upang malaman natin na ito ang pinakahuling salita sa pahinang ito

Ang Ensiklopedya (encyclopedia) Ang encyclopedia ay isang aklat o koleksyon ng mga aklat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa , mula sa mga agham , kasaysayan , sining , kultura , at marami pang iba . Karaniwan itong nakaayos ng mga paksa ayon sa alpabeto at layunin nitong magbigay ng komprehensibong kaalaman na madaling ma-access. Ginagamit ito bilang sanggunian ng mga mag- aaral , mananaliksik , at iba pang mga interesado sa pag-aaral .

Ang ensiklopedya ay isa sa mga aklat na karaniwang ginagamit kung saan ito ay naglalaman ng mga detalyadong impormasyon tunkolsa sa mga paksang hahanapin . Ang bawat impormasyon ay nakaayos ng paalpabeto upang mabilis mahanap ang paksang hahanapin . May Encyclopedia na English -Tagalog. Halimbawa : Pinahahanap sayo ng guro mo ang ibigsabihin ng salitang Brave sa English at Tagalog. Ano ang mahahanap sa loob ng ensiklopedya (encyclopedia)?

Ang atlas ( kalipunan ng mapa ) Ang "Atlas" ay isang aklat o koleksiyon ng mga mapa , kadalasang naglalaman ng geograpikal na impormasyon , latitud , longhitud , at iba pang detalye tungkol sa mga pook sa mundo . Ang katawagang "Atlas" ay hango sa pangalan ni Atlas, isang tauhang mitolohikal sa mitolohiyang Griyego na nagdadala ng daigdig sa kanyang balikat . Ang termino ay lumaganap upang tukuyin ang mga aklat ng mapa o referensya sa heograpiya . Halimbawa : Ipinapatukoy ang isang anyong-tubig kung saang lugar ito matatagpuan

Ang  almanac  ay isang uri ng babasahin . Ito ay inililimbag taon-taon . Naglalaman ito ng mga maikling impormasyon o kaalaman tungkol sa iba't ibang bagay. Ang kilalang halimbawa nito ay ang  World Almanac . Naglalaman din ito ng mga detalye tungkol sa mga ulat panahon at iba pang paksa na kinawiwilihan nating basahin . Ilan sa mga gamit nito ay ang sumusunod : Para makahanap ng sari- saring datos , kabilang ang mga pangyayari sa kalawakan tulad ng mga bahagi ng buwan at eklipse , mga taya ng panahon , at mga petsa ng pagtatanim para sa mga magsasaka . ANG ALMANAC

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono , satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko . Malawak ang gamit ng internet, mula sa komunikasyon at pagkuha ng impormasyon , hanggang sa online shopping, pagbabangko , at libangan . ANG INTERNET

Ang kahulugan ng Mapa  ay  pagsasalarawan ng kalakihan , mga lokasyon   at tinatayang kalawakan ng isang lugar gamit ang mga simbolo at pagpapahiwatig ng kaugnayan ng mga rehiyon at tema na nagsasaad ng kalawakan at hulma nito . Iba't-ibang Uri ng Mapa Mapang Pisikal- ipinakikita ang likas na katangian ng bansa . Mapa ng Klima  - ipinakikita ang lagay ng panahon sa loob ng ilang buwan sa iba't-ibang bahagi ng bansa . Mapang Pangkabuhayan  - ipinakikita ang uri ng mga pangunahing pananim , mga produkto , at industriya ng isang pook . Mapang Pulitikal  - ipinakikita ang lawak ng hangganan na gawa ng tao at mga katangiang kultural . Mapa ng kalatagang-lupa  (relief map sa Ingles) - uri ng mapa na nagpapakita ng mga topograpiya ( mababa o mataas na lugar ). ANG MAPA

Karugtong ng Mga Uri ng Mapa: Mapa historikal o mapang pangkasaysayan  - uri ng mapa na nagpapakita ng makasaysayang lugar tulad ng tanggulan , bahay ng mga bayani , parke at iba pa. Mapa ng transportasyon  - Itong uri ng mapa ng daan ay nagpapakita ng mga daan , riles ng tren , paliparan , aklatan at iba pa. Mapang kultural o mapang pangkalinangan  - uri ng mapa na nagpapakita ng mga museo , teatro , at iba pa. Mapang botanikal / Mapang soolohikal  - uri ng mapa na nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman . Mapang demograpiko   - nagpapakita ng populasyon sa bawat rehiyon Mapa ng piloto / Mapang aeronotikal  - Nagbibigay ng impormasyon sa mga piloto . Nakalagay rito ang mga airport/landing strips/runways/navaids/VORs/ILS frequencies at ang Air traffic Frequencies/Airspaces at marami pang iba . ANG MAPA

Ang salitang " Globo " ay nagmula sa salitang Latin na   globus , na ang ibig sabihin ay "Globo".  Ang  globo  ay tinatawag na   pinakamalapit na modelo  ng Mundo dahil halos isang   oblate spheroid   ito .  Ang mga Griyego ang unang gumawa ng Globo. Ito ay ginawa ni Crates noong 150 B.C. Makikita sa  Globo  ang mga distansiya , lokasyon , direksiyon , hugis , at sukat ng mga lugar sa ibabaw ng Mundo. Ang tunay na proporsiyon ng mga kontinente at mga karagatan ay naipakikita sa globo kaya't ang pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga kontinente , rehiyon , at bansa ay lalong nagiging madali . Ang Globo ay may iba't ibang mga guhit na nasa isip lamang ( imaginary line ). Sinasabing nasa isip lamang ang mga ito dahil kung titingnan talaga natin ang Mundo, wala ang mga guhit na ito . Nilikha lamang ang mga ito upang matukoy ang tiyak na lokasyon , hugis , laki , at sukat ng mga lugar dito . ANG GLOBO
Tags