Isang eksperimento ang isinagawa ng mga siyentipiko kung saan inilagay ang mga daga sa isang lalagyan ng tubig upang tingnan kung gaano katagal silang makakalangoy bago sila sumuko . Sa karaniwan , labinlimang (15) minuto lamang ang kaya nila .
Pero nang subukan ito sa ikalawang grupo ng mga daga , bago pa man sila tuluyang sumuko , sila ay hinango , pinunasan , at pinahinga muna bago muling ibinalik sa tubig . Sa pagkakataong iyon , hindi na sila tumagal ng 20 o 30 minuto . Umabot sila ng 60 oras . Oo, 60 oras na lumalaban , hindi dahil sa lakas ng katawan , kundi dahil nanampalataya silang may darating na sasagip muli sa kanila . Ganito rin ang buhay natin.
Marami sa atin ang nalulunod hindi dahil sa panghihina ng katawan o kakulangan sa kakayahan , kundi dahil nawawala ang pag-asa . Tumitigil tayong lumaban dahil inakala nating wala nang susunod na himala . Pero kapatid , may Diyos na sumasagip .