IBA'T IBANG URI NG TULA
TULANG MAKABAYAN
TULANG PAG-IBIG
TULANG PASTORAL
TULANG PANGKALIKASAN
Size: 51.36 KB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 10 pages
Slide Content
ANG TULA ( Elemento nito )
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay hinango sa guniguni , pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may laking aliw-aliw .
TULANG MAKABAYAN Maraming tulang asyano partikular sa timog silangang Asya ang nagsasaad ng naalala na pagmamahal sa buhay . Marami sa mga bayani o kilalang asyano ang nakasulat ng mga tulang nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo .
Pag- ibig sa Tinubuang Lupa Tula ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa ? Aling pag-ibig pa? Wala na nga , wala . Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa- isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid .
TULA NG PAG-IBIG Ang ganitong uri ng tula ay punong puno ng damdamin , ang paksa ng tulang ito ay may kinalaman sa pag mamahalan ng dalawang magsing-irog . Maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal maging ang kasawian sa pag-ibig ng paksang ito .
Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos Marahang-marahang Manaog ka, Irog , at kata’y lalakad , Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat ; Di na kailangang Sapnan pa ang paang binalat-sibuyas , Ang daliring garing At sakong na wari’y kinuyom na rosas ! Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituin ; Patiyad na tayo Ay maghahabulang simbilis ng hangin , Nguni’t walang ingay , Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin . Pagdating sa tubig , Mapapaurong kang parang nanginigmi , Gaganyakin kata Sa nangaroroong mga lamang -lati: Doon ay may tahong , Talaba’t halaang kabigha-bighani , Hindi kaya natin Mapuno ang buslo bago tumanghali ? Pagdadapit-hapon Kata’y magbabalik sa pinanggalingan , Sugatan ang paa At sunog ang balat sa sikat ng araw . Talagang ganoon : Sa dagat man, irog , ng kaligayahan , Lahat, pati puso Ay naaagnas ding marahang-marahan …
TULANG PANGKALIKASAN Ang paksang ito ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng kalikisan sa buhay ng tao Gayundin ang kadakilaan , kagandahan at kalagayan ng kalikasan na nakaakit sa mga makata sumusulat ng mga tulang may ganitong paksa .
Isang Punungkahoy Tula ni Jose Corazon de Jesus Kung tatanawin mo sa malayong pook , Ako’y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod , Parang ang paa ng Diyos . Organo sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian , Habang ang kandila ng sariling buhay Magdamag na tanod sa aking libingan . Sa aking paanan ay may isang batis , Maghapo’t magdamag na nagtutumangis ; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig .
TULANG PASTORAL Ang paksang ito ay nagbibigay diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran , gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang matiyagang nagbubungkal ng lupa .
Bayani ng Bukid Ni Alehandrino Q. Perez Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit . Ang kaibigan ko ay si Kalakian Laging nakahanda maging araw-araw Sa pag-aararo at paglilinang Upang maihanda ang lupang mayaman Ang haring araw di pa sumisikat Ako’y pupunta na sa napakalawak Na aking bukiring laging nasa hagap At tanging pag-asa ng taong masipag .