MULING PAGKATHA SA ATING BANSA: ‘O BAKIT PINAKAMAHABANG TULAY SA BUONG MUNDO ANG TULAY CALUMPIT’ Ni Virgilio S. Almario
TALAKAYIN Introduksyon Maikling pagpapakilala sa akda . Pagbubuod Buod ng akda batay sa nilalaman . Tema at Pagsusuri sa Suliraning Panlipunan Pagpapakilala sa May- akda Talambuhay , estilo ng pagsusulat , at mahahalagang kontribusyon . 01 03 04 02 Kongklusyon Kahalagahan ng akda at ng mga isyung tinalakay , at ang mga posibleng solusyon 05 Tinutukoy dito ang mga isyung panlipunang lumitaw sa akda , pati na ang sanhi at bunga nito .
INTRODUKSYON 01 Maikling Pagpapakilala sa Akda
Bakit nga ba “ pinakamahabang tulay ” ang Tulay Calumpit sa pananaw ng makata ?
Sa literal na sense, hindi ito totoo —ang Tulay Calumpit sa Bulacan ay isang simpleng istruktura na nag- uugnay sa mga bayan. Ngunit sa metaporang kamalayan ni Almario , ang tulay ay nagiging simbolo ng hindi pagtatagpo : isang larawan ng pagkakahati-hati ng lipunan , mga hidwaang pangkasaysayan , at ang hamon ng pambansang pagkakaisa . KONTEKSTO NG AKDA
LAYUNIN NG AKDA Sa akdang ito, ginagamit ni Almario ang tula bilang sandata upang suriin ang mga balakid sa pagbuo ng tunay na “ bansa .” Ito’y isang paglalatag ng tanong : Paano natin mabubuo ang Pilipinas kung patuloy ang pagiging “ pinakamahabang tulay ” ng mga isyu tulad ng kahirapan , pulitikang basag-ulo , at kamalayang kolonyal ?
PAGPAPAKILALA SA MAY AKDA 02 Talambuhay , estilo ng pagsusulat , at mahahalagang kontribusyon
SINO SI VIRGILIO S. ALMARIO?
O mas kilala bilang Rio Alma Ipinanganak noong Marso 9, 1944 sa San Miguel, Bulacan . Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (2003). Virgilio S. Almario TALAMBUHAY
MGA TUNGKULIN • Naging Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas . • Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
ESTILO SA PAGSULAT • Gumagamit ng talinghaga , simbolismo , at malalim na kaisipan . • Pinaghahalo ang tradisyonal na anyo at makabagong tema ( lipunan , politika , kasaysayan ). • Halimbawa: Ang “ pinakamahabang tulay ” bilang sagisag ng walang katapusang paglalakbay ng bansa tungo sa pambansang pagkilala sa sarili .
KONTRIBUSYON • Nanguna sa pagpapanibago ng panulaang Filipino noong dekada 1970. • Aktibong tagapagsulong ng wikang pambansa . • Lumikha ng mga akdang nagsusuri at pumupukaw ng damdaming makabayan .
TEMA AT PAGSUSUSRI SA SULIRANINNG PANLIPUN 03 Tinutukoy dito ang mga isyung panlipunang lumitaw sa akda , pati na ang sanhi at bunga nito .
- Gisingin ang diwa ng nasyonalismo at muling itaguyod ang pambansang identidad ng mga Pilipino.
- Bigyang-diin ang mga suliraning panlipunan na nag- ugat sa elitismo , kolonyal na impluwensya , at maling pamamalakad ng mga namumuno .
- Ipakita kung paano naging hadlang sa kaunlaran ng bansa ang kawalan ng pagkakaisa , kawalan ng pagpapahalaga sa sariling wika at kultura , at ang patuloy na pag-iral ng katiwalian .
- Magsilbing panawagan upang muling itaguyod ang orihinal na diwa ng Rebolusyong 1896— isang rebolusyong likas na Pilipino, para sa sambayanang Pilipino.
SANHI AT BUNGA SULIRANIN SANHI BUNGA Elitismo at patronage politics pag-angkin ng mga pinuno sa rebolusyon at paggamit nito para sa pansariling interes . Patuloy na katiwalian at bulok na pamamahala sa pamahalaan . Kolonyal na sistema ng edukasyon pagsunod sa banyagang pamantayan na nagbunsod ng kawalan ng pagpapahalaga sa sariling wika at kultura . Inferiority complex ng mga Pilipino at pagkawala ng pagpapahalaga sa sariling wika at kasaysayan . Regionalismo at pagkakawatak-watak ng lipunan h indi pagkakaroon ng iisang pambansang tinig . Pagkakaroon ng kahirapan sa pagbuo ng matatag at inklusibong pambansang identidad .
PAGBUBUOD 4 Buod ng Akda batay sa nilalaman
Ang libro na isinulat ni Virgilio S Almario ay naglalaman ng koleksyon ng sampung sanaysay tungkol sa kultura , sining , panitikan , wika , nasyonalismo , pagbuo ng bansa at edukasyon . Ang pamagat ng libro ay maaaring magdulot ng pagkalito , ngunit ito ay hindi talaga tungkol sa pagiging pinakamahabang tulay sa buong mundo ng Tulay Calumpit . Sa halip , ang may- akda ay gumamit ng isang palaisipang -bayan upang ipakita ang mga espasyo at pagkakaiba sa pagitan ng mga bayan at rehiyon .
Ang libro ay nagtatalakay ng mga paksa tulad ng: - Pambansang Kultura : Pagbuo ng pambansang kultura at identidad - Panitikan : Pag- unlad ng panitikan sa Pilipinas at ang papel nito sa pagbuo ng bansa . - Wika: Kahalagahan ng wikang Filipino at ang papel nito sa pagbuo ng nasyonalismo . - Nasyonalismo : Pagbuo ng nasyonalismo at pagkakaisa sa Pilipinas .
Sa pamamagitan ng mga sanaysay , ipinapahayag ni Almario ang kahalagahan ng pagbuo ng pambansang kultura at identidad , at kung paano ito makakamit sa pamamagitan ng sining , panitikan , at wika . Ito ay naglalayong magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga mambabasa upang makibahagi sa pagbuo ng bansa at maging kaalyado nito .
Ang “ Muling-Pagkatha sa Ating Bansa ” ay isang makabuluhang libro na nag- aalok ng mga pananaw at ideya sa pagbuo ng pambansang kultura at identidad . Ito ay isang dapat basahin para sa mga interesado sa kultura , sining , panitikan , at kasaysayan ng Pilipinas . Binibigyang diin ng may akda ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagbuo ng nasyonalismo at pagkakaisa sa Pilipinas .
KONGKLUSYON 5 Kahalagahan ng akda at ng mga isyung tinalakay , at ang mga posibleng solusyon
“ Bilang pagtatapos , ipinapakita sa atin ni Virgilio S. Almario na ang tunay na hamon ng ating bansa ay ang muling-pagkatha ng ating pagkakakilanlan .
Ang Tulay Calumpit , na tinawag niyang pinakamahabang tulay sa buong mundo , ay simbolo ng ating paglalakbay —mula sa nakaraan ng Himagsikan , patungo sa kasalukuyan, at tungo sa hinaharap na ating minimithi . Bawat sanaysay sa aklat ay nagsisilbing haligi ng tulay : ang kagitingan ng mga bayani , ang pangangailangang pag-isahin ang rehiyon at pambansa , ang pagbuo ng sariling pananaw sa panitikan , at higit sa lahat , ang pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng ating pagkatao .
Sa madaling sabi , ang aklat ay paalala na ang tunay na pag-unlad ay hindi sa panggagaya sa banyaga , kundi sa pagbabalik at pagyabong ng ating sariling wika , kultura , at kasaysayan .
Kung magagawa natin ito, masisiguro nating makakatawid tayo sa tulay tungo sa isang matatag at makabuluhang pagka -Filipino.
Bayan at Lipunan : Ang Kritisismo ni Bienvenido L. Lumbera ” ni R. Torres-Yu
INTRODUKSYON 01 Maikling Pagpapakilala sa Akda
PAGPAPAKILALA SA PAKSA • In-edit ni Rosario Torres-Yu
• Inilathala ng UST Publishing House (2005) EDUKASYON NI LUMBERA • Nagtapos ng Litt . B. at M.A. sa UST (1950s)
• Ph.D. sa Comparative Literature, Indiana University (1968). KAUNLARANG IMPLUWENSYA • Una niyang hilig ang panitikang Kanluranin • Malakas ang impluwensya ng mga banyagang konsepto sa kanyang pag-aaral .
PAGBALIKTAD / PAGBABAGO • Naimpluwensyahan ng Amado V. Hernández
• Nangako na susulat sa wikang Filipino
• Naging mas makabayan ang kanyang panulat at kritisismo . AMBAG NI LUMBERA • Mula sa kanluraning pananaw tungo sa makabayang dalumat .
• Binibigyang-diin ang bayan, lipunan , wika , at panitikan .
• Gumamit ng Marxismo at panlipunang kamalayan na nakaugat sa kontekstong Pilipino.
LAYUNIN • Bumuo ng tinatawag na “ Kritisismong Lumbera ”
• Pagtangkilik sa panitikang Pilipino bilang kasangkapan ng pambansang pagkakakilanlan .
PAGPAPAKILALA SA MAY AKDA 02 Talambuhay , estilo ng pagsusulat , at mahahalagang kontribusyon
TALAMBUHAY NI BIENVENIDO LUMBERA Kapanganakan : Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Pamilya : Nawalan ng magulang noong bata pa; inalagaan ng kanyang lola . Karera : Kilalang manunulat , kritiko , dramatista , at makata sa Pilipinas . Natatanging Parangal : Ramon Magsaysay Award (1993) para sa Literature, Creative Arts, and Journalism. Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for Literature, 2006).
ESTILO SA PAGSULAT Malinaw at Direkta : Hindi paligoy-ligoy , madaling basahin , at puno ng kaalaman . Makabayan : Ginamit ang wikang Filipino bilang sandata sa pagpapalaganap ng pambansang identidad . Makabuluhan : Pinahalagahan ang pag-unawa ng mambabasa sa pamamagitan ng simple ngunit makahulugang pananalita .
MAHAHALAGANG KONTIBUSYON Makabayang Panitikan Naging pangunahing tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Filipino sa panitikan at kritika . Filipinization Movement (1960s) Itinaguyod ang pagpapayaman sa Filipino bilang wika ng intelektuwal na diskurso . Aklat na “Bayan at Lipunan ” Pinagsama-sama ang kanyang mga kritikal na sanaysay , inedit ni Rosario Torres-Yu. Edukasyon at Kultura Nag- ambag sa paghubog ng kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng panitikan at sining .
TEMA AT PAGSUSUSRI SA SULIRANINNG PANLIPUN 03 Tinutukoy dito ang mga isyung panlipunang lumitaw sa akda , pati na ang sanhi at bunga nito .
Sa gintna ng maalab na diskurso ng panitikan at lipunan sa pilipinas mahalagang suriin ang mga suliranin at hamon na kinaharap sa pamamagitan ni Bienvenido L. Lumbera isang bantog na kritiko iskolar na kanyang sinuri ang mga isyung bumabalot sa ugnayan ng panitikan,kultura at lipunang pilipino . Na sya namang binigyan ng sariling pananaw at argumento ni R. Torres – yu sa kanyang akdang “baya at lipunan Ito ay isang akademya na naglalayong maging instrumento sa pagpapalaya at pagpapaunlad ng kaisipan ng mga mamamayan . Sa pamamagitan ng kritisismo upang mas mapalalim ang ating pag unawa sa papel ng akademya sa isang kritikal at mulat na lipunan
SANHI AT BUNGA SULIRANIN SANHI BUNGA PAGSASAMANTALA SA MGA MANGAGAWA AT MAGSASAKA Kapitalismo : Ang sistema na nagbibigay-priyoridad sa tubo kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa . Globalisasyon : Ang pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhang korporasyon na nagbababa sa sahod at nagpapahirap sa mga lokal na negosyo . Kahirapan Gutom Kawalang Katarungan Pag- aalsa KORAPSYON SA GOBYERNO Kawalan ng Pananagutan : Hindi pagpaparusa sa mga corrupt na opisyal . Nepotismo : Pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan . Sistemang Pulitikal : Ang kultura ng patronage at ang kawalan ng tunay na reporma sa pulitika . Kahirapan Hindi maayos na serbisyo publiko Kawalan ng tiwala sa Gobyerno Pagkawalang Pag- asa KAWALANG KATARUNGAN Sistema ng Hustisya : Ang sistema ng hustisya na pumapabor sa mayayaman at makapangyarihan . Diskriminasyon : Ang pagtrato sa mga tao nang hindi pantay batay sa kanilang lahi , kasarian , relihiyon , o iba pang katangian . Pang- aabuso : Ang paggamit ng kapangyarihan upang saktan o pahirapan ang iba . Kawalang Tiwala sa Sistema : Paghihimagsik Karahasan
PAGBUBUOD Buod ng Akda batay sa nilalaman
PAGBUBUOD Ang "Bayan at Lipunan" ay isang dokumento na tumatalakay sa ugnayan ng mga mamamayan (bayan) at ang kanilang lipunan . Pinag-aaralan dito ang mga konsepto ng pagkakabuo ng lipunan , ang papel ng bawat indibidwal sa loob ng komunidad , at ang mga aspeto ng kultura , politika , at ekonomiya na nakakaapekto sa buhay ng mga tao .
PAGBUBUOD Mga Pangunahing Punto : Kahulugan ng Bayan at Lipunan:Tinalakay ang kahulugan ng bayan bilang isang grupo ng mga tao na may iisang teritoryo at kultura , at ang lipunan bilang organisadong samahan ng mga tao na may mga panuntunan at ugnayan . Pagkakabuo ng Lipunan : Paano nabubuo ang lipunan sa pamamagitan ng interaksyon ng mga tao , at ang kahalagahan ng mga institusyon tulad ng pamilya , paaralan , at pamahalaan . Kultura at Tradisyon : Ang papel ng kultura sa paghubog ng pagkakakilanlan ng bayan at kung paano ito nakakaapekto sa mga gawi at paniniwala ng mga tao .
PAGBUBUOD Mga Suliranin sa Lipunan : Pag- usapan ang mga karaniwang isyu tulad ng kahirapan , diskriminasyon , at iba pang mga problemang panlipunan na kinahaharap ng bayan. Paglahok ng Mamamayan :Ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng bawat isa sa pagpapaunlad ng lipunan at sa pagresolba ng mga suliranin . Ang dokumento ay nagbibigay ng malalim na pag-unawa sa dinamika ng bayan at lipunan , at naglalayong magbigay ng kaalaman upang maging mas responsableng mamamayan sa pagbuo ng mas maunlad at makatarungang lipunan .
KONGKLUSYON Kahalagahan ng akda at ng mga isyung tinalakay , at ang mga posibleng solusyon
KONGKLUSYON Mahalaga ang akda na ito dahil nagbibigay ito ng malalim na pagtalakay sa kasaysayan ng panitikang Filipino, partikular sa konteksto ng akademya at ang koneksyon nito sa mas malawak na lipunan . . Ang pangunahing isyung tinalakay sa akda ay ang epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa panitikang Filipino. Ipinapakita ng teksto ang dominasyon ng mga dayuhang kaisipan at wika , tulad ng Ingles, sa sistema ng edukasyon at kultura . Nagdulot ito ng isang uri ng kakulangan sa pagpapahalaga sa sariling kultura at identidad . Bukod pa rito , binanggit din ang mga epekto ng globalisasyon at ang patuloy na pakikibaka ng panitikan laban sa mga ito . Ang akda ay nagpapahiwatig na ang panitikan ay dapat na magsilbing salamin ng lipunan , at hindi lamang isang purong sining na nakakulong sa loob ng akademya .
KONGKLUSYON Batay sa mga isyung ito , ang posibleng solusyon ay ang patuloy na pagpapalakas at pagsuporta sa panitikang Filipino. Kailangan nating bigyan ng halaga ang mga akdang sumasalamin sa ating sariling kultura at kasaysayan . Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng: Integrasyon sa Kurikulum : Pagtiyak na ang mga akda mula sa mga Pilipinong manunulat na tumatalakay sa mahahalagang isyung panlipunan ay magiging sentro ng pag-aaral sa lahat ng antas .
KONGKLUSYON Pagsusulong ng Lokal na Pananaliksik : Paghikayat sa mga mananaliksik at mag- aaral na tumuon sa mga lokal na akda at isyu , sa halip na umasa lamang sa dayuhang teorya . Paggamit ng Wikang Filipino: Aktibong paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng panitikan , pananaliksik , at pagtalakay sa akademya at sa iba pang larangan . Sa huli , ang akda ay nag- iiwan sa atin ng paalala na ang panitikan ay hindi lamang para sa paglilibang , kundi isa itong mahalagang sandata sa patuloy na pakikibaka para sa pambansang kalayaan , dekolonisasyon , at pagpapalakas ng ating sariling identidad .