Ikatlong markahan sa edukasyon sa pagpapakatao

Daryl445787 16 views 50 slides Feb 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 50
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50

About This Presentation

Quarter 3


Slide Content

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
DIVISION OF NAVOTAS CITY
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikatlong Markahan



9

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio



Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vanessa O. Lanot-Cas, Rowena J. Ortega, Glaiza P. Dela Cruz
Editor: Apple C. Raflores, Josefina B. Del Rosario
Tagasuri: Eloisa S. Sanchez
Tagaguhit: Eric De Guia -BLR Production Division
Tagalapat: Apple C. Raflores
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

02-8332-77-64
[email protected]

Nilalaman

Subukin ................................................................... 1
Modyul 1 .................................................................. 4
Modyul 2 .................................................................. 17
Modyul 3 .................................................................. 31
Tayahin .................................................................... 42
Susi sa Pagwawasto ................................................. 45
Sanggunian .............................................................. 46

1


Panuto: Bago ka magpatuloy sa pagtuklas ng modyul na ito, subukin mong
sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang tayahin kung a no na ang
nalalaman mo tungkol sa aralin. Basahin at unawaing mabuti ang mga
tanong. Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
kwaderno o sagutang papel.

1. Ang katarungang ibinibigay ng tao sa kaniyang sarili ay naka-angkla
sa halaga ng __________________.

A. Tao bilang tao
B. Dignidad ng tao
C. Karapatan ng tao
D. Kamalayang pansarili ng tao

2. Ito ay kailangan sa katarungang panlipunan upang mapangalagaan
ang karapatan ng indibidwal.

A. Dignidad
B. Respeto
C. Tiwala
D. Batas

3. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng PINAKAMATINDING
kawalan ng katarungang pansarili?

A. Nakakalimutan palagi ni Grace ang pag-inom ng bitamina.
B. Lumagpas sa tamang timbang si Faith dahil sa kanyang hilig sa
pagkain ng matamis.
C. Madalas magpalagay ng tattoo si Dan sa kaniyang katawan bilang
simbolismo ng sining.
D. Tinangka ni Marco na kitilin ang buhay sa pamamagitan ng
paglaslas ng pulso at pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot.

2

4. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kagalingan sa paggawa
at pamamahala sa paggamit ng oras?

A. Si Lhean ay palaging nakakadalo sa kanilang online class ngunit
minsan ay hindi nagsasagot ng mga gawain sa kanyang modyul
B. Si Andrew ay palaging nagsasagot ng lahat mga gawain sa modyul
at nagpapasa kung kailan niya matapos at gustong ipasa.
C. Si Mabel na palaging dumadalo sa mga online class, sinasagutan
ang lahat ng mga gawain sa modyul at ipinapasa ito kung kailan
matapos at gustong ipasa.
D. Si Ara na nagsisikap na makadalo sa online class at sinasagutan
ang lahat ng mga gawain sa modyul n ang may pag-unawa, at
pinapasa sa takdang oras ng pasahan.

5. Si Arnel ay sadyang masipag, lahat ng kanyang gawain ay hindi niya
minamadali, sinisiguro niya na magiging pulido ang kalalabasan nito,
hindi niya pinagpapabukas ang mga kaya niyang matapos sa ara w na
iyon. Naipakita ba ni Arnel ang kagalingan niya sa paggawa at
napamahalaan ng maayos ang oras?

A. Oo, dahil hindi niya minadali ngunit natapos niya ang kanyang
gawain sa takdang oras ng pulido at buong husay.
B. Oo, dahil madali niyang makukuha ang kabayar an sa kanyang
ginawa
C. Hindi, dahil kung ito ay minadali niya mas, marami pa siyang
magagawang ibang bagay.
D. Hindi, dahil kung nagawa na ang isang bagay kahit hindi
masyadong maayos ay pwede na rin naman iyon.

6. Ang lahat ay kalahalagan ng prayoritisasyon, alin ang hindi kabilang?
A. Dahil dito mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at
matutupad mo ang iyong tunguhin.
B. Dahil dito, matatapos mo kung ano ang kailangan gawin at tapusin
sa takdang oras.
C. Maiiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng iyong eskedyul at magiging
maayos ang gawain sa takdang oras nito.
D. Mahirap isa-isahin ang lahat ng dapat tapusin kaya gawin na
lamang ang kung anong gustong gawin.

3

7. Alin sa mga sumusunod ang tumpak na kahulugan ng SMART na
siyang epektibong paraan sa pagtatakda ng tunguhin sa Paggawa?

A. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-reliable, T-time-bounded
B. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-realistic, T-time-bounded
C. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-realistic, T-time on task
D. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-realistic, T-time-bounded

8. Marahil kalakip na sa maraming tao ang pagiging masipag. Makikita
ang isinasaad dito tungkol sa kahulugan sa kasipagan maliban sa:

A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang
gawain, kapuwa at lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad
ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan at disiplina.

9. Ito ay tumutukoy sa pagtitiyaga na maabot o makukuha ang mithiin o
layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

A. Kasipagan
B. Pagsisikap
C. Katatagan
D. Pagpupunyagi

10. Dapat tayo ay mag- impok sa ating mga kinikita sa trabaho o negosyo.
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag -impok
ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:

A. Para sa pagreretiro
B. Para sa mga hangarin sa buhay
C. Para maging inspirasyon sa buhay
D. Para sa proteksiyon sa buhay

4
MODYUL 1

Nakakita ka na ba ng mga nagwewelga sa kalsada at ang kanilang isinisigaw
ay “KATARUNGAN!”? Bakit nga ba may mga taong napagdamutan nito? Bakit
kailangan silang mag-ingay upang mapansin lamang ang pangangailangan na ito?
May kakulangan nga ba sa pang -unawa ng mga tao sa tunay na kahulugan ng
katarungan?
Naunawaan natin sa mga naunang aralin na ang pinakalayunin ng lipunan
ay kabutihang panlahat. Upang makamtan ito ay mahalagang nakakatanggap ang
bawat mamamayan ng makatarungang buhay. Nararapat sa isang lipunan na may
patas na pagbibigay tungo sa pantay-pantay na karapatan.
Sa araling ito, ay mauunawaan mo ang konsepto ng katarungang panlipunan.
Gayundin, maaaring may magawa ka upang matugunan ang pangangailangan ng
kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo din ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan

2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan

3. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay
sa kapwa ang nararapat sa kanya.

4. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga
angkop na pagkakatao.

5
Aralin
1
Katarungang Panlipunan

Tulad ng pagkaka-unawa natin sa pag-ibig kahit na hindi natin maipaliwanag
ang lahat tungkol dito, mayroon din tayong sariling pag-unawa sa katarungan kahit
na hindi natin ito eksaktong matukoy. Sa gayon, ang katarungan ay katulad ng pag-
ibig. Ang pag-ibig at katarungan ay pumupukaw ng madamdaming tugon mula sa
kanilang mga tagapagtaguyod. At tulad ng pag-ibig, walang napopoot sa katarungan,
lahat ay naghahangad nito para sa sarili at sa mga mahal sa buhay.

Ngunit hindi tulad ng pag-ibig, na isang aspeto ng ating relasyon sa mga taong
lubos na malapit sa atin, ang katarungan ay may kinalaman sa ating buhay sa
lipunan -kung ang mga prinsipyo na umiiral ay ayon sa kung saan ang panlipunang
kalakal at panlipunang mga tungkulin ay naipamamahagi ng patas sa iba't ibang
miyembro ng lipunan.

Sa modyul na ito, malalaman natin ang tunay na kahulugan at kahalagahan
ng katarungang panlipunan. Magkakaroon din tayo ng pag kamulat sa mga hindi
makatarungang kaganapan sa ating pamayanan at mauunawaan ang ating
magagawa upang maiwasan o mapigilan ito.



KATARUNGAN
Sa pamilya, una nating naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa
atin ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dahan-dahang nahubog ang iyong
pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong
konsensya, natutuhan na ang katarungan.

6
Ang kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung nahuhuli ka ng iyong
mga magulang o ng iyong mga kapatid sa iyong nagawang pagkakamali. Hindi rin
ito nakabatay sa patakaran na sinabi ng iyong magulang o sino pa man.
Nauunawaan mo sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka
kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba at isinasaalang-alang mo ang
kabutihang panlahat.
Ano nga ba ang katarungan? Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapwa ng
kung ano ang nararapat para sa kaniya. Ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao. Ayon
naman kay Sto. Tomas de Aquino, ito ay ang kilos-loob, isang gawi na ginagamit ng
tao sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Sa pamamagitan ng katarungan
ay naipapakita ng tao ang kaniyang kakayanan na sumunod sa mga Likas na Batas
Moral.
Isa sa indikasyon ng pagpapakita ng katarun gan ay ang pagkilala sa
karapatan ng bawat indibidwal. Kasama na rito ang pagsusumikap ng tao na
gampanan ang kaniyang mga tungkulin upang siguruhin na hindi niya malalabag
ang karapatan ng kapwa.
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi
lamang sa ugnayan ng tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa
kalipunan. Samakatuwid, ang katarungang panlipunan ay namamahala sa
kaayusan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
Ang kalipunan (socious) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang
tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Halimbawa nito ay ang guro o
mag-aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang empleyado sa opisina. Sila ay
kalipunan dahil may namamagitan na institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba,
ngunit hindi magkahiwalay ang kapwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa
paglingkod sa kapwa.
Tao Bilang Tao
Ang tao ay binubuo ng katawan, pagnanasa, kasaysayan, mga layunin, at
pangarap. Ang lahat ng ito ay tinatawag ng sarili na ipunin ang mga naghahatakang
puwersang ito upang manatiling isa at buo. Nangangailangan ng balanse sa
pagtugon sa pangangailangan ng mga ito. Hindi maaaring makahigit ang isa mula
sa isa.
Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili. Iniipon at
binubuo ng tao ang iba’t ibang salik at puwersang nagtutunggalian at humahatak
sa kaniya na tumungo sa iba-ibang direksiyon.

7
Kung nais natin ay makakilos nang may direksyon sa aking buhay ay
kinakailangang timbangin, ayawan, at/o panindigan ang maraming mga bagay na
ihinahain sa ating harapan. Ang wastong pagpili ang masasabi nating
pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili. Kung sakaling maharap
sa pagpapasya kung ano nga ba ang dapat unahin sa m ga naghahatakang pwersa
na bubuo sa sarili, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Ano ba ang nais
kong mangyari sa aking buhay? Ano ang gagawin ko para marating ito? Bakit ko ito
gagawin? Ano ang aking pinahahahalagahan? Bakit ito mahalaga? Gaano ito
kahalaga?
Sa madaling salita, maliban sa paglalagay sa ayos ng a ting buhay sa
pamamagitan ng pagbabalanse ng mga naghahatakang pwersa, ang pagiging
makatarungan sa sarili ay nakaangkla sa halaga natin bilang isang tao at sa pag-
iingat sa halagang ito. Ang dahilan kung bakit natin kailangang ayusin ang sarili ay
dahil mahalaga at may-halaga tayo.
Ang dahilan kung bakit natin pagsisikapang gawin ang isang bagay ay dahil
makapagpapayabong ito at makapagtataguyod ng a ting sarili. Ang dahilan kung
bakit iingatan natin ang sarili ay dahil hindi natin maaaring bitiwan ang halaga natin
bilang isang tao. Bilang tao ay hinihingi natin na tratuhin tayo ng may katarungan.
Tao Bilang Nasa Ugnayan
Subalit hindi lamang nabubuhay ang tao para sa kanyang sarili. Bahagi rin
ng kasarinlan ay ang pagiging nasa sa loob tayo ng ugnayan. Salamat sa mga
ugnayang ito dahil napupunan ang anumang pagkukulang at pangangailangan g
hindi kayang likhain ng sarili. Pipitasin niya sa taniman ang kaniyang kakainin.
Kukunin niya sa kabunduka n ang kaniyang
titirhan. Aanihin niya sa mga hayop ang kaniyang
isusuot. Makikipag-ugnay at makikipagtulungan
ang tao sa kaniyang kapwa upang mapabilis ang
paggawa. Nabubuo ang mga komunidad upang
maharap nang mas maginhawa ang mga hamon
ng kasalukuyan, naghahati-hati sa yaman ng
bayan, at nagsasama-samang nagpapatakbo ng
lipunan.

8
Ang katarungang panlipunan ay ang pag -iingat sa sariling komunidad
upang makagawa, makabuo, at makalikha.
Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod upang ito ay
umiral:
1. Batas
Ito ay upang maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao

2. Pamahalaan
Ito ay upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa.

3. Pulis
Ito ay upang magbantay sa kalayaan ng mga tao.

4. Malalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad
Ito ang pinakasentro ng lahat. Kung wala at hindi mahigpit ang mga
ugnayang ito, mauunawaan ang katarungang panlipunan bilang
transaksiyon lamang ng pamahalaan at ng mga sakop nito. Mauuwi ang
katarungang panlipunan sa usaping legalistiko lamang—bilang pagsunod
sa batas o pagpapataw ng parusa sa mga tao.
Ang katarungang panlipunan ay, una’t higit, ukol sa mga tao at sa mga
ugnayan nila sa isa’t isa. Kaya nagsisikap magkaroon ng katarungan ay dahil sa
pagnanais na mabuo ang sarili at ang komunidad.
Sa ganitong pag-unawa sa katarungang panlipunan, inaaako ng sarili ang
malaking tungkulin na maging makatarungan sa sarili. Kung hindi magiging maayos
ang tao, ang komunidad na kaniyang ginagalawan ay mawawasak din. Mawawalan
ng saysay ang ugnayang tao at komunidad, kung wala ring katarungang umiiral,
pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili.
Mahalaga ang papel ng pamahalaan dito. Kung hindi matuwid ang
pamahalaan at kung hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang ekonomiko at
pampolitikang tungkulin, mahihirapan ang mga tao na pag-ukulan pa ng panahon
ang mga ugnayan sa komunidad. Kani-kaniyang pagsisikap at pagtatrabaho para sa
sariling buhay ang iiral. Isang kalat at walang direksyon na buhay na mauuwi
lamang sa pagkawasak ng lahat.
Kaya't alang-alang sa lipunan at alang-alang na din sa sarili, utang na loob
ng bawat isa na magkaroon ng katarungan sa sarili at sa komunidad. Ang ika-aayos
ng bawat isa ay nasa kamay din ng bawat isa. Mabubuo lamang ng pamahalaan ang
mga mabibisang prinsipyong ekonomiko at pampolitika kung ang mga namumuno
sa loob nito ay makatarungan din sa kani-kanilang mga sarili. Ang mamamayan ay
makatarungang tao din na hindi inaasa pa sa pamahalaan ang sarili niyang pag -

9
aayos ng kaniyang bakuran, pamilya, at sarili. Ngunit lahat ng ito ay kailangang
umpisahan ng makatarungang tao sa kaniyang sarili.
PAGKILALA SA DIGNIDAD NG TAO
Sa kasalukuyang panahon , ang ating pag-unawa sa kung ano ang
makatarungan ay malapit na nauugnay sa ating pag-unawa sa kung ano ang
nararapat sa bawat tao bilang isang tao. Ayon sa pilosopong Aleman na si Immanuel
Kant, ang tao ay nagtataglay ng dignidad. Kung ang lahat ng tao ay binibigyan ng
dignidad na nararapat sa bawat isa ay nabibigyan sila ng pagkakataong paunlarin
ang kanilang mga talento at ituloy ang kanilang mga layunin sa buhay. Kailangang
maibigay ang katarungan ng nararapat at may pantay na konsiderasyon sa lahat ng
indibidwal.
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa
dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aaral,
posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao.
Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal,
ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapwa,
kundi ito ay isang positibong paglapit sa kanya upang samahan at suportahan siya
sa kanyang pagtubo bilang tao at sa pagpapaunlad niya ng kaniyang mga potensiyal.
MAKATARUNGANG TAO
Ayon kay Andre Comte -Spoonville, isa kang makatarungang tao kung
ginagamit mo ang ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa.
Isinaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong
sarili para rito sa kabila ng napakaraming hindi patas na sitwasyon na maaaring
nararanasan mo at maaaring minsan ay ikaw rin mismo ang may gawa.
Samakatuwid, kailangan mong salungatin ang mismo ang iyong sarili, ang ibang tao
at ang mundo sa hindi pagiging patas ng mga ito.
Sa halip na pag-usapan ang katarungan kapag nawawala na ito, ang hamon
ay makita ang katarungan na isang pagpapahalagang kailangang pagsikapang
panatilihin sa bawat sandali.
Ang katarungan ay hindi hinihingi o inaasahan mula sa labas. Bagaman
iginagawad din ng panlabas na estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay
kailangang makita bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat isa. Hindi
lamang ito karapatan bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng
pagpapahalaga ng sarili dahil tayo ay may halaga sa sarili at sa komunidad.

10

Ang pagiging makatarungan ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
kapwa bilang ikaw na namumuhay kasama ang iba. Ang katarungang panlipunan
ay isang gawi na gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod ng isang tao ang
LIKAS BATAS MORAL (Natural Law).
Samakatuwid, makatarungan kang tao kung ginalang mo ang karapatan ng
bawat indibidwal at isinaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao.

11



Gawain 1 – MAKATARUNGAN O HINDI MAKATARUNGAN
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang hanay kung ang sitwasyon ay makatarungan o hindi
makatarungan. Matapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Sitwasyon Makatarungan
Hindi
Makatarungan
1. Si Kris ay nakakapag-aral ng maayos kahit
nasa bahay lamang.

2. Si Tin ay hinihingi lamang ang mga
isinasagot sa modyul sa kanyang kaklase.

3. Si Mark ay umiihi sa poste.
4. Si Kim ay tinulungan ang matandang
nahihirapang tumawid.

5. Si Nora ay nakikilahok sa mga clean-up
drive.


Mga Tanong:
1. Paano mo natukoy kung ang sitwasyon ay may katarungang umiiral o
wala? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
2. Ano ang maaari mong magawa sa mga sitwasyong ibinigay na hindi
makatarungan? Ilahad.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2 – SITUATIONAL ANALYSIS
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano
ang buhay na maaaring kaharapin ng taong ito batay sa iyong pagkamulat o
pagkakakilala sa lipunang iyong ginagalawan.
1. Isang kabataang lumabag sa batas na nailagak sa isang institusyon at
nakalaya matapos ang matagal na panahon.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Isang mag-aaral na anak ng isang bilanggo.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Isang kabataan na may kapansanan o kaya naman ay may kondisyong
espesyal (children with special needs).
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

13
4. Isang mahirap na mag-aaral na nakakuha ng scholarship sa isang pribadong
paaralan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Isang kabataang biktima ng sekswal na pag-abuso
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Mga Tanong:
1. Paano matutulungan ang mga taong ito upa ng hindi malabag ang
katarungang panlipunan sa kanilang sitwasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang mapupunta sa kanilang sitwasyon, paano mo haharapin a ng
buhay upang matiyak na magiging makabuluhan ka pa rin sa lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14



Gawain 1: PAKIKIPANAYAM SA EKSPERTO
Panuto: Humanap ng eksperto tungkol sa katarungan panlipunan. Maaaring ito ay
miyembro ng NGO (non -government organization), opisyal ng pamahalaan,
nagtatrabaho sa media, pulis, o kasapi sa simbahan. Kapanayamin ito tungkol sa
maaaring magawa ng isang kabataan para sa pagtataguyod ng katarungang
panlipunan tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Sundan lamang ang
template sa ibaba.

Pangalan ng kinapanayam: ____________________________________________________
____________________________________________________
Pangalan ng organisasyon: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Posisyon sa organisasyon: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Sagot ng kinapanayam sa kung ano ang maaaring magawa ng isang kabataan para
sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan tungo sa pagkamit ng kabuti hang
panlahat:

15
Larawan ng pakikipanayam:











Caption:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________











Caption:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

16
Gawain 2: AKO BA AY MAKATARUNGAN?
Panuto: Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging
makatarungang tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan. Lagyan ng tsek
(✓) ang ”Ako Ito” na hanay kung tinataglay mo ang pahayag o ang “Hindi Ako Ito” na
hanay kapag hindi mo taglay ang pahayag.


Mga Tanong:
1. Ano ang naramdaman at napagtanto sa kinalabasan ng iyong pagtatasa?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


2. Maituturing mo ba ang sarili mo na makatarungang tao? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________






Mga Palatandaan ng Pagiging
Makatarungang Tao
Ako ito Hindi
ako ito
1.Kinikilala ko ang mga Karapatan myembro ng aming
pamilya.

2.Tinutupad ko ang aking mga pangako at ang komitment
sa buhay

3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin ay
maaari akong magparaya alang -alang sa mas
nangangailangan nito.

4. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos at
pagpuna sa iba na kulang sa batayan ay kawalan ng
katarungan

5. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng tao sa
aking paligid

17
MODYUL 2

Noong ikalawang markahan ay natutunan mo sa ikatlong modyul na ang
paggawa ay mahalaga sapagkat ito ay isang uri ng paglilingkod at isang pamamaraan
upang maitaguyod ang dignidad ng isang tao.

Kaugnay nito, mahalagang masagot natin sa modyul na ito ang mahalagang
tanong na: “Bakit kailangang magkaroon ng kagalingan sa paggawa at
paglilingkod upang maiangat ang sarili, kapuwa mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa at mapasalamatan ang Diyos sa talentong ipinagkaloob sa atin? Bakit
kailangan ang pamamahala sa pa ggamit ng oras?”

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan din na maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kaakibat ng wastong paggamit ng oras para rito.

2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa
paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na
ginugol dito.

3. Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na
may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang
Kaloob.

4. Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.

18
Aralin
2
Kagalingan sa Paggawa at
Pamamahala sa Paggamit ng
Oras

“Ang Diyos ang unang gumawa ng trabaho sa lupa; kaya nga sumasalamin sa
lehitimong trabaho ang Gawain ng Diyos. Dahil ang Diyos ay likas na mabuti
(Awit25:8; Efeso 4:28), ang trabaho ay likas ding mabuti. Idineklara sa Genesis 1:31
ng tiningnan ng Diyos ang resulta ng Kanyang paglikha, tinawag Niya itong
“napakabuti”. Sinuri at tinasa ng Diyos ang kalidad ng Kanyang trabaho, at ng
matiyak Niyang gumawa Siya ng isang perpektong trabaho, nasiyahan Siya sa
resulta.”

Dahil tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos, inaasahan na bilang tao ay
nararapat lamang na magpakita ng kagalingan at kahusayan sa lahat ng ating
gagawin, Hindi man kasing-perpekto ng Kanyang ginawa, nagsusumikap tayo na
ibigay ang lahat ng ating makakaya kahit ano pa mang trabaho ang mayroon tayo
na kaugnay ng ating piniling propesyon at naisasagawa ito sa takdang oras at
panahon.

Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa
pamamagitan nito, naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili, kapwa
at sa Diyos, at ito ang nagtutulak sa tao upang magkaroon ng Kagalingan sa Paggawa
kasama ang wastong pamamahala sa oras.

Isa sa pagpapahalagang kinakailangang taglayin ng tao ay ang pamamahala
sa paggamit ng oras. Ito ay makatutulong upang patuloy na maiangat ang antas ng
kanyang pamumuhay, kasama ang kultural at moral ng lipunan at upang makamit
ang kaganapan ng kaniyang pagkatao. Ang anumang hakbang na gawin mo upang
paghandaan ang iyong magandang kinabukasan ay mag -uumpisa sa iyong sarili,
ang iyong tagumpay ay nakasalalay sa iyong kagalingan sa paggawa at pamamahala
sa paggamit ng oras.

Halika’t umpisahan nating unawain kung paano!

19


KAGALINGAN SA PAGGAWA AT PAMAMAHALA SA PAGGAMIT
NG ORAS

Kasama ang wastong pamamahala sa oras, ang pagsasagawa ng gawain o
paglikha ng isang produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking
kahusayan. Ang pagkakaroon ng isang propesyon o karer ang tinapos ay
napakahalagang salik na dapat isaalang-alang upang matupad ang layunin sa
paggawa subalit hindi pa rin ito sapat kung hindi natin ito sasamahan ng mga
sumusunod na katangian na dapat taglayin upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa.

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
2. Pagtataglay ng mga Positibong kakayahan o kakailanganing kasanayan
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
4. May Wastong pamamahala sa paggamit ng oras.

1.NAGSASABUHAY NG MGA PAGPAPAHALAGA

Ang mga sumusunod na pagpapahalaga ay siyang magsisilbing gabay upang
makagawa ng kakaibang produkto o pagbibigay serbisyo na may kalidad. Ang mga
produktong likha ng kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig, pagkamalikhain, at
pagkakaroon ng disiplina ay tiyak na magiging kapaki pakinabang at kakaiba ang
magiging kalidad nito.

A. KASIPAGAN - ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang
gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang mga
produkto o serbisyo na likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan
at buong pagmamahal na ginagawa ang lahat ng kanyang gawain . Dahil dito,
ang resulta ay talaga namang kapuri-puri at kahanga-hanga.

B. Tiyaga - Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang makakahadlang sa
paggawa katulad ng pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa gawa ng iba,
at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain. Ang produkto
na bunga ng pagtitiyaga ay maaaring magsilbing inspirasyon sa ibang tao.


C. Masigasig - Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensyon at oras ng
taong masigasig ay nakatuon lamang sa kanyang ginagawa o lilikhain upang

20
ito ay madali niyang matapos nang hindi nakakaramdam ng kahit na
anumang pagod o pagkabagot.

D. Malikhain - Ang mga produkto o lilikhain ay bunga ng malikhaing pag-iisip,
orihinal, bago at kakaibang produkto.

E. Disiplina sa sarili – ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan
ng kaniyang paggawa at mayroong paggalang sa ibang tao . Kaya niyang
isantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Para
sa ikabubuti ng lahat ang isinasaalang-alang ng taong may disiplina sa sarili
sa lahat ng produktong gagawin o serbisyong kanyang ibibigay.

2. PAGTATAGLAY NG MGA POSITIBONG KASANAYAN O KAKAILANGANING
KAKAYAHAN

Ang mga kasanayan tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkwenta, pakikinig at
pagsasalita at tinatawag na basic literacy na mahalaga upang maipakita ang
kagalingan sa paggawa. Bukod sa mga ito, mahalaga rin na malaman mo ang mga
kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugto (Morato, 2007).

A. Pagkatuto bago ang paggawa – tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng
plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo ito ng
mga kasanayan sa:
➢ Pagbuo ng layunin,
➢ Paglalarawan ng mga indikasyon
ng mga inaasahang kalalabasan
(Outcomes)
➢ Pagbuo ng mga angkop na
konsepto na magpapaliwanag sa
gawain
➢ Paghahanda ng mga kagamitang
gagamitin
➢ Pagtukoy sa mga tutulong sa
pagsasagawa ng gawain
➢ Pagtatakda ng kakailanganing
panahon upang isagawa ang gawain

B. Pagkatuto habang ginagawa – Ito ang yugto ng pagkilala sa ibat-ibang
istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng
mga tunguhin sa pamamagitan ng paglilista ng mga konkretong hakbang
sa pagsasagawa ng gawain, kasama ang problemang posibleng kaharapin
at solusyon dito.

C. Pagkatuto pagkatapos ang isang gawain - Ito ang yugto ng pagtataya sa
naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo
ang kilos at pasiya na dapat baguhin at panatilihin.

21
3.NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMAT SA DIYOS

Masasabi na may kalidad at kakaiba ang lahat ng paggawa kung ito ay
naaayon sa kalooban ng Diyos . Ang pinakamataas na pagpapahalaga ay ang
pagbabalik ng papuri sa Diyos sa lahat ng katagumpayan na iyong nakamit sa
buhay.










Ang tanging pinanggalingan ng paggawa ng mabuti at may kahusayan ay ang
Diyos kaya naman nararapat lamang na ito ay ibalik sa Kanya sa pamamagitan ng
pagpupuri at pasasalamat.
Narito rin ang dagdag pang katangian na makatutulong sa iyo upang
magkaroon ng matalinong pag-iisip upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
Ito ay sinasabing ipinamalas ng itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng
panahon - si Leonardo Da Vinci (Gelb, 1998).
A. Pagiging palatanong (Curiosita)
-pagiging mausisa o pag-alam ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid.

B. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi (Persistence)
at ang pagiging bukas na matuto sa pagkakamali (Dimostrazione)
-ang tao ay maraming karanasan sa buhay – maaaring ang ilan sa mga ito ay
magbibigay-aral at magsisilbing-gabay upang patuloy na maging
matagumpay at umiiwas sa mga pagkakamali.

C. Patuloy na pagkatuto gamit ang mga panlabas na Pandama (Sansazione)
– ang isang halimbawa nito ay makikita sa katauhan ni Maria Gennet
Rodriguez Ambubuyog -kung saan, hindi naging hadlang ang kaniyang
pagiging bulag upang makamit ang kanyang pangarap. Iba’t ibang karangalan
ang kanyang natanggap. Siya ay nagtatrabaho bilang Product and Support
Manager ng code factory, S.L. sa Barcelona, Spain na may kinalaman din sa
pagtulong sa mga bulag sa pamam agitan ng Braille access solutions at
bahagyang nakakakita gamit ang mobile devices.

D. Pagiging bukas sa pagdududa, kawalan ng katiyakan (Sfumato).
- ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay,
mga bagay na hindi pamilyar at mahirap ipaliwanag.

22
E. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at Imahinasyon
(Arte/Scienza)
-ang katangiang ito ay nagbibigay-halaga sa kagandahan at katotohanan
gamit ang sining at siyensya. Ginagamitan din ito ng mapanuring pag-iisip at
imahinasyon.

F. Ang Pananatili ng Kalusugan at paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
-Mahalagang kasangkapan ng tao ang katawan sa paggawa. Dahil dito,
marapat na alagaan ng tao ang kaniyang sarili – iwasan ang mga bagay tulad
ng bisyo, na makakasama sa katawan.

G. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-Ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione)
-Ito ay ayon sa “Law of Ecology” na nagsasabing, “Everything is connected to
everything else”. Kung gayon, marapat na bigyang-halaga ang kaugnayan ng
lahat ng bagay at pangyayari sa isa’t-isa.

PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Ito ay tumutukoy sa kakayahan mo sa
epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa.
Ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras ay
nakapagpapataas ng produktibidad, pagkamabisa, at
kagalingan mo sa paggawa . Kung hindi
mapamamahalaan ng maayos ang oras , maaaring
makapagdulot ng hindi magandang resulta katulad ng
hindi pag-abot sa dedlayn, mababang kalidad ng
trabaho, hindi magandang reputasyon sa paggawa at
mataas na lebel ng tensiyon at stress.
Kailangan ang pagtatakda ng tunguhin o goal upang maipakita ang
epektibong pamamahala sa p aggamit ng oras, kung alam mo ang iyong
patutunguhan mas magiging madali ang gawaing kailangan tapusin . Sa kabilang
banda, kung walang naitakdang tunguhin ay maaaring masayang ang iyong oras
dahil sa mga pagkalito at magkakasalungat na prayoridad sa iyong gawain. Naririto
ang isang paraan na subok na sa pagtatakda ng tunguhin. Ang kriteryang SMART:

A. SPECIFIC-TIYAK
Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro sa nais mong
mangyari sa iyong paggawa.


B. MEASURABLE -NASUSUKAT
Ito ay tumutukoy sa mga kaya mong gawin at isakatuparan at
tumutugma sa iyong mga kakayahan.

23

C. ATTAINABLE-NAAABOT
Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maaabot, at mapanghamon,
nararapat mong isaalang-alang ang mga kakaharapin mong hamon sa
proseso ng iyong paggawa.

D. REYALISTIKO-REALISTIC
Mahalagang tingnan mo ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon
sa pangangailangan ng iyong kapuwa at timbangin mo ang mga ito
upang makita mo ang makabubuti.

E. NASUSUKAT-TIME BOUND
Kailangan dito ng pagpapasyang may katalinuhan. Kail angan na
magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo
maisakakatuparan ng iyong tunguhin, ang haba ng panahon na
gugugulin mo ay may kaugnayan sa pagtupad mo sa iyong tunguhin.


Kinakailangan na mag-umpisa sa iyong paggising ang pamamahala sa oras,
bumangon ng maaga kahit pa ayaw pang bumangon ng iyong katawan upang
makarating sa tamang oras ng eskwela o trabaho o ang pagiging “on time”. Labanan
ang pagpapabukas bukas ng gawain, dahil ito ay may negatibong epekto sa iyong
kagalingan sa paggawa.

Ayon kay Clarry Lay, ang pagpapabukas- bukas ay puwang o (Gap) mula sa
oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at aktuwal na oras ng iyong paggawa.
Mahalaga ding malaman mo na kung iniwan mo ang isang gawain para sa isang mas
mahalagang gawain, hindi iyon pagpapabukas-bukas. Ang tawag dito ay
prayoritisasyon.

Ang prayoritisasyon ay ang pagbibigay ng prayoridad kung ano ang
kailangang gawin at tapusin sa takdang oras. Sa pamamagitan ng pagkakaroon nito,
mapamamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at matupad mo ang iyong
tunguhin. Maiwawasan mo ang magkabuhol -buhol ang iyong eskedyul at aabot ka
sa itinakdang dedlayn ng iyong ginagawa.




PAGKILOS NANG MAY KAMALAYAN SA AGARANG
PANGANGAILANGAN

Bilang kabataan na punong puno ng enerhiya at nag -uumapaw sa
kasiglahan, responsibilidad mo na gamitin nang wasto ang bawat oras na mayroon

24
ka. Lahat ng kaya mong gawin at lahat ng biyaya na meron ka ay maaari mong
gamitin sa pag-unlad ng bansa.

Ang malalim na kamalayan sa kahalagahan ng paggawa ay makatu tulong din
sa pag-unlad ng lipunan. Ito ang nagtutulak sa atin na linangin ang ating kagalingan
sa paggawa at gamitin ito para sa kapakanan ng ating kapuwa at ng ating bansa.


PAMAMAHINGA, PAGLILIBANG AT PAGKAKAWANGGAWA

Matapos ang lahat ng pagpapamalas ng kagalingan sa paggawa at
pamamahala ng paggamit ng iyong oras ay nararapat lamang na maglaan ka ng oras
sa iyong pamamahinga, paglilibang at pagkakawang -gawa. Ito ang magbibigay ng
balanse sa iyong buhay. Magbibigay daan ito na magkaroon ka ng panahon na higit
na makatulong sa iyong kapuwa at pagpapaunlad ng ating bansa.

Sa pamamahinga at paglilibang ibinibigay mo ang pangangalaga sa iyong
sarili sa larangan ng paggawa, gayundin ang pagkakataon na makapagpanibagong
lakas at sigla na kailangan mo sa pagbalik mo sa paggawa. Sa pagkakawang-gawa
naman ay makikita mo ang kahalagahan na matugunan ang pangangailangan ng
iyong naghihirap na kapuwa at ang epekto nito sa bansa.

Sa pamamagitan ng mga ito, lalo mong maipapakita ang kagalingan sa
paggawa at pamamahala sa paggamit ng oras at higit sa lahat, maibalik ang lahat
ng ito sa pamamagitan nang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos na Siyang
nagkaloob ng lahat.





GAWAIN 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong natutunan sa
paksang tinalakay.

1. Ano- ano ang mga katangiang na dapat isabuhay upang maipakita ang
kagalingan sa paggawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

25
2. Ano ang pinakamataas na pagpapahalaga sa pagpapakita ng kagalingan
sa paggawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang magkaroon ng kagalingan sa paggawa at paglilingkod
upang maiangat ang sarili, kapuwa mapaunlad ang ekonomiya ng bansa
at mapasalamatan ang Diyos sa talentong pinagkaloob sa atin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano ang epekto kung hindi mo mapamamahalaan ng maayos ang
paggamit ng oras?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Bakit kailangan ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6. Bakit mahalaga na maglaan ng oras para sa pamamahinga, paglilibang at
pagkakawang-gawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Gamit ang iyong pagkamalikhain ay ipakita ang mga kaisipang iyong
natutunan sa ating aralin. Pumili ng isang pamamaraan mula sa mga sumusunod:
a) Tula
b) Awitin
c) Poster
d) islogan

26

Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba bilang pamantayan ng iyong Gawain.

______________________________________
(Pamagat)



































RUBRIKS NG PAGMAMARKA:
Pamantayan 5 na puntos 4 na puntos 3 puntos
Paksa o
Nilalaman
Nakapukaw ng
damdamin at
nailahad o
naipakita ng
malinaw ang
kabuluhan ng
Nailahad o
naipakita ng
malinaw ang
kabuluhan ng
paksa sa
nalikhang tula,
Nailahad o
naipakita ang
kabuluhan ng
paksa sa
nalikhang tula,

27
paksa sa
nalikhang tula,
awitin, poster o
slogan.
awitin, poster o
slogan.
awitin, poster o
slogan.
Relevance o
Kaugnayan
Maaaring magamit
ang nabuong
kaisipan sa
nalikhang tula,
awitin, poster o
slogan sa pang-
araw-araw na
pamumuhay.
May iilang
nabuong kaisipan
sa nalikhang tula,
awitin, poster o
slogan.
Kinakailangan pa
ng higit na
kasanayan upang
nakabuo ng
kaisipan sa
paggawa ng tula
awitin, poster o
slogan.





Gawain 1:
Panuto: Magbigay ng limang sariling pamamaraan ng pagpapakita o pagsasabuhay
ng kagalingan sa paggawa at pamamahala ng paggamit sa oras sa iyong pag -aaral,
pagtupad sa tungkulin bilang kasapi ng pamilya at bilang responsableng
mamamayan ng bansa.

Bilang Mag-aaral

1.________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________

Bilang kasapi ng Pamilya:

1.________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________

28
4. _______________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________

Bilang responsableng mamamayan ng Lipunan

1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
5._________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto:
1. Mag-isip ng isang produkto o imbensyon na nagpapakita ng kagalingan
sa paggawa. Ito ay marapat na isang bagay na orihinal at hindi pa
naiisip ng kahit sino.

2. Mahalagang isaalang-alang ang kabutihang idudulot sa tao ng naisip
na produkto o imbensyon.

3. Iguhit ang larawan ng produkto o imbensyon.

4. Gawing gabay ang talahanayan sa gagawing plano ng proyektong
isasagawa.

29
ANG AKING PRODUKTO O IMBENSYON

30
Talahanayan:












Pangalan
ng
Produkto o
imbensyon
na nais
likhain
Oras ng
simula ng
paggawa
Oras ng
pagtatapos
ng
paggawa
Layunin ng
produkto o
imbensyon
Resulta Sino ang
makikinab
ang

31
MODYUL 3

Maraming mga tao ang may angking kasipagan. May ilan din naman na
kontento na lamang sa mga kakarampot na kita. Ngunit dapat nating isipin na hindi
humihinto dito ang ating pangangailangan at kailangan nating maghanda para sa
ating kinabukasan. Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung masipag ka o
kinakailangan pa ng dagdag na pagpupursigi upang lalo kang magsipag. Paano kung
ang isang tao ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang mangyayari
sa kaniyang buhay?

Ang modyul na ito ay may layunin na tulungan ka na mas lalong bigyan ng
sapat na pagkaunawa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang manggagawa.
Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong
sarili kundi upang mapaunlad ang bans ana iyong kinabibilangan at mul a rito ay
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang Kasipagan,
Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok?

Sama-sama nating tuklasin ang susi ng pag-unlad.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa?

1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.

2. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon
sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa.

3. Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na
naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling
pagkatao, kapuwa, lipunan, at bansa.
b. Ang mga hirap, pagod, at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo
sa pagtupad ng itinakdang mithiin.

4. Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang
itinakdang Gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.

32

Aralin
3
Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid at Wastong
Pamahahala sa Impok

Nakakatuwang isipin na kung ang isang tao ay masipag, mapagpunyagi,
matipid at marunong mag-impok, sigurado na ang pag-unlad ng sarili, ekonomiya
at ng bansa. Ang mga sikat na personalidad, mga taong nagtagumpay sa kanilang
propesyon at iba pa ay tiyak na mayroong katangian nito.

Halina’t pag-aralan ang nakakainganyong aralin na ito upang mabigyan tayo
ng gabay sa mga dapat nating gawin sa ating sarili, pamilya, kapuwa, lipunan/bansa
at sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa kabutihang panlahat.
Isabuhay ang mga napag-aralan at tiyakin na mapapaunlad at makakamtam
ang bawat gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.


KASIPAGAN

“Ang Kasipagan ay tumutulong sa tao upang ma paunlad niya ang kaniyang
Pagkatao.”
Naniniwala ka ba na mahirap ang buhay? Marahil ay madalas mong
marinig ito sa mga taong nakapaligid sa iyo, hindi ba? Ngunit ikaw ano ang pananaw
mo ukol dito? Sa pagpapatuloy ay nais kong ipabasa sa iyo ang isang tula upang
mas lalo mong mapagnilayan ang babasahin.

33

Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,
Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay:
Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay:
“Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”

Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin,
Kasipaga’y isagawa at itanim sa damdamin:
Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtim
Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin.

Hindi dapat mahiya itong palad ay kumapal
Kung Gawain ay Mabuti at hangarin ay marangal;
Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal
Ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.

Palala’t paggunita sa diwa mo, kabataan…
Sa tuwina’y isaisip, sana’y lagging tandan:
“Kasipaga’y ugaliin at gawin mong pamantayan
Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran.”

www.pinoyedition.com/mga-tula/kasipagan-/

Tiyak kong naibigan mo ang tula. Ano ang iyong naging kaisipan at damdamin
matapos mong mabasa ang tula? Nakita mo ba ang kabutihang naidulot nito sa iyo,
sa iyong kapwa at sa lipunan? Ito ay nagpapakita na ang kasipagan ay dapat isaisip,
isapuso, at isagawa ng bawat isang nilikha.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Hindi nagmamadali ang
isang tao sa kaniyang ginagawa. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang
kaniyang buong kakayahan, lakas, at panahon upang matapos niya ito ng
buong husay.

34
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ibinibigay ng isang tao
ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa. Siya ay may malasakit at hindi
lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi sinisigurado
niyang may kalidad ito.












3. Hindi umiiwas sa anumang
gawain. Anumang trabaho na nakaatang at maging ang trabaho ng iba ay
kaniyang ginagawa. Walang reklamo na maririnig at taos sa kaniyang puso
ang paggawa nito.


Tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa
itong susi sa magandang kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng
mas maraming biyaya sa mga taong nagtataglay ng ganitong katangian.
Kabaligtaran ng kasipagan ang katamaran na pumapatay sa isang gawain,
hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.


Ang isang tamad ay ayaw tumanggap ng gawain. Hindi pa niya ito
nasisimulan ay umaayaw na siya. Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran
kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa. Kadalasan, hindi nya natatapos
nang maayos ang isang gawain. Kung kaya’t dapat na puksain natin ang katamaran
at huwag itong bigyan ng puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot
na maganda sa ating kinabukasan.

PAGPUPUNYAGI

Kapag ikaw ay may kapansanan, basta
ka na lamang ba susuko sa hamon ng buhay?
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o
makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis,
kasipagan, at determinasyon. Ito ay pagtanggap
sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan
at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na
pagsubok ng mga gawain hanggat hindi
nakakamit ang mithiin.

35
Tularan natin si Thomas Edison, isang Amerikanong
imbentor na nakaimbento ng electric light bulb at lubos
nating nagagamit ngayon at sa buong mundo. Tunay ngang
siya ay kahanga-hanga. Hindi siya sumusuko hanggat
hindi niya natatapos nang buong husay ang kaniyang
gawain. Ikaw kaya? Kung ikaw ay may ganitong katangian
ay ipagpatuloy mo lamang sapagkat ito ay magbubunga ng
tagumpay. Isang tagumpay na maaaring makapagbigay sa
iyo ng masagana at magandang buhay.


PAGTITIPID

Bakit nga ba kailangang magtipid ng tao? Mayroon din naming sobra kung
gumastos at tila hindi na darating ang bukas. Tunay ng ana ang pagtitipid ay
kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang
mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba.

Isaalang alang ang mga sumusunod na pa raan ng pagtitipid. Higit itong
makatutulong sa iyo.

1. Sa halip na bumili sa labas ay magbaon na lamang sa eskuwela at sa
trabaho. Makakapagtipid ka sa ganitong paraan imbes na kumain sa
kantina. Mas sigurado ka pa na malinis at maayos ang pagkakahanda ng
iyong pagkain.

2. Maglakad na lamang kung malapit lang ang pupuntahan. Bukod sa
pagtitipid ay maganda din ito sa iyong katawan bilang ehersisyo.

3. Bumili na lamang sa palengke at hwag na sa mall. Mas mura ang bilihin
sa palengke at mas madami ka pang pamimilian.

4. Orasan ang paggamit ng TV, computer, Electric fan, at iba pa. Kung
hindi naman ito ginagamit ay patayin mo ang mga ito.

5. Ang load ng cellphone ay gamitin sa mga importanteng bagay lamang.
Ang load ay marapat na tipirin at siguruhing nagagamit sa mga bagay na
mahalaga tulad ng pagdalo sa online class, pagtatanong sa guro kung paano
gagawin ang mga gawain o upang makausap ang mga taong mahalaga s aiyo.

6. Tipirin ang tubig. Gumamit ng baso sa pagsisipilyo at huwag hayaang
natatapon ang tubig habang naliligo. Maaari ring ipunin ang tubig na ginamit
mula sa paglalaba upang magamit na panlinis ng sahig ng banyo.

7. Huwag nang bumili ng imported. Hindi natin maitatanggi na ang
produktong Pinoy ay tiyak ding may kalidad. Dito na lamang bumili at
makatutulong ka din sa pagtangkilik at pagtulong sa kapuwa Pilipino.

“Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at makuntento sa kung
ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.”

36
WASTONG PAMAMAHALA SA IMPOK

Masarap sa pakiramdam na n amula sa ating kasipagan at pagtitipid ay
mayroon tayong naiipon o naitatabi para sa ating pangangailangan sa hinaharap.
Mahalaga na tayo ay mag -impok sapagkat masasayang lamang ang ating
pinagpapaguran bandang huli.

Bakit ba kailangan na mag -impok ng pera?
Ayon sa Teorya ni Maslow na The Hierarchy of
Needs, ang pera ay maktutulong sa tao na
maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo
na sa hinaharap. Kung kaya’t pahalagahan ang ating
naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito
mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag
sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain
ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama
upang huwag itong mawala.

Alamin natin ang mga dahilan kung bakit kailangang mag-impok ayon sa
isang financial expert na si Francisco Colayco.
1. Proteksiyon sa Buhay. Sa takbo ng ating buhay, hindi natin maiiwasan ang
pagkakasakit, sakuna, o pagkabaldado kapag tayo ay tumanda. Maganda pa
rin na mayroon tayong madudukot kapag dumating ang ganitong pangyayari.

2. Hangarin sa Buhay. Kay gandang mangarap sa buhay at isiping makag-aral
at makapagtapos ang mga anak. Ang pagkakaroon ng sariling bahay,
sasakyan, lupa ay tanda ng maayos at magandang buhay. Makakamit lamang
ito kapag ang lahat ng pagod ay sinamahan ng pagtitipid.

3. Pagreretiro. Sa ating pagtanda ay kailangan din nating magtipid. Mahalaga
na may makukuhaan tayo sapagkat pagdating ng panahon na hindi na natin
kayang magtrabaho at kumilos pa ay siguradong mayroon tayong
kasiguruhan na magagastos balang araw

37


Gawain 1: Comic Strip
Panuto: Pag-aralan ang mga comic strip sa ibaba. Isulat ang inyong mga posibleng
sagot sa speech balloon. Matapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa
kuwaderno o sa isang malinis na papel.
Si Albert ay isang masipag na bata. Ginagawa niya ang lahat ng mga gawain sa
paaralan at gawaing bahay. Ganun din ang kaniyang ate na si Nena. Ngayong araw
ay nauna na natapos si Nena sa lahat ng gawain ngunit si Albert ay hindi pa
sapagkat mayroon pa siyang proyekto na kailangang tapusin at ipapasa
kinabukasan. Hindi pa din niya nagagawa ang iniuutos sa kanya ng kaniyang
Inay.








Marami pang gawain si Ana kaya nagmamadali siyang umuwi. Habang naglalakad
ay nakasalubong niya ang ilang kamag-aral at inaya siya ng mga ito na maglaro.
Kailangan pa niyang tapusin ang kaniyang mga takdang-aralin at mag-aral para
sa kanilang pagsusulit.










Ate, pwede bang
ikaw na muna sa
ngayon ang
gumawa ng aking
mga gawaing
bahay?

Tara Ana, sumama ka
sa amin. Maglalaro
kami sa parke
mamayang hapon.

38
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Naging mahirap ba para sa iyo ang pagsagot sa mga sitwasyon?
Pangatuwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


2. Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
pamamahala sa naimpok sa buhay ng tao? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


3. Paano ito makatutulong sa tao at sa lipunan na kaniyang kinabibilangan?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


Gawain 2: Mga Katangian ni Lino
Panuto: Basahin ang maikling paglalarawan ng mga ginagawa ni Lino na
ikinatutuwa ng kaniyang magulang. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong sa ibaba.

Si Lino ay isang kahanga-hangang bata. Gumagawa
siya ng mga gawaing bahay kahit hindi na iutos ng
kaniyang magulang. Tumutulong din sa kaniyang
kapatid sa paggwa ng mga gawaing pang paaralan.
Bukod sa pagiging masipag ay matipid din siya sa
baon na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang nanay.
Madalas ay nagtatabi ito mula sa kaniyang baon at
ito ay iniipon. Minsan nga dumating ang kaarawan
ng kaniyang bunsong kapatid at binigyan niya ito ng
laruan bilang regalo. Tuwang -tuwa ang kaniyang kapatid. Lubos ding
nagpapasalamat ang kaniyang magulang sapagkat napakabuti ni Lino. Marunong
siya sa buhay kahit siya ay bata pa lamang. Tiyak ng kaniyang magulang na
magtatagumpay si Lino sa kaniyang pangarap sa buhay at makakapagtapos ng pag-
aaral sa taglay niyang mga katangian.

39
Pamprosesong Tanong:

1. Natuwa ka ba kay Lino? Anu -ano ang kaniyang ginagawa at taglay na
katangian upang makatulong sa kaniyang pamilya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


2. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa
trabaho?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


3. Bakit mahalaga na dapat taglayin ng isang tao ang kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok? Pangatuwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________






Gawain 1: Journal Writing
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa
journal.

Anu-ano ang konsepto at
kaalamang pumukaw sa
akin?
Ano ang aking
pagkaunawa
at reyalisasyon sa bawat
konsepto at kaalamang
ito?
Ano-anong hakbang ang
aking gagawin upang
mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong
ito sa aking buhay?
Halimbawa:
Ang kaipapagan
Ang kasipagan ay
tumutulong sa isang tao
Gagawin ko ang mga
Gawain sap ag-aaral at
tutulungan ko ang aking

40
ay kailangan sa pag-angat
sa buhay.
upang mapaunlad niya
ang kaniyang pagkatao.
magulang sa gawaing
bahay.
Ikaw naman…….





















Gawain 2: Chart (Gawain sa Araw-araw)
Panuto: Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw -araw at
kung ito ay natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang
kung paano mo ito isasagawa.

Mga Gawain sa
Araw-araw
Nagawa
ng may
kasipagan
Hindi
nagawa
ng may
kasipagan

Nagawa ng
may
pagpupunyagi
Hindi nagawa
ng may
pagpupunyagi
Halimbawa:
Lunes (Gumising ng
maaga para
matulungan si
nanay sa
paghahanda ng
almusal.)

Martes




Miyerkules

41


Huwebes




Biyernes




Sabado




Linggo

42


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka -
angkop na sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang PINAKAMALALIM na dahilan bakit
kailangan ng mga batas sa isang lipunan?

A. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
B. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
C. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos upang
magkaroon ng kabutihang panlahat.
D. Upang masiguro na walang krimen sa lipunan.

2. Ang katarungang panlipunan ay:

A. Ideyal lamang at hindi nangyayari talaga.
B. Ukol sa parehong komunidad at sarili.
C. Pinatutupad ng pamahalaan.
D. Dapat ibigay sa bawat isa.

3. Nakita mong nagpapalitan ng sagot sa pagsusulit ang iyong mga
kamag-aral. Hindi ito napansin ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?

A. Isuplong ang nasaksihang pangyayari sa iyong guro.
B. Pagsabihan ang mga kamag -aral na huwag ng ulitin muli ang
ginawa.
C. Sitahin ang mga kamag-aral at sabihing nakita mo ang kanilang
ginawa.
D. Hayaan na lamang sapagkat mas mataas naman ang nakuha mong
marka kesa sa kanila.

4. Si Arnel ay sadyang masipag, lahat ng kanyang gawain ay hindi niya
minamadali. Sinisiguro niya na magiging pulido ang kalalabasan nito,
hindi niya pinagpapabukas ang mga kaya niyang matapos sa araw na
iyon. Naipakita ba ni Arnel ang kagalingan niya sa paggawa at
napamahalaan ng maayos ang oras?

A. Hindi, dahil kung ito ay minadali niya mas, marami pa siyang
magagawang ibang bagay.
B. Hindi, dahil kung nagawa na ang isang ba gay kahit hindi
masyadong maayos ay pwede na rin naman iyon.

43
C. Oo, dahil hindi niya minadali ngunit natapos niya ang kanyang
gawain sa takdang oras ng pulido at buong husay.
D. Oo, dahil madali niyang makukuha ang kabayaran sa kanyang
ginawa

5. Alin sa mga sumusunod ang tumpak na kahulugan ng SMART na
siyang epektibong paraan sa pagtatakda ng tunguhin sa Paggawa?

A. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-realistic, T-time-bounded
B. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-reliable, T-time-bounded
C. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-realistic, T-time on task
D. S-specific, M-measurable, A-artistic, R-realistic, T-time-bounded

6. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kagalingan sa paggawa
at pamamahala sa paggamit ng oras?

A. Si Ara na nagsisikap na makadalo sa online class at sinasagutan
ang lahat ng mga gawain sa modyul nang may pag -unawa, at
pinapasa sa takdang oras ng pasahan
B. Si Lhean ay palaging nakakadalo sa kanilang online class ngunit
minsan ay hindi nagsasagot ng mga gawain sa kanyang Modyul
C. Si Mabel na palaging dumadalo sa mga online class, sinasagutan
ang lahat ng mga gawain sa Modyul at ipinapasa ito kung kailan
matapos at gustong ipasa.
D. Si Andrew ay palaging nagsasagot ng lahat ng mga gawain sa
modyul at nagpapasa kung kailan niya matapos at gustong ipasa.

7. Ang lahat ay kalahalagan ng prayoritisasyon, alin ang hindi kabilang?

A. Mahirap isa-isahin ang lahat ng dapat tapusin kaya gawin na
lamang ang kung anong gusto mong gawin.
B. Dahil dito mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at
matutupad mo ang iyong tunguhin.
C. Dahil dito, matatapos mo kung ano ang kailangan gawin at tapusin
sa takdang oras.
D. Maiiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng iyong eskedyul at magiging
maayos ang gawain sa takdang oras nito.

44
8. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad n iya ang
kaniyang pagkatao. Alin sa mga sumusunod ang hindi palatandaan ng
taong nagtataglay ng kasipagan?

A. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
B. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
C. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
D. Gumagawa ng trabaho na nakaatas lam ang sa kaniya.

9. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang mithiin o layunin sa
buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

A. Kasipagan
B. Pagsisikap
C. Katatagan
D. Pagpupunyagi

10. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod
na pangugusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:

A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

45










Subukin

1.A
2.A
3.D
4.D
5.A
6.D
7.B
8.B
9.D
10.C

Tayahin

1.C
2.B
3.A
4.C
5.A
6.A
7.A
8.D
9.D
10.D

46
Sanggunian

Brisuela, Mary Jean B. et.al (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao
– Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral 9, pp. 167-174

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 2: Paglabag ng
Katarungang Panlipunan. DepEd Region IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang; Modyul para sa Mag-
aaral, Unang Edisyon 2015. Kagawaran ng Edukasyon, FEP Printing
Corporation. pah. 168-177

Sheryl T. Gayola, et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang.
Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City, Deped-IMCS,pp. 147-161, 178-
197

Mula sa Internet:

Chapter 4: Social Justice. Retrieved from
https://ncert.nic.in/textbook/pdf/keps104.pdf
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Trabaho,
https://www.questions.org/tagalog/bibliya-trabaho.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas
Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound
M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: [email protected]
Tags