ikatlong yugto araling panlipunan10 ppt

neilgonosoqt22 6 views 27 slides Sep 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 27
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27

About This Presentation

sa ap module 5 quarter 1


Slide Content

Magandang hapon !

Balik-aral Anong ahensya ang nagbibigay babala sa pagdating ng mga bagyo ? Anong uri ng kalamidad pagtaas ng tubig sa mga ilog , sapa , lawa , at iba pang anyong-tubig ? Anong ahensya ang nagbibigay babala para sa aktibidad ng bulkan , lindol at tsunami?

4. Ano ang nilalabas para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon , lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo ? 5. Ano ang signal warning ng 61-120 kph na lakas ng hangin ? Balik-aral

Balikan

Tuklasin

Pamprosesong Tanong Alin sa mga salitang nabuo ang pamilyar sa iyo ? Ano ang kasing-kahulugan ng mga ito sa wikang Filipino? Kaya mo bang bigyan ng kahulugan ang mga ito ?

Disaster Response Modyul 7

Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ay inaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad . Ang impormasyong makukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang komunidad .

Tatlong Pagtataya Ang Yugto Ng Disaster Response

1. Needs Assessment - inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain , tirahan , damit , gamot at iba pang kagamitan .

Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mga nasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan . Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad .

2. Damage Assessment - inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad . Inaalam rito kung may nasirang mga tulay , kalsada at maging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan .

Mahalaga ito upang malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang manumbalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad .

3. Loss Assessment - inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ng tubig , kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan . Inaalam rin dito kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sa pagkain at gamot .

Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga kinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik agad upang magamit ng mga tao .

Sa tatlong assessment na ito , maituturing na magkaugnay ang damage assessment at loss assessment. Ang mga bagay na nawawala (loss) ay dulot ng mga bagay na nasisira (damage). Halimbawa , kapag nasira ang mga ospital ay maaapektuhan nito ang serbisyo na ibinibigay sa mga taong maysakit . Gayundin sa mga paaralan , kung saan , natitigil ang pasok ng mga mag- aaral dahil sa mga hindi magamit na pasilidad . Isa pang halimbawa nito ang pagkasira ng mga tulay at kalsada na nagpapatigil sa tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyan . Ang pagkasira naman ng mga taniman at hayupan ay nagdudulot pagkahinto ng produksyon ng mga pagkain .

Kaya naman mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya na pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan na may kaugnayan sa paggawa ng DRRM Plan. Ang mga naisagawang paghahanda sa Una at Ikalawang Yugto nito ay dapat magamit at maisagawa sa Ikatlong Yugto .

Mayroon kasing mga pagkakataon na naisasawalang bahala ang mga naiplano sa mga naunang yugto kapag tumama na ang kalamidad sa isang lugar dahil sa kawalan ng maayos na komunikasyon at koordinasyon sa mga sektor na tumutugon sa kalamidad . Nararapat ring isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isang tumutugon sa gitna ng mga kalamidad . Dapat siguruhing may sapat na kakayahan at pagsasanay ang mga taong kabilang sa mga tutugon sa mga kalamidad na darating .

Ilustrasyon ng koordinasyon mula sa nasyunal na pamahalaan hanggang sa lokal na pamahalaan .

Sa kabuuan , mahalagang maisagawa ang mga assessment sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan upang makatugon nang maayos ang mga taong nakatalaga para rito . Matutukoy ng mga assessment na ito kung ano-ano ang pangangailangan ng mga tao , ano-anong gusali at imprastruktura ang dapat maisaayos upang manumbalik ang mga serbisyo at produksiyon na kailangan ng mga mamamayang umaasa lamang dito para mabuhay.

Ang maayos na pagtugon sa mga kalamidad na dumarating sa isang lugar ay makapagpapadali sa pagbangon at panunumbalik sa normal na daloy ng buhay ng mga tao .

Narito ang isang halimbawa ng disaster monitoring form halaw mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito ay inaalam ang mga impormasyon ukol sa naganap na sakuna gaya ng lokasyon , bilang ng mga sugatan o namatay , mga nasirang imprastruktura at marami pang iba . Sa pamamagitan nito ay makikita ng mga tutugon sa kalamidad kung ano ang kanilang aasahan at kung paano nila tutugunan ang kalamidad na naranasan sa isang lugar .

Katapusan Salamat sa Pakikinig !
Tags