Mga gamit ng wika sa lipunan base sa talakayan ng ika-11 na baitang.
Size: 803.96 KB
Language: none
Added: Sep 15, 2025
Slides: 33 pages
Slide Content
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Para sa Kapakinabangang Pansarili 1. Instrumental 2. Interaksyonal 3. Personal SESYON 3 Mary Ann C. Macaranas PSU Bayambang
Pangkatang Gawain: JIGSAW PUZZLE Kagamitan : cardboard o matigas na papel na kasukat ng bond paper at panyong pampiring Pamamaraan : Gupitin ang cardboard sa iba’t ibang hugis na katulad ng isang jigsaw puzzle Piringan ang isang kinatawan sa pangkat na siyang bubuo ng puzzle sa loob ng tatlong minuto Ang mga miyembro ay maaaring magbigay ng direksyon
Gabay sa Talakayan : Ano ang pakiramdam ng mga naglaro ? Naging madali ba o mahirap ang laro ? Nakatulong ba o nakalito ang mga direksyong sinasabi ng ilang mga miyembro ? Bakit ? Gaano kahalaga ang mga panuto o direksyong ibinibigay ng mga kasama sa grupo ?
Mga Gamit Ng Wika Ayon Kay Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K Halliday) Siya ay isang lingguwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino. Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at kilala sa daigdig.
Para sa Kapakinabangang Pansarili INSTRUMENTAL - Sa pamamagitan ng wika , naipapahayag ng isang tao ang kanyang pangangailangan . Maging ang isang sanggol na hindi pa man nakapagsasalita ay nakalilikha ng tunog ( iyak ) upang matawag ang pansin ng kanyang ina . Habang lumalaki ang isang bata , at habang nabubuo ang kanyang pagsasalita , lalong nagiging instrumental ang wika upang maipahayag niya ang kanyang kailangan
2. INTERAKSIYONAL -Ginagamit ang wika sa pakikipag-usap sa iba; sa pakikisalamuha sa ating mga kaibigan, kaklase, kamag-anak o maging kanino man. Sa makabagong teknolohiya, wika pa rin ang lunsaran ng ating komunikasyon. Kung may cellphone , nagpapadala tayo o tumatanggap ng text; kung may computer , nagpapadala tayo ng e-mail ; kung may webcam , nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng teknolohiya. Ginagamit natin ang wika sa paraang interaksyunal
3. PERSONAL -Mula pagkabata hanggang pagtanda, kailangan ng wika upang maipahayag ang sariling damdamin at mga iniisip. Halimbawa, kailangan ng isang binata na maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng matatamis na salitang iniuukol niya sa kanyang minamahal.
Pag-usapan Natin 1. Magbigay ng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa. A. Instrumental B. Interaksyunal C. Personal 2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ni Halliday na nalilinang ang wika ayon sa pangangailangan ng tao. 3. Ano-ano ang maaaring resulta sa sarili ng isang tao kung pigil ang pagpapahayag niya sa kanyang saloobin sa iba?
4. Magbigay ng iyong opinyon sa mga sumusunod na katanungan: A. Para sa iyo, kailan nagiging Tama ang Mali B. Kung sakaling bibigyan ka ng kaparusahan dahil sa iyong mga naging kasalanan, alin sa tatlo ang iyong pipiliin: maging bulag, pipi o bingi. C. Ano sa palagay mo ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ng tao? D. Kung babalik ang oras, anong sitwasyong ang iyong babalikan at babaguhin/ Bakit?
E. Ano ang sukatan ng pagiging best teacher? F. Hanggang saan ang hangganan ng pagpapasensya? Magbigay ng isang sitwasyon sa klasrum G. Kailan nagiging sapat ang pagmamahal? H. Lihim na pagtingin sa isang kaibigan: Kailangang aminin o hindi? I. Paano nga ba magmove-on sa taong hindi naman naging kayo? J. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, Ano ang mas gusto mo, balikan ang nakaraan o tingnan ang hinaharap?
K. Paano mo maiwawaksi ang kasamaan kung ikaw ay makasalanan? L. Bakit kailangan pang mabuhay ng tao kung sa huli ay mamamatay din siya? M. Paano mo haharapin ang takot kung mahina ang iyong loob? N. Bakit kailangang laging may magsakripisyo o may isakripisyo ba matamasa ang hinahangad? O. Bakit may mga taong nagpapakatanga? P. Alin ang mas malaman, bag ni Dora o bulsa ni Doremon? Q. Kung ang bakla ay nagka-amnesia, bakla pa rin ba ito?
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Para sa Kapakinabangang Panlipunan 4. Regulatoryo 5. Heuristiko 6. Representatibo SESYON 4 Mary Ann C. Macaranas PSU Bayambang
Gusto Ko! I-arte Mo! Pamamaraan : Isusulat ng guro sa bond paper ang aksyong nais niyang ipagawa sa isang mag- aaral . Itutupi ang papel sa hugis ng isang eroplano . Paliliparin ang papel sa loob ng klasrum . Kung sino ang malapagan nito ang siyang magsasagawa ng aksiyong isinulat ng guro ? Matapos maisagawa ng naturang mag- aaral ang aksiyon , siya naman ang susulat sa papel at paliliparin para maipagawa ang iba namang aksiyon sa iba . Uulitin ang laro nang makailang ulit .
Gabay sa Talakayan : Naging maayos ba ang direksyong ibinigay ng guro ? Madali ba itong naintindihan ng mga mag- aaral ? Sapat ba ang pagpapaalalang naibigay upang hindi maging magulo ang klase ? Paano nagamit nang maayos ang wika upang maiparating sa mga kamag-aral ang nararapat nilang gawin ?
Para sa Kapakinabangang Panlipunan 4. REGULATORYO -Isa sa mga gamit ng wika ang alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control ). Maaaring kasangkot ang sarili o ang iba.
O kaya naman, masasabing regulatoryo ang gamit ng Student’s Handbook kung saan nagsasaad ang mga bagay na dapat gawin o di-maaaring gawin ng mga mag-aaral Regulatoryo rin ang gamit ng mga batas, ordinansa, at mga kautusang ipinatutupad ng pamahalaan upang maging maayos at tahimik ang komunidad at ang bansa.
Para sa Kapakinabangang Panlipunan 5. HEURISTIKO -Heuristiko ang gamit ng wika sapagkat ginagamit ito para sa pagkatuto at pag-unawa. Ginagamit ang wika upang malaman ang maraming bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, ng konklusyon ang pangangatwiran, ng mga bagong tuklas sa pagsubok sa hypothesis at marami pang iba. Wika rin ang ginagamit upnag makapagtamo ng pormal na edukasyon.
Para sa Kapakinabangang Panlipunan 6. REPRESENTATIBO -Ginagamit ang wika upang magparating ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga pangyayari, maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag, at iba pa. Sa gamit na ito ng wika, makikitang may pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng impormasyon o kaalaman at may tumatanggap. Ang wika ang representatibo ng kaalaman o impormasyong inihahatid ng iba
Pag-usapan Natin 1. Magbigay ng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa. A. Regulatoryo B. Heuristiko C. Representatibo 2. Bakit kailangan ng mga tao ang mabisang komunikasyon sa pamamagitan ng wika?
PANGKATANG GAWAIN UNANG GRUPO: Pagpapaliwanag sa Ilustrasyon WIKA TAO LIPUNAN Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang interpretasyon sa unang ilustrasyon? Ikalawang ilustrasyon? 2. Paano nakatutulong ang wika sa tao at sa lipunan?
Pangalawang Grupo: Lights! Camera! Action! Pumili ng dalawang gamit ng wika at isadula Pangatlong Grupo: Hugot Lines… Lumikha ng Hugot Lines at isa-isahin ang ginamit na wika sa lipunan
Ikaapat na Grupo Hindi magiging mahusay na mahusay ang mag- aaral kung hindi mahusay ang modelo – ang mga guro .” Ito ang opinyon ni Ruth Elynia - Mabanglo noong Agosto 2015, Kongresong Pagpaplanong Pangwika . Gamit o tungkulin ng wika :________________ Kahulugan at Paliwanag :_________________
Maikling Pagsusulit Panuto : Tukuyin ang tungkulin ng wika sa mga sumusunod na sitwasyon . 1. Aktibong nakikipagtalakayan ang mga mag- aaral habang ipinapaliwanag ng guro ang aralin tungkol sa tungkulin ng wika . 2. Nagreklamo ang mga kabataan dahil nagkaroon ng ordinansang nagbabawal sa paglalaro nila ng “computer games” sa oras ng pasukan . 3. Ibinahagi ng mga guro ang resulta ng isinagawang pag-aaral tungkol sa sanhi ng kahinaan ng mga mag- aaral sap ag-unawa sa mga binabasang akda .
4. Lumikha si Jake ng awiting kundiman para sa kanyang kasintahan. 5. Nagsaliksik ang mga manggagamot ng mga paraan kung paano malulunasan ang mga malalalang sakit tulad ng kanser.. 6. Inutusan ng guro ang mga mag-aaral na ibalik sa kantina ang kanilang mga pinagkainan. 7. Inanyayahan ng binata ang dalagang sinisinta na dumalo sa pagdiriwan ng kanyang kaarawan .
8. Pinapaalalahanan ng magulang ang mga anak na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang magtagumpay sila sa buhay. 9. Binati ng taong-bayan ang nangangampanyang pangulo sa bansa. 10. Nagbigay-babala ang PAGASA tungkol sa paparating na napalakas na bagyo.
7. IMAHINATIBO Ang gamit ng wika kung ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kaniyang imahinasyon. Ginagamit ang wika upang makabuo ng malikhaing pagsulat o maipakita ang pagiging malikhain. Halimbawa: Paggamit nito sa pagsulat o pagbigkas ng akdang pampanitikan.
INSTRUMENTAL *pakikiusap *pagmumungkahi *panghihikayat *pag-uutos *pagpilit -Patawarin mo ako. -Gusto kong mahalin mo ako.
REGULATORYO/REGULATORI *pag-alalay sa kilos/gawi ng iba *pagtatakda ng tuntunin o alituntunin -Huwag tumawid, nakamamatay. -Huwag mandaya lalong-lalo na sa oras ng pagsusulit.
REPRESENTATIBO/IMPORMATIBO *paghahatid ng mensahe *pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay *paglalahad *pag-uulat ng mga pangyayari -Ang salitang lengguwahe o lengwahe ay mula sa salitang lingua ng Latin na nangangahulugang dila.
INTERAKSIYONAL *pagbati *pagpapaalam *pagtanggap *pagbibiro *paghihiwalay *panunudyo *pag-anyaya -Magandang umaga -Kumusta ka? -Maaari ka bang imbitahan na dumalo sa aking kaarawan?
PERSONAL *paghanga *pagkatuwa *pagkayamot *kasiyahan *pagkainip *padamdam *pagkagalit *pagmumura -Palaban ako at hindi paapi. -Talagang nakagagalit ang mga taong hindi marunong gumalang sa kanilang kapuwa.
HEURISTIKO *pagtatanong *pagpuna *pangangatuwiran *pagsusuri *pagbibigay-konklusyon *pagsang-ayon *paggawa ng hypothesis *di-pagsang-ayon -Bakit nagkaroon ng low tide? -Bakit may umaga at gabi?
IMAHINATIBO *paglalagay sa sarili sa isang katauhan na hindi totoo at dala lamang ng malikot na pag-iisip -Kung ikaw ay bibigyan ng super powers, ano kaya ito at bakit? -Kung ikaw ay tutubuan ng pakpak, saan mo balak pumunta?