KAISAHAN AT KASANAYAN SA PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Mag- balik - aral tayo … Ano ang pangungusap ? Ano - ano ang dalawang bahagi ng pangungusap ?
Ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa . Binubuo ito ng PAKSA/SIMUNO at PANAGURI PAKSA/SIMUNO- nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap . PANAGURI- Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa.
HALIMBAWA Ang mga frontiners ay handang magbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng bayan. Laging naghuhugas ng kamay si Martha.
Napapalawak pa ang pangungusap sa mga maliliit na bahagi nito . Sa tulong ng pagpapalawak ng paksa at panaguri , napagsasama at napag-uugnay ang mga ito sa dalawa o higit pang pangungusap .
Pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng Ingklitik Komplemento Pang- abay at iba pa. Napapalawak naman ang paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon pariralang lokatibo o panlunan pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari .
INGKLITIK Hindi pa naman . Hinihintay ko nga ang chat mo. Tulog ka na ba ? Bukas nga pala ay pupunta ako dyan . Magpapaturo lang ako sa Math. Mag- chat ka muna bago ka pumunta . Aalis kasi kami ni Mama. Sige . Magkita sana tayo bukas . Ayaw ko kasi bumagsak sa Math. Sa ating mga pahayag , may mga ginagamit tayong katagang nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa ating sinasabi . Pansinin ang kahulugan ng mga pahayag na may mga salitang sinalungguhitan sa usapan . Tulog ka na ba ? Hindi pa naman . Bukas nga pala . Magpapaturo lang ako . Mag- chat ka muna . Aalis kasi kami ni Mama. Magkita sana tayo bukas . Ayaw ko kasi bumagsak .
Pansinin natin ang pangungusap : Aalis siya . Aalis pala siya . Aalis na siya . Aalis na nga siya . Aalis yata siya . Aalis kasi siya . Aalis sana siya . May nabago ba sa kahulugan ng pangungusap ? Pare- parehas ba ang pakahulugan ng bawat pangungusap ?
Ang mga ingklitik ay maiikling katagang walang kahulugan sa kanilang sarili subalit nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap . Mga Halimbawa ng Ingklitik man naman kaya kasi yata sana tuloy nang ba pa muna pala na daw /raw din/ rin l amang / lang
PAGSASANAY: Ibigay ang angkop na INGKLITIK na bubuo sa pangungusap . Ikaw _____ ang dumating ? Umalis na _____ siya at may gagawin pa ako . Darating _____ mamaya ang bisita . Nagmamadali ______ siya’t nalimutan niyang kumain . Dumating naman _____ siya ? Umalis _____ siya dahil nainip sa paghihintay sa’yo . Kumain _____ sila bago umalis . Hindi ka _____ tumawag bago pumarito . Naglalaba _____ siya hanggang ngayon . Pupunta _____ raw sya ngayon .
KOMPLEMENTO/ KAGANAPAN bahagi ng panaguri na nagbibigay ng ganap na kahulugan ng pandiwa ito ay nakapokus sa ugnayan ng panaguri at pandiwa sa isang pangungusap
Sinang - ayunan ang panawagan ng mga kababayan . Sinang - ayunan ni Barrack Obama ang panawagan ng mga kababayan . (TAGAGANAP) KAGANAPANG TAGAGANAP Ito ang bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos ng pandiwa . (Ang gumaganap sa pandiwa ay si Barrack Obama)
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan . Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima ng sunog . (TAGATANGGAP) KAGANAPANG TAGATANGGAP Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa ( Ang para sa mga biktima ng sunog ay nagsasaad na ito ang tumatanggap sa kilos na nagbigay )
Nagtalumpati ang pangulo . Nagtalumpati ang pangulo sa Malaca ñang. (GANAPAN) KAGANAPANG GANAPAN Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa ( Ang pariralang sa Malacañang ay nagpapahayag kung saan ginanap ang kilos na nagtalumpati )
Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng lapis . (KAGAMITAN) KAGANAPANG KAGAMITAN Nagsasaad ang bahaging ito ng panaguri ng bagay na ginamit o ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ( Ang pariralang sa pamamagitan ng lapis ang ginamit na bagay upang maisagawa ang pandiwang iginuhit ))
Nagtagumpay siya sa buhay . Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan . (SANHI) KAGANAPANG SANHI Ang bahaging ito ng panaguri ay nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos ng pandiwa . ( Ang sanhi ng pandiwang nagtagumpay ay dahil sa kanyang kasipagan )