Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipi.pptx

MaryGraceMTero 4 views 20 slides Sep 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Grade 11 Komunikasyon at Pananaliksik


Slide Content

BB. MARY GRACE M. TERO Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Linggwistiko

Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang; natutukoy ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at kakayahang lingguwistiko natutukoy ang mgga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto, mula sa mga pahayag ng kilalang personalidad at nagagamit sa makabuluhang pangungusap ang mga terminong ginagamit sa pag-aaral ng wika.

Ano ang masasabi niyo sa mga larawan sa ibaba? Paano ninyo mailalarawan ang kakayahan ng paggamit ng wika batay sa mga larawang ito?

Sa pagkatutong pangwika hindi natatapos sa aralin sa gramatika ang pagkatuto ng isang indibidwal. Ang pagiging angkop sa iba’t ibang sitwasyon, paghahatid ng tamangkomunikasyon at unawaan sa pag-uusap ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika. Madalas nasusubukan ang husay sa paggamit ng wika sa akademiko.

Ang mga mag-aaral ay nakapagbahagi ng kanilang kaalaman sa pagtatalumpati, pag-uulat, pagsusulat, iba’t ibang uri ng diskurso at maging ng pananaliksik. Ayon kay Varpe (2015), sa pag-aaral ng wika may dalawang dapat bigyan ng pansin- ang komunikatibo at lingguwistiko .

Ang kakayahang komunikatibo o communicative competence ay nangangahulugan abilidad ng tao s angkop na pagpapahayag batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal. Ang kakayahang lingguwistiko o linguistic competence ay wastong paglalapat sa mga tuntuning pangwika o gramatika.

Hindi lang dapat na magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang epektibong makipagtalastasan ang isang tao bagkus batid niya ang paraan ng paggamit ng wika upang matugunan at maisagawa na naaayon sa kaniyang layunin (Hymes, 1966). Sa pag-aaral nina Canale at Swain (1983), may apat na komprehensibong sangkap o komponent ang kakayahang komunikatibo: ang kakayahang gramatikal , sosyolingguwistiko , estratedyik at diskorsal .

Bigyang-pansin natin ang aspekto ng gramatikal. Tuon ang kakayahang gramatikal, ito pang-unawa at kasanayan sa ponolohiya o pinakamaliit na yunit ng tunog; morpolohiya o yunit ng salita; sintaks o pangungusap; semantika o agham ng lingguwistiko na nag-aaral ng kahulugan ng mga salita at expression; at tuntuning pang-ortograpiya o ispeling (Canale at Swain, 1983). Sa pag-aaral nina Celce-Murcia, Dornyei, at Thurrell (1995), inilahad nito ang mungkahing komponent ng kakayahang lingguwistiko o kakayahang gramatikal:

Sintaks (mga salitang pinagsama-sama upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan) Pagkakabuo ng pangungusap Wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita Uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian Pagpapalawak ng pangungusap

Morpolohiya (pagbuo ng mga salita) Mga bahagi ng pananalita Prosesong derivational at inflectional Pagbuo ng mga salita

Leksikon (bokabolaryo ng wika) Pagkilala sa content words (pangalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay) Pagkilala sa function words (panghalip, pangatnig, pang-ukol at pang-angkop) Konotasyon at denotasyon Kolokasyon

Ponolohiya (pinakamaliit na yunit ng tunog) Segmental (katinig, patinig, tunog) Suprasegmental (tono, haba, diin at antala)

Ortograpiya (Baybay o ispeling) Grafema (titik at di titik) Pantig at palapantigan Alituntunin sa pagbabaybay Tuldik Mga bantas

Bahaging ng mahusay na pakikipagtalastasan ang pagpapabuti ng kasanayang komunikatibo at lingguwistiko ng isang tao. Ang pagkautal o pagkabulol ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati o nag-uulat sa harap ng klase ay hindi masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Posibleng ito ay dulot ng kaniyang kaba na maituturing na hadlang sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal. Samantala dapat sanayin ng isang tao ang kaniyang kakayahang komunikatibo upang matugunan ang mga hadlang na ito na nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa at aksiyon.

Pansinin ang ilang mga salitang karaniwang maling nagagamit sa pagsasalita o pagsusulat. 1. Ng at Nang Nang- pangatnig na panghugnayan Halimbawa: Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. Ng - Nagsasaad ng pagmamay-ari. Halimbawa: Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

2. May at Mayroon May -gagamitin lamang kapag ang susundang salita ay pangngalan, pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: May naglalaro kanina sa likod ng bahay. Mayroon - gagamitin lamang kapag ang susundang salita ay kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan. Halimbawa: Mayroon siyang trangkaso.

3. Kapag at Kung Kung - ginagamit kung hindi tiyak ang isang kalagayan. Halimbawa: Hindi niya masabi kung Enero o Pebrero ang pag- uwi niya sa Tacloban. Kapag- ginagamit kung tiyak o sigurado ang isang kalagayan. Halimbawa: Umuuwi siya ng probinsiya kapag araw ng Pasko.

4. Bitiwan at Bitawan Bitiwan - nangangahulugang pagkahulog, pag-alis o pagkawala sa pagkakahawak. Halimbawa: Bitiwan mo ang kamay mo ko kung hindi ay sisigaw ako! Bitaw - salitang ginagamit sa tupada o pagsasabong ng manok. Halimbawa: Nanalo si Nelson sa sabong kanina dahil maganda ang bitaw ng manok sa simula.

5. Raw at daw , Din at rin Ang raw, rito, rin, roon at rine - ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u) o malapatinig (w.y) Halimbawa: Ikaw pa rin ang pipiliin. Lumakad ka na raw. Ang daw, dito, din, doon at dine - ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w. Halimbawa: Nabagsakan din si Junie ng bato.

Maraming Salamat
Tags