IVY E. BROSOTO T-II/DALSC/ALS TEACHER LEARNING STRAND 4 - LIFE AND CAREER SKILLS KALIGTASAN SA LUGAR NG TRABAHO
Kilalanin ang kahalagahan ng lugar ng trabaho; MGA LAYUNIN: Suriin ang iba’t-ibang sitwasyon upang matukoy anf panganib sa lugar ng trabaho; at Maisagawa ang mga kaalaman natamo o natutuhan upang mapaun lad ang paggawa para magkaroon ng produktibo at mga makabuluhang resulta sa iyong trabaho. (LS4LC-PE-PSC-AE/JHS-12
Ang lugar na iyong trabaho ay tumutukor sa pagbibigay ng mga pagsisikap at hakbang upang mapabuti ang kalidad ng trabaho, kapaligiran, at karanasan ng mga empleyado. Ito ay naglalayong palakasin ang mga aspeto tulad ng komunikasyon, kahusayan, kasiyahan sa trabaho, at pag-unlad ng mga tao sa loob ng organisasyon. Ang ligtas na lugar ng trabaho ay naglalayong mapanitiling protektado at walang panganib ang mga empleyado sa kanilang trabaho. Ito ay nakakapagbigay ng kapanatagan sa mga indibidwal at nagpapabuti sa kabuuang produktibidad at kasiyahan sa trabaho.
MGA PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT (PPE)
ito ay ginagamit upang proteksyunan ang ating ulo. Ginagamit ito ng mga inhenyero, trabahador sa konstraksyon, at mga nagmimina. HARDCAP OR HELMET
Ginagamit ito upng proteksyunan ang ating mga tainga sa masyadong malakas na ingay tulad ng ingay ng construction , makinarya at iba pa. HEADPHONES
Ito ay ginagamit upang proteksyunan ang ating mga mata. Ito ay isinusuot ng mga doktor, welders, at iba pa. SAFETY GOGGLES
Ginagamit itong proteksyon sa pag pigil sa paglaganap ng sakit at iba’t-ibang uri ng proteksyon sa paghinga at iniiwasan rin nito ang paglanghap ng mga toxic na maaaring makukuha sa lugar ng trabaho. FACEMASK OR DUST MASK
Ito ay ginagamit upang proteksyunan ang ating mga kamay upang maiwasan ang mga mikrobyo at matutulis na bagay GLOVES
Ito ay isinusuot ng mga traffic enforcer, construction crew at ng mga emergency personnel. Ang gamit na ito ay dinesenyo upang makatawag pansin upang maiwasan ang mga aksidente. SAFETY VEST
Ito ay sapatos na ginagamit upang proteksyunan ang ating mga paa. Ito ay sinusuot gaya ng magsasaka, hardenero at iba pa. BOTA O BOOTS
Sa pamamagitan ng kasuotan pang kaligtasan maisasalba nito ang ating buhay sa peligrong dulot ng ating trabaho. nagsasabing, “Dapat maipatupad sa lahat ng mga lugar ng paggawa ang mga pamantayan sa ligtas at maayos na lugar ng paggawa ” . Masasabi nating may pananagutan ang may ari ng pagawaan sapagkat nararapat na ito ay panatilihing ligtas at alam ang mga pangangailangan. Maliban sa ahensya, sumagot sa kanyang pagpapagamot, maaari din siyang makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Employee’s Compensation Program ng Department of Labor and Employment. Artikulo 162 ng Batas sa Paggawa o Labor Code
MGA DAPAT ALAMIN TUNGKOL SA KALUSUGAN AT KALIGTASAN SA LUGAR NG TRABAHO Makipag-ugnayan sa inyong employer, supervisor, o pinag tatrabauhan hinggil sa mga allahanin sa kalusugan at kaligtasan. Suriin ang mga ginagamit sa trabaho. Ipaalam at ayusin ang mga maaari gamitin kagamitan na pwede pa. Palitan ang mga kasangkapan kung hindi na makumpuni ang sira.
MGA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA Karapatan ng mga manggagawa na malaman ang mga peligro sa lugar na pinagtatrabauhan at ano ang gagawin tungkol sa mga ito. May karapatan silang makilahok sa paglutas ng mga problema sa kalusugan at kaligtasan sa lugar na pinagtatrabauhan. Pwede nilang tanggihan ang trabahong sa palagay nila ay hindi ligtas .
MGA DAPAT GAWIN NG MGA MANGGAGAWA Kailangan nilang sumunod sa batas at sa mga patakaran at pamamaraan sa kalusugan at kaligtasan sa lugar na pingtatrabauhan. Dapat silang magsuot at gumamit ng pamprotektang kagamitang hinihiling ng kanilangaaa aemployer. Importanteng magtrabaho at kumilos ng maingat para hindi masasaktan ang kanilang sarili o sino pa man.
MGA DAPAT GAWIN NG MGA MANGGAGAWA Basahin at sundin ang mga alintuntunin kung gumagamit ng mga kemikal at nakakalasong bagay. Maging handa sa pagbigay ng paunang lunas.
MGA PAALALA NA MAKAKATULONG SA IYO UPANG MAGING LIGTAS SA TRABAHO Palaging mag suot ng kagamitan pangkaligtasan. Sundin lahat ng patakaran sa pagawaan. Huwag gumawa ng anumang kilos na mapanganib para sa sarili at sa kapwa, siguraduhing ligtas ang paligid bago gumawa ng hakbang. Tiyakin na ang mga kurdon ng kuryente o ano mang kable ay hindi nakaharang. Huwag tumalon paskay o pababa sa sasakyan na maaaring maging sanhi ng sakuna. Kapag maulan, magsuot ng bota o anumang sapin sa paa upang maiwasan ang pagkadulas.
MGA PAALALA NA MAKAKATULONG SA IYO UPANG MAGING LIGTAS SA TRABAHO Pag-aralang gumamit ng pamatay-sunog at ,mga kagamitan na makapagligtas sa sakuna. Kapag nagtrabaho kasama ang iba, tiyaking sundin ang mga babalang ibibigay sa iyo. Alamin kung saan ang labasan at ligtas na lugar sa oras ng kagipitan. Huwag mag panic. Linisin ang lahat ng kagamitan at ilagay sa kani-kanilang lalagyan upang mabilis itong makita. Siguraduhing nasa ayos ang lahat.
Ang mga paalaalang pangkaligtasan ay nagsisilbing mga simpleng babala. Itinuturo sa atin na dapat tayong maging handa at maingat upang maiwasang maganap ang anumang sakuna sa lugar ng paggawa. Ito ay tungkulin ng bawat isa. Ang pagsuot ng mga kagamitang pang proteksyon sa pag tatrabaho ay responsibilidad ng bawat manggagawa upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
TANDAAN! Upang masiguro ang kaligtasan sa lugar ng trabaho, dapat ipatupad ang mga pagsunod sa mga regulasyon at mga patakaran sa kaligtasan ng trabaho. Karaniwang pagsasagawa ng pagsasanay sa kaligtasan ng trabaho, tulad ng emergency response drills, pagkilala sa mga panganib, at tamang paggamit ng mga safety equipment. Pagtataguyod ng isang kultura ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga empleyado, pag-uulat ng mga potensyal na panganib, at pagbibigay ng mga kanais-nais na kundisyon sa trabaho.
TANDAAN! Karaniwan ng pagsusuri ng mga kahinaan at mga panganib sa lugar ng trabaho upang makapagbigay ng mga karampatang solusyon at pagpapabuti. Pagbibigay ng sapat na mga safety equipment at mga kagamitan sa mga empleyado, tulad ng Personal Protective equipment (PPE) at mga kasangkapang pangkaligtasan. PAgpapahalaga sa kapakanan ng mga empleyado at ang kanilang pisikal at emosyonal na kalusugan.