Katangian-ng-Pananaliksik, KAHALAGAHAN AT KATANGIAN NG PANANALIKSIK.pptx
KathlenePearlPascual
5 views
35 slides
Aug 27, 2025
Slide 1 of 35
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
About This Presentation
Katangian-ng-Pananaliksik
Size: 133.8 KB
Language: none
Added: Aug 27, 2025
Slides: 35 pages
Slide Content
KAHALAGAHAN AT KATANGIAN NG PANANALIKSIK Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Pagkakategorya (Categorization ) Sa pamamagitan ng pagkakategorya , napagsasama-sama ang mga bagay na magkakauri at ang mga bagay na hindi.
Halimbawa : Anu-anong bansa sa Asya ang may kakayahan na makipagsabayan sa kaunlaran ng mga taga-kanluran ?
2. Pagpapaliwanag (Explaining) Naipaliliwanag ng mas malinaw , makatotohanan , at may batayan ang isang pangyayari .
3. Prediksyon (Prediction) Ito ay tinatawag na hypotheses. Ito ay ang mga pahayag na mayroon pang kalabuan ngunit mabibigyang linaw sa pamamagitan ng mga masistemang pag-aaral .
Nagagamit din ang prediksyon upang higit na maging madali ang pagtukoy sa mga bagay na posibleng mangyari sa hinaharap .
4. Pagmamanipula (Control) - kung mauunawaan ng tao ang mga bagay na may kaugnayan sa isang pangyayari , maaari ng mamanipula ang mga posibilidad sapagkat ang isang pangyayari ay maaari ng paghandaan , iwasan , o di kaya nama’y lutasin sa pamamagitan ng Pananaliksik.
ANIM NA KATANGIAN NG PANANALIKSIK (Ayon kay Calmorin & Calmorin , 1995)
1. Empirikal Ang pangangalap ng mga datos ay nakasalalay sa praktikal na karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa tuwirang obserbasyon o karanasan ng mananaliksik .
2. Lohikal Ang isang Pananaliksik ay sumusunod sa metodong siyentipiko , mayroong proseso sa pangangalap ng mga datos upang mapagkatiwalaan ang magiging resulta ng Pananaliksik.
3. Siklikal o Umiinog Nagsisimula sa suliranin at nagtatapos din sa panibagong suliranin .
4. Mapanuri o Analitikal Kailangan ang masusing Pagsusuri sa Pananaliksik, simula pa laman sa pangangalap ng mga datos hanggang sa Pagsusuri ng mga ito.
5. Nauulit Maaaring ulitin ang Pananaliksik sa pareho o iba naming disenyo . Dito mapatutunayan ang validity o katibayan ng mga datos at konklusyon .
6. Kritikal Kinakailangan ang kritikal na Pagsusuri sa mga datos at hindi lamang basta tinatanggap ang nakakalap na mga impormasyon.
TATLONG PANGUNAHING DISIPLINA SA PANANALIKSIK A. Humanidades (Humanities) 1.Wika (Linguistics o Language) 2.Sosyolohiya (Sociology) 3.Panitikan (Literature) 4. Teolohiya (Theology)
5. Mga Pinong Sining (Fine Arts) 6.Arkitektura (Architecture ) 7. Teatro ( Theater ) 8. Sining (Arts, Literary, Visual) 9. Musika (Music)
B. Agham Panlipunan (Social Science) 1. Sosyal Oryentasyon (Social Orientation) 2 . Sosyolohiya (Sociology) 3 . Sikolohiya (Psychology)
4 .Paglilingkod Panlipunan ( Social Work) 5.Negosyo/ Pangangalakal ( Business and Trade) 6.Ekonomiks (Economics)
Pagsusulit Blg.2: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod : __________1. Ito ay sistematiko at maprosesong pangangalap ng impormasyon na sasagot sa suliranin ng isang paksa.
_________2. Ang katangiang ito ng Pananaliksik ay tumutukoy sa masusing Pagsusuri ng mga datos o impormasyon.
________3. Tumutukoy naman ang katangiang ito ng Pananaliksik sa hindi basta bastang pagtanggap ng mfa impormasyong nakakalap .
_________4. Ang katangiang ito ng Pananaliksik ay nagpapakita na ang batayan ng pag-aaral ay ang praktikal na karanasan at tuwirang obserbasyon ng isang mananaliksik .
________5. Ito ay ang katangian ng Pananaliksik na magpapatunay na ang pag-aaral na ginawa ay valid o may katotohanan .
__________6. Ipinapakita ng katangiang ito na ang isang Pananaliksik ay dapat na nagsisismula at nagtatapos sa isang suliranin .
__________7. Katangian ng Pananaliksik na nagsasaad na ang pag-aaral ay dapat na sumusunod sa metodong siyentipiko at maprosesong pangangalap ng datos .
________8. Tumutukoy ito sa kahalagahan ng Pananaliksik na nagpapakita na ang mga bagay ay maaaring maihanay sa kanyang kinabibilangan sa pamamagitan ng isang pag-aaral .
________9. Ang kahalagahang ito ay nagpapakita na ang suliranin o sitwasyon ay maaaring mapaghandaan , maiwasan , at masolusyonan , sa pamamagitan ng Pananaliksik.
_________10. Kahalagahan ng Pananaliksik na nagagamit upang mabatid ang mga posibleng mangyari sa hinaharap .
MGA SAGOT: Pananaliksik Mapanuri o Analitikal Kritikal Empirikal Nauulit