Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag na katitikan ng pulong . Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon . Maaaring gawin ng kalihim , typist, o reporter sa korte . Maaaring maikli at tuwiran o detalyado .
Kahalagahan ng katitikan Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong . Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong . Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon . Ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong . Ito’y batayan ng kagalingan ng idibidwal .
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod : - Paksa - Petsa - Oras - Pook na pagdarausan ng pulong - Mga taong dumalo at di dumalo - oras ng pagsisimula - oras ng pagtatapos ( sa bandang huli )
Mahalagang Ideya ! Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong . Kailangang pairalin ang talas ng pandinig , bilis ng pagsulat , at linaw ng pag-iisip .
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan
Bago ang Pulong Ihanda ang sarili bilang tagatala . Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat . ( Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong ). Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong , sino na ang mga dumating , at iba pa. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen , at papel , laptop, o tape recorder.
Habang nagpupulong Magpokus sa pang- unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon . Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito , hindi pagkatapos . Tandaan : hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong . Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong , hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok .
Pagkatapos ng pulong Repasuhin ang isinulat . Kung may mga bagay na hindi naiintindihan , lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo . Kapag tapos nang isulat ang katitikan , ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon . Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagprerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong . Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita , bantas , at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya . Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap .
Halimbawa ng katitikan ng pulong : Pangalan ng Organisasyon / Departamento / Institusyon : Brgy . Ansci , Baler, Aurora Petsa : July 19, 2017 Lugar ng Pulong : Silid-pulungan Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo 1 KGG. Anthony Dominic Sanchez 2 KGG. Mark Vincent Cabana 3 KGG. Elizar Valenzuela 4 KGG. Rendell Solano 5 KGG. Onille Paul Bernardino 6 KGG. Von Andrew Lopez 7 KGG. Zia Czarina Garcia
Daloy ng Usapan Panimula 1. Panalangin 2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan 3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT 4. Iba pa
PANIMULA: KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ: Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana. Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para na rin sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan. KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na Brgy . Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon . KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run upang makalihim ng pondo . Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon . Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise. KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon ? KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy . sari-sari store at ang tubo ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay. KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon ? KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan , maai tayong magpa -Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko . Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay. KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging sakanilang mga tatakbo
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon ? KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng suhestyon ? KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon . KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay , tayo po ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin . KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang nanalo . Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity. KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito ?
KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay , aking iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php. KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon ? KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro 500.00php ang kakailanganin natin. KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan . Maaari na sigurong 300.00php. KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration. KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:
Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo Tubig = 500php/jug Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy . Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito . Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao , mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity na ito . Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali . Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito .
ZIA CZARINA GARCIA ( lgd ) Kalihim ng barangay Pinapatunayang totoo : KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ ( lgd ) Punong Barangay Kgg . na taga-pangulo