Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx

MelodyRiate2 15,296 views 53 slides Apr 17, 2023
Slide 1
Slide 1 of 53
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53

About This Presentation

ARALING PANLIPUNAN KOLONYALISMO


Slide Content

Itala Mo, Sagot Mo! Panuto : Punan ang talahanayan at isulat sa pangalawang kolum ang kontribusyon ng Sinaunang Asyano habang sa pangatlong kolum naman ay ang kahalagahan nito . Gawin ito sa kalahating papel . Sinaunang Asyano Kontribusyon Kahalagahan Kanlurang Asya Timog Asya Silangang Asya

Letra Mo, Ipuno Mo! Panuto : Punan ang mga nawawalang letra sa loob ng kahon . Ibigay ang kahulugan nito at isulat ang mga kasagutan sa iyong kuwaderno .

Kolonyalismo at Imperyalismo

Kolonyalismo Isang uri ng pamamahala kung saan direktang nasa ilalim ng isang makapangyarihang bansa ang pamamahala sa isang mas maliit o mas mahinang bansa . Direkta nilang kontrol ang iba’t ibang aspekto ng pamamahala at pamumuhay ng mga tao kasama na ang paggamit ng mga likas na yaman sa sakop na lupain .

Imperyalismo Ito ay paghahangad ng mga makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan sa pamamagitan ng direkta o di- direktang pagsakop .

Pangkabuhayan - upang mapalawak ang industriya at kalakalan ng mananakop na bansa at matamasa ang hilaw na yaman ng nasakop na teritoryo

Panrelihiyon upang palaganapin ang paniniwala ng mga Europeo sa iisang Diyos (Ang Kristiyanismo ang naging bandila ng pananakop ng mga bansang Europeo ) na magbibigay daan para kontrolin ang isip at damdamin ng nasasakupang bayan.

Ang pagpapalawak ng kapangyarihan upang makapagtatag ng basemilitar at malawakang kolonya .

Ang tatlong G ay ang sumusunod : God ( panrelihiyon ) Gold ( pagpapaunlad ng ekonomiya ) Glory ( pagpapalawak ng kapangyarihan ).

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon noong Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya PETSA MGA MAHALAGANG PANGYAYARE 1295 Nailimbag ang aklat ni Marco Polo Ika-15 hanggang ika-17 dantaon Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya 1415 Nasakop ng Portugal ang mga Moro sa Hilagang Africa

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon noong Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya PETSA MGA MAHALAGANG PANGYAYARE 1498 Narating ni Vasco da Gama ang Calicut 1511 Sinakop ng Portugal ang Malacca 1521 Narating ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas 1600 Itinatag ang English East India Company

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon noong Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya PETSA MGA MAHALAGANG PANGYAYARE 1602 Itinatag ang United East India Company 1605 Sinakop ng Netherlands ang ilang bahagi ng Moluccas 1635 Sinakop ng Netherlands ang Formosa at Malacca 1664 Itinatag ang French East India Company

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon noong Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya PETSA MGA MAHALAGANG PANGYAYARE Ika-18 hanggang ika-19 dantaon Ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya 1824-1826 Unang Digmaang Anglo-Burmese 1826 Nilagdaan ang kasunduang Yandabo 1839-1842 Naganap ang Unang Digmaang Opyo

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahon noong Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya PETSA MGA MAHALAGANG PANGYAYARE 1842 Nilagdaan ang Kasunduang Nanking 1843 Nilagdaan ang Kasunduang Wanghsia 1854 Nilagdaan ang Kasunduang Kanagawa 1856-1860 Naganap ang Ikalawang Digmaang Opyo 1858 Nilagdaan ang Kasunduang Tientsin 1862 Nilagdaan ang Kasunduan sa Saigon 1895 Nabuo ang Federated Malay States

Mga Dahilan ng Kolonyalismo : Kayamanan , Relihiyon , at Katanyagan

Merkantilismo Ito ay ang paniniwala na ang yaman ng isang bansa ay nakabatay sa dami ng produktong metal, partikular ng ginto at pilak na taglay nito .

Merkantilismo ang prinsipyong pang- ekonomiya na umiral sa Europa noon kung saan naging batayan ng kapangyarihan ay ang paglikom ng maraming ginto at pilak . Isa rin itong sistema ng pamamahala upang itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado . Nagkaroon ng merkantilismo sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang mga adhikain .

Dahil sa kasiglahan ng kalakalan ay nag- isip ang mga mangangalakal na pagsama-samahin ang kanilang yaman at puhunan at magtatag ng kompanyang komersyal . Nakilala rin ang pandaigdig na pagbabangko . Nagkaroon ng tinatawag na Bookkeeper, ang tagapagsuri ng aklat de kwenta , pagpapautang sa kasosyo , at salaping-puhunan at prenda o kasulatan ng umutang o kaya nagpautang .

Krusada Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito .

Krusada Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusada , marami ding mabuting naidulot nito . Nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nila ang mga produkto ng Silangan tulad ng pampalasa , mamahaling bato , pabango , sedang tela , porselana , prutas , at iba pa na nakabighani sa mga Europeo .

Paglalakbay ni Marco Polo Isinulat ni Marco Polo sa kaniyang aklat na “The Travels of Marco Polo” ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga bansa sa Asya lalo na sa China. Mahalaga ang aklat na ito dahil nabatid ng mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng mga bansa sa Asya . Sinasabing ang aklat na ito rin ang isa sa gumising sa kuryosidad at imahinasyon ng mga Europeo na nag- udyok sa kanila upang makipagsapalaran sa mga bansa sa Asya .

Ang Pagbagsak ng Constantinople ( bahagi ng Turkey sa kasalukuyan ) Ang Constantinople ay isang bahaging teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa. Naputol ang ugnayan ng pangangalakal sa mga Europeo at mga Asyano nang dahil sa pagsakop ng Turkong Muslim sa ruta ng kalakalan . Dahil dito , napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo .

Ang Pagbagsak ng Constantinople ( bahagi ng Turkey sa kasalukuyan ) Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Lumakas ang mga Turkong Muslim at sinakop ang Jerusalem, habang nanganib ang Constantinople na kalaunan ay bumagsak din sa kamay ng mga mananakop . Kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi ang Jerusalem. Ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga mananakop na Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong Asya . Ang mga kalakal na nakukuha sa Asya ng mga Italyano ay dinadala sa kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain, Netherlands, England at France.

Napakahirap at mapanganib ang paglalayag dahil wala pang maunlad na gamit sa paglalakbay sa dagat . Noong ika-16 na siglo , naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat . Astrolabe - kung saan ginagamit upang malaman ang oras at latitud

Compass - ginagamit naman upang malaman ang direksiyon na pupuntahan.

Mga Pamamaraan ng Kolonyalismo : Direkta at Hindi Direkta

Ferdinand Magellan Isang Portuguese na naglayag sa Pilipinas .

Sinundan ang kaniyang paglalayag ng iba pang ekspedisyon hanggang sa pormal nitong sakupin ang Pilipinas . Noong 1565-1898.

PORTUGAL Mga daungan ang naging interes nila at kinontrol nito ang ilang baybayin-dagat sa rehiyon na pangunahing sentro ng kalakalan .

Sa pamamagitan naman ng pagbubuo ng kompanya ng mga namumuhunan na tinawag na United East India Company, sinakop ng Netherlands ang ilang bahagi ng Moluccas noong 1605.

Pagsapit ng 1635, nasakop nila ang Formosa at naagaw ang Malacca mula sa mga Portuguese.

Ang England naman ay nagtagumpay na makontrol ang India kung saan nakapagtatag sila ng mga pamayanang pangkalakalan particular sa Surat, Bombay, Madras, at Calcutta. Masasabing naisakatuparan ito ng England sa pamamagitan ng pagtatag ng English East India Company noong 1600 na nagbigay daan ng ugnayang pangkalakala sa India.

Sinundan ito ng France, na nagtatag din ng French East India Company noong 1664 at nakapagbukas din ng tanggapang komersiyal sa India.

Ang Open Door Policy ay isang termino o salita na unang ginamit na polisiya ng bansang Amerika noong ika-19 na siglo hanggang ika-20 siglo na pumapayag ang pamahalaan ng bawat bansa na makipagkalakalan sa ibang bansa . Sa ilalim ng polisiyang ito , walang pwede man ang humadlang sa pakikipagkalakalan ng bawat bansa .

Ang Open Door Policy ang nagbigay ng karapatan sa ibang bansa na makipagkalakal sa mga teritoryong nasa ilalim ng sphere of influence ng mga Europeo .

Ang Culture System Ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia. Sa ilalim nito , kailangan ilaan ng bawat magsasaka ang sanglimang saklaw ng kanilang bukid o 66 na araw ng pagtatanim para sa produksiyon ng mga tanim na iluluwas .

KASUNDUAN SA SAIGON France – Vietnam (1862)

Kasunduang Kanagawa Naisip ng mga Hapones na maaaring matulad sila sa China sa mga Digmaang Opyo . Pumayag sila at lumagda sa Treaty of Kanagawa Sa ilalim ng kasunduang ito , magbubukas ang Japan ng dalawang daungan . Ang Shimoda at Hakote at magpakita ng mabuting pakikitungo sa mga nasisiraan ng barko .