FeriFranchesca
90,081 views
30 slides
Jan 06, 2023
Slide 1 of 30
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
About This Presentation
ito dapat pag alamin dapat pag aralan
Size: 464.49 KB
Language: none
Added: Jan 06, 2023
Slides: 30 pages
Slide Content
ARALING PANLIPUNAN 10 MARK STEVEN S. YUSI Teacher
TANDAAN: Mga Alintuntunin sa Loob ng Silid-Aralan Pumasok sa takdang oras . Igalang ang mga guro at namumuno sa paaralan . Makinig sa guro habang nagsasalita . Makilahok sa oras ng talakayan . Magtiwala sa sarili .
HANDA KA NA BA?
ARALIN 1: KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Mga layunin : Sa pagtatapos ng talakayan , ang mag- aaral ay inaasahang : nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu ; Napahahalagahan ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ; at Nakapagbibigay ng sariling pahayag at paliwanag sa mga kontemporaryong isyu .
Ano nga ba ang Kontemporaryong Isyu ?
Ang salitang “ kontemporaryo ” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan . Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkakabagabag ng mga tao . Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan .
Ang salitang “ isyu ” naman ay mga pangyayari , suliranin , o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan .
Uri ng Kontemporaryong Isyu 1. Pag-uuring Estruktural 2. Pag-uuuring Teritoryal
1. Pag-uuring Estruktural - ito ay nahahati sa lima. Ito ay ang isyung pangkapaligiran , isyung pangkabuhayan , isyung pangkapangyarihan , isyung panlipunan , at isyung pangkalinangan . Isyung Pangkapaligiran - ito ay ang pakikipag-ugnay ng tao sa kalikasan . Halimbawa nito ay ang climate change , deforestation , labis-labis na populasyon , lumalalang polusyon , nagkalat na basura at pagkasaid at pagkawasak ng likas na yaman .
Isyung Pangkabuhayan - ito ay ang problema sa malawakang kahirapan , kawalan ng trabaho , globalisasyon at hindi patas na kalakalang pandaigdig , at pamamaraang taliwas sa likas-kayang pag-unlad .
Isyung Pangkapangyarihan o Politikal - ito ay usaping may kinalaman sa distribusyon ng kapangyarihan at sistema ng pamamahala lalo na ang mga kaugnay na mga awain at pag-aasal na politikal . Halimbawa nito ang suliranin sa dinastiyang politikal , pandaraya sa eleksiyon , karahasang eloktoral , katiwalian at korapsiyon , insureksiyong politikal , at krisis konstitusyonal .
Isyung Panlipunan - ito ay tumutukoy sa mga problema ng mga pangkat ng mga tao o sektor panlipunan batay sa uri , etnisidad o lipi , pananampalataya o relihiyon , kasarian o seksuwalidad , at gulang o henerasyon .
Isyung Pangkalinangan o Kultural - ito ay tumutukoy sa kalinangan , halagahin , paniniwala , pag-aasal , pag-uugali , tradisyon , wika ng mga tao . Halimbawa ng mga isyung pangkalinangan ang problema sa distorsiyon ng kasaysayan , pagkamatay ng mga katutubong kalinagan at wika , at kalidad at katuturan ng edukasyon gayundin ang access dito .
Isyung Pangkalusugan - ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan . Halimbawa : COVID-19 , sobrang katabaan , malnutrisyon , Drug Addiction, HIV/AIDS
2. Pag-uuuring Teritoryal - ito ay nahahati sa tatlo na tumutukoy sa lawak ng sakop-teritoryal-isyung lokal na tumutukoy sa mga problemang kinahaharap ng pamayanan , isyung nasyonal na tumutalakay sa suliraning pambansa , at isyung internasyonal o global na tumutalakay sa usaping tumatawid sa isa o higit pang bansa .
Saan ka nga ba makakasipi ng mga Isyu ? Print Media Halimbawa : komiks , magazine , diyaryo Visual Media Halimbawa : balita , pelikula , dokyumentaryo Online Media Halimbawa : facebook , online blogs, website
Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu : - Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon . - Kaalaman sa batayan ng isyu , saan nagmula , maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento , journal, sulat , larawan , at iba pa.
- Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon , pagbuo ng ugnayan , at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari . - Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang .
Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu ?
Ang sumusunod ay mga nalikom na kaisipan mula sa mga nabasa , narinig , at naibahagi ng mga dalubhasa o ng mga mismong may karanasan sa isang pangayayari , suliranin , opiniyon , o ideya . Aralin ang mga ito at pansinin kung humahawig sa iyong karanasan . 1. Bilang isang mag- aaral , ang kaalaman mo sa mga kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran . Isang paraan din ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan .
2. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu , matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon . Natutukoy ang kabutihan at di kabutihan nito .
3. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag . Nahahasa rin ang iyong kasanayang pangwika , panggramatika , at iba pang mabisang kasanayang magpabatid ng kaisipan .
4. Napapaunlad din ang iyong kakayahang mag- isip sa mga hakbangin , kakayahang magplano , at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin .
5. Napapalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon , ideolohiya , kasaysayan , pagkakaiba ng kultura , at iba pang mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at pagpapasya .
6. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang angkop , handa , at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon .
7. Napapalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at di tuwirang ambag ng pangyayari , suliranin , o anumang isyu .
8. Potensyal na pagkakataon ito upang maging mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa pagbuo ng lipunang mulat at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu .