Ito ay tinatawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan . TEORYA
TORE NG BABEL - Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan . - Nagkaroon ng panahon kung saan ang wika ay iisa lamang . Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon . Nang malaman ito ng Panginoon , bumababa Siya at sinira ng tore. -Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya -kanya na sila at kumalat sa mundo .
Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika
TEORYANG BOW-WOW Ito ay tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso , tilaok ng manok at huni ng ibon . Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng ihip ng hangin , patak ng ulan at langitngit ng kawayan
TEORYANG DING-DONG Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog na iyon ang siyang ginagaya ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan . Halimbawa : tsug - tsug ng tren , tik- tak ng orasan .
TEORYANG POOH-POOH Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin . Gamit ang bibig , napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot , lungkot , galit , saya at paglalaan ng lakas .
TEORYANG TA-RA-RA BOOM DE AY Ang wika ng tao ay nag – ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan . Halimbawa : pagsayaw , pagsigaw at incantation o mga bulong na ginagawa tuwing makikidigma , pagtatanim at iba pa.
TEORYANG YO-HE-HO Tungkol sa tunog na nalilikha gamit ang pwersang pisikal kung saan natuto ang mga tao na magsalita dahil sa nakalilikha sila ng tunog kapag gumagamit sila ng pwersa o lakas . Ayon sa teoryang ito , ang pagsasalita ng tao ay bunga ng pwersang pangkatawan . Halimbawa nito ay ang tunog na nalilikha kapag sumipa o sumuntok ang tao at kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ang mga halimbawa ng tunog na ito ay bog, yaa !!, pak !, hey, hoo , at iba pa. Ayon din dito , ang pagsasalita o tunog na mula sa bibig ay nangangailangan ng kasabay na aksyon .
TEORYANG TA -TA Ayon sa teoryang ito , ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita . Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. Halimbawa : ok, paalam , sang- ayon , at hindi sang- ayon .
TEORYANG LA-LA Mga pwersang may kinalaman sa romansa . Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita
TEORYANG COO COO Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol
Gabay na tanong : Bakit mahalagang pag-aralan ang mga teorya ng wika ?
PANGKATANG GAWAIN Panuto : Ang bawat pangkat ay magbibigay ng tig dalawang halimbawa ng mga teorya ng wika sa pamamagitan ng tunog nito . Pangkat 1 : teoryang ta-ta, Teoryang Bow-wow, Teoryang Dingdong at teoryang yo -he-ho Pangkat 2: teoryang Ta-ra- ra boom de ay, teoryang pooh-pooh, teoryang la-la at teoryang coo coo
Gawain : Tunog-Teorya Panuto : Pakinggang mabuti ang tunog na ito sabihin kung anong teorya ito nabibilang
ANO ANG TINALAKAY NATIN? ILANG TEORYA ANG ATING TINALAKAY? SAAN NAHANGO ANG TORE NG BABEL? ANO-ANO ANG MGA TEORYA NG WIKA?
TAKDANG ARALIN: Panuto : Kung bibigyan kayo ng pagkakataong gumawa ng sarili ninyong teorya tungkol sa wika , ano ang ipapangalan niyo dito at bakit ? Ilagay ito sa kalahating papel . Rubriks base sa pamantayan : Kaayusan 10 Kaugnayan 5 Gamit ng wika 5 Kabuuan 20