L2 Paglinang ng Positibong Pananaw sa Tulong ng Pamilya.pptx

MAYBEVERLYMORALES3 0 views 21 slides Oct 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

VALUES ED


Slide Content

sa Tulong ng Pamilya Paglinang ng Positibong Pananaw Aralin 2

“Mga anak , sundin ninyo ang inyong mga magulang ... upang maging mabuti ang inyong kalagayan ...” Efeso 6:1-3

- ito ay isang banal na institusyon na itinatag ng Diyos mula pa noong unang panahon . (Genesis 2:24) Ang Pamilya Ayon sa Biblia: - ito ay itinuturing na unang guro ng pananampalataya at mabuting asal . ( Kawikaan 22:6)

- binigyang diin ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng pagmamahal at paggalang sa loob ng pamilya . ( Efeso 6:1-4) Ang Pamilya Ayon sa Biblia: -ang tunay na biblikal na pamilya ay nakasentro sa Dios

Ito ay ang pinakaunang institusyon sa lipunan at binubuo ng mga taong magkakaugnay sa pamamagitan ng dugo , pag-aampon , o pagmamahalan . Ano ang Pamilya ?

Ito ang unang tahanan ng bawat isa — dito unang natututo ang isang tao ng mga halaga , asal , pananaw , at damdamin . Ang pamilya ang unang guro , unang kaibigan , at unang tagapagturo ng tama at mali . Ano ang Pamilya ?

Ang pamilya ang unang humuhubog sa pagkatao , kaisipan , at damdamin ng isang indibidwal . Sa pamilya , natututuhan ang pagmamahal , paggalang , disiplina , at pananagutan . Dito rin nahuhubog ang tiwala sa sarili at ang kakayahang makitungo sa iba . Kahalagahan ng Pamilya : Sa Sarili

Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan , ngunit dito nagsisimula ang kaayusan , ugnayan , at pakikipagkapwa . Ang mabuting pamilya ay lumilikha ng mabuting mamamayan na tumutulong at nakikiisa sa pamayanan . Ang mga aral sa pamilya ay dinadala sa paaralan , simbahan , at komunidad . Kahalagahan ng Pamilya : Sa Pamayanan

Kapag may mga matitibay at mabubuting pamilya , nagkakaroon ng mas matatag at mas maunlad na bansa . Ang mga pamilyang nagtuturo ng pagmamalasakit , disiplina , at pagpapahalaga sa bayan ay nakagagawa ng mga responsableng mamamayan . Ang pamilya ay tagapagtaguyod ng kultura , kasaysayan , at pambansang pagkakakilanlan . Kahalagahan ng Pamilya : Sa Bansa

Nukleyar na Pamilya Mga Uri ng Pamilya Binubuo ng ama, ina, at anak.

Pinalawak na Pamilya (Extended Family) Mga Uri ng Pamilya May lolo, lola, tiyuhin, tiyahin, at iba pang kamag-anak na kasama sa bahay.

Single-Parent Family Mga Uri ng Pamilya Isa lamang ang magulang na tumatayong pinuno ng pamilya.

Rekonstituted o Blended Family Mga Uri ng Pamilya Pamilya na may at anak mula sa dati at bagong relasyon o kasal.

Ama o Tatay Miyembro ng Pamilya -haligi ng tahanan -tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng pamilya - kadalasang naghahanapbuhay

Ina o Nanay Miyembro ng Pamilya -ilaw ng tahanan -tagapangalaga ng bahay at gabay sa mga anak - nagtuturo ng mabuting asal

Anak Miyembro ng Pamilya -sumusunod sa magulang -nag-aaral at tumutulong sa bahay - tagapagpatuloy ng mabubuting kaugalian

Lolo at Lola Miyembro ng Pamilya - tagapayo at tagapag-ingat ng tradisyon - nakatutulong sa pagpapalaki ng mga apo

Tiyuhin , Tiyahin at mga Pinsan Miyembro ng Pamilya - suporta sa extended family - pangalawang magulang sa ilang pagkakataon

1. Ang pamilya ang unang paaralan ng ating puso at isip . 2. Ang pamilya ang pundasyon ng ating pagkatao Bakit Mahalaga ang Gampanin ng Pamilya?

1. Ang ating pananaw sa buhay . Paano Tayo Naiimpluwensyahan ng Pamilya ? 2. Ang ating reaksyon sa pagsubok o problema . 2. Ang ating pag-uugali at desisyon .

Pagtatapos : “Ang pagkatao ng isang tao ay nagsisimula sa tahanan.” Kaya huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng pamilya— sila ang ating lakas, gabay, at inspirasyon sa bawat yugto ng ating buhay. Sa gitna ng problema, ang pagmamahal ng pamilya ay parang ilaw na laging gumagabay
Tags