Language 1 Q1 WEEK 3 Day 1---------.pptx

JENLYANNBALA 4 views 38 slides Sep 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 38
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38

About This Presentation

LANGUAGE LESSON


Slide Content

Language 1 Quarter 1 Week 3 MATATAG-Based Lesson Day 1

Balik-Aral: Magandang buhay, mga bata! Kumusta kayo? Noong isang linggo, marami tayong aral na natutuhan.

Maaari ba ninyong ibahagi ang ilan sa inyong mga natatandaan?

Awitin natin: ”Hello song” or ”Good Morning Song”

Tungkol saan ang ating inawit? Sa iyong palagay, mahalaga bang gumamit tayo ng mga ekspresyong tulad ng “Magandang umaga”, “Hello”, at “Kumusta Ka”?

Ang mga salitang pagbati tulad ng “Magandang umaga”, “Hello”, at “kumusta ka” ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng masayang pakiramdam at pagtanggap sa taong ating sinasabihan

Sa araw na ito, pag- aaralan natin ang mga halimbawa ng simpleng pagbati at salitang pamilyar na ginagamit sa pagtawag sa mga tao.

1. Anong pamilyar na pantawag ang inyong gagamitin kung ang gurong babatiin ay lalaki? Kung babae?( Ginoo, Ginang ) Pagganyak

2.Paano ninyo siya babatiin kung makasalubong ninyo siya isang hapon? ( Magandang hapon po Ginoong Sison. Magandang hapon Ginang Sison .) Itanong:

Kilalanin ang mga nasa larawan. Paano natin sila tinatawag?

Banggitin ang mga salita at ipaulit ang mga ito sa mga mag-aaral. Binibini Aling Mang

Pakinggan ninyo ang maikling usapang aking babasahin. Paglalahad

Isang umaga, nakasalubong ni Susan ang kaniyang guro sa labas ng kanilang tahanan.

Susan : Magandang umaga po, Ginang Santos. Ginang Santos : Magandang umaga rin sa iyo, Susan. Kumusta ka?

Susan : Mabuti naman po ako Ginang Santos. Maraming salamat po sa inyong pangungumusta. Ginang Santos : Walang anuman.

1.Kailan binati ni Susan ang kaniyang guro? Mga gabay na tanong:

2.Ano ang ekspresyong ginamit ni Susan sa pagbati sa kaniyang guro?

3. Anong pamilyar na tawag ang ginamit ni Susan sa kaniyang guro?

4. Maliban sa magandang umaga, magbigay pa ng ibang ginamit na ekspresyon sa usapan.

Sanayin ang mga bata sa paggamit ng “Binibini”, “Ginang”, “Ginoo” at “Kaibigan”

Banggitin ang sumusunod na pangungusap sa mga mag-aaral. Pagkatapos, ipaulit ang mga ito sa mga mag-aaral.

Sabihin: 1."Magandang umaga, Ginang Santos!" 2.Kumusta ka, kaibigan? 3.“Magandang hapon, Binibining Reyes!”

4.“Maraming salamat, Aling Marina.” 5.“Walang anuman, Mang Pedro.”

Pangkatang Gawain

Bumuo ng 4 na pangkat at gawin ang gawain.

Pagkilala sa bagong kaibigan Pangkat 1

Pagbati sa guro Pangkat 2

Pagpapaalam bago umalis sa bahay Pangkat 3

Pagtanggap ng bisita sa bahay Pangkat 4

Magbanggit ng isang simpleng pagbati at pamilyar na tawag sa tao na iyong naaalala mula sa aralin ngayon. Ipaliwanag kung kailan ito ginagamit.

Mula sa napag-aralan natin, magbanggit ng mga simpleng pagbati sa kapamilya gamit ang mga pamilyar na tawag sa tao. Ibahagi sa klase kung kailan ginagamit ang mga ito.

Humanap ng kapareha. Magpakita kayo ng isang sitwasyong maaari ninyong paggamitan ng sumusunod na simpleng pagbati. Pagtataya

Dugtungan din ito mga pamilyar na pantawag sa tao.

1.Magandang umaga 2.Kumusta ka? 3.Tuloy po kayo. 4.Hello! 5.Magandang gabi!

Gumawa ng kard para sa isa sa mga miyembro ng iyong pamilya gamit ang simpleng pagbati at wastong pantawag sa kaniya. Ibahagi ito sa klase. Takdang Aralin

Dalhin ang paborito ninyong libro/ kuwento tungkol sa mga hayop.
Tags