Lesson Plan.pdf lesson lessomnkjdsdjshuewfguef

CarmelaSanJuan 23 views 6 slides Dec 10, 2024
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

hfioshih


Slide Content

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
I-LAYUNIN
a. Nauunawaan at naipapaliwanag ang talumpati at mga layunin nito.
b. Nabibigyang halaga ang mga Bahagi sa mahusay na pagtatalumpati ,at
c. Nakabubuo ng sariling talumpati ang mga mag-aaral.
II. PAKSA
A. Paksang Aralin: TALUMPATI
B. Sanggunian at Pahina: Internet
C. Kagamitan: Cartolina, Tape, Laptop ,Glue
III.PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. AKTIBITI ( Gawain)
a.Panimula

-Panalangin
-Pagtatala ng liban sa klase
-Pagsasaayos ng Silid Aralin

Tumayo na ang lahat at tayo’y mananalangin.
Magandang Araw!
Kamusta kayo?
Bago kayo umupo sa inyong upuan pakipulot ng mga kalat at
pakiayos ng hanay ng mga upuan.
May nagliban ba ngayong araw sa ating klase?
Mabuti, ako'y nagagalak sapagkat kayo ay lahat pumasok.
b.Pagganyak
Ngayon ay may ipapanuod ako sainyo na maikling video
clip.
Magtatanong ang guro sa mag-aaral kung ano ang ideya nila
sa pinanuod na video clip.
Mahusay!













Magandang araw din po ma’am!

Mabuti naman po!



Wala po ma’am!




Nanunuod na ang mga mag-aaral




Ang aming napanuod po naming na video
presentation ay tungkol sa pagtatalumpati.

B. ANALISIS
a.Paglalahad ng Aralin
Ang inyong napanuod na maikling video presentation ay
isang uri ng pagtatalumpati.
b. Pagtatalakay
Pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa
pagtatalumpati.
Anon nga ba ang talumpati?
Tatawag ang guro para basahin ang kahulugan ng
talumpati.

Salamat!

TALUMPATI- Isang komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag hinggil sa isang mahalagang
paksa. Ang talumpati ay binibigkas sa harap ng
publiko.
Ang Mga Bahagi ng Talumpati
PANIMULA- inilalahad ang layunin ng
talumpati, kaagapay na ang estratehiya upang
kunin ang atensyon ng tagapakinig.
KATAWAN- Pinagsunod-sunod sa bahaging ito
ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
KONKLUSYON-Bahaging nagbubuod o
naglalayon sa talumpati.
Ilalahad ng guro ang mga layunin ng
pagtatalumpati na nakasulat sa Cartolina.

Mga layunin kung bakit mahalaga ang
pagtatatalumpati.
-Upang magbigay ng kaalaman o impormasyon
hinggil sa isang paksa,usapin o isyu.
-Upang magbigay ng kagalakan.
-Upang manghimok o mangumbinsi .
Magtatanong ang guro sa mag-aaral kung sila ba
ay nakasubok nang magtalumpati.
Salamat!












Ang talumpati ay isang komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag hinggil sa isang
mahalagang paksa. Ang talumpati ay binibigkas
sa harap ng publiko.



























Nagbahagi ng kanyang karanasan sa
pagtatalumpati

C.ABSTRKASYON
c. Paglalahat
Pagtatanong ng guro sa mga mag -aaral tungkol sa
mga inilahad.
1.Maari mo bang isa-isahin ang bahagi ng
Talumpati.
Magaling!


d.Pagpapahalaga
2.Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa
talumpati dahil ? at sa paanong paraan mo ito
magagamit?


Tatawag ang guro ng mag- aaral na sasagot.


Magaling! Tama ang iyong kasagutan.


D. APLIKASYON
(Pangkatang gawain)
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat.(10minuto)

Panuto: Mag isip ng paksa ,usapin o isyu na
napapahon at ito ay itatalumpati ng isang taga
representa ng inyong pangkat.






IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat
sa papel ang tamang sagot.(5 minuto)









Ang bahagi po ng talumpati ay una ,
Panimula,katawan at ang huli po ay
konklusyon.







Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa
talumpati upang maitalumpati o maisagawa
mo ito ng maayos sa harap ng publiko at
magagamit mo ito sa paraan na hindi ka mag
aalinlangan sa pagsasalita sa unahan ng mga
tao.













Pumili ng sariling paksa at magtatalumpati
ang isang taga representa.

Unang Pangkat: Tungkol sa Climate change.

Pangalawang pangakat: Tungkol sa Gender
Equality.

1. Isang komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag hinggil sa isang mahalagang
paksa. Ang talumpati ay binibigkas sa harap
ng publiko.
2.Inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang estratehiya upang kunin ang
atensyon ng media.
3. Pinagsunod-sunod sa bahaging ito ang
mga makabuluhang puntos o patotoo.
4. Bahaging nagbubuod o naglalagon sa
talumpati.
5.Magbigay ng isang layunin ng
pagtatalumpati








Talumpati


Panimula



Katawan



Konklusyon

-Upang magbigay ng kaalaman o impormasyon
hinggil sa isang paksa,usapin o isyu.
-Upang magbigay ng kagalakan.
-Upang manghimok o mangumbinsi .

Inihanda ni:
Carmela D. San Juan
Tags