Matapos bautismuhan si Hesus , Siya ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang . Doon Siya nag- ayuno ng apatnapung (40) araw at gabi. Sa panahong iyon , Siya ay tinukso ni Satanas.
Tatlong Tukso
Unang Tukso (Mateo 4:3–4) Gawin Niyang tinapay ang bato . Tugon ni Hesus : “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos .”
Ikalawang Tukso (Mateo 4:5–7) - Tumalon mula sa tuktok ng templo upang subukin ang Diyos . Tugon ni Hesus : “ Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos .”
Ikatlong Tukso (Mateo 4:8–10) Yumuko at sumamba kay Satanas kapalit ng lahat ng kaharian sa mundo . - Tugon ni Hesus : “ Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos , at Siya lamang ang iyong paglilingkuran .”
Mahalagang Aral: Ang tukso ay dumarating sa lahat, ngunit hindi ito kasalanan hangga’t hindi sinusunod . Ginamit ni Hesus ang Salita ng Diyos bilang sandata laban kay Satanas. Dapat tayong maging matatag sa pananampalataya at laging manalangin .
Kung si Hesus ay tumanggi sa tukso at nanindigan , kaya rin nating gawin ito sa tulong ng Diyos . Ang tunay na lakas laban sa tukso ay nagmumula sa Salita ng Diyos at pananalangin .
Pagsusuri : Sagutin sa iyong kuwaderno : Ano ang ginamit ni Hesus upang labanan ang tukso Paano natin maipapakita sa araw-araw na kaya nating labanan ang tukso ? Magbigay ng isang personal na halimbawa ng tukso na iyong nalampasan .
S u mu lat ng isang maikling panalangin na humihingi ng tulong sa Diyos upang malabanan ang tukso sa iyong buhay .