LP Karapatang Pantao Junior High_Relacion.docx

excelynrelacion11 210 views 6 slides Feb 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian[1] na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan.


Slide Content

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng Karapatang Pantao.
Matukoy ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao at mga halimbawa nito.
Makilala ang mga batas na nagpoprotekta sa karapatang pantao.
II. Paksang
Aralin
A.Paksa Karapatang Pantao
B.Batayang Aklat/
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao
Araling Panlipunan (Karapatan ng Pantao) Modyul https://depedtambayan.net/grade-10-araling-
panlipunan-modyul-karapatang-pantao/#google_vignette
C.Kagamitan Mga larawan at video tungkol sa Karapatang Pantao, balitaan, powerpoint, laptop
D.Pagsasama-sama
ng paksa
Kasaysayan, Pulitika, Ekonomiya, Edukasyon, Sining, Media, Agham at Teknolohiya
E.Nalinang ang
mga Kasanayan
Pag-unawa sa karapatan pantao
F.Stratehiya Malikhaing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsama-sama, Malaya o independiyenteng Pag aaral, Estratehiya
ng Pagsusuri, Estratehiya ng Pagsasaulo ng impormasyon at Formatibong Pagsusuri gamit ng lapis at papel.
III.Mga
Pamamaraa
n
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
A.Panimulang
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga estudyante!
Panalangin
Tayo ay yumuko at manalangin.
Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw na
ito sa kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat ng
panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang
kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo
po sila sa mga pagsubok na kanilang makakasalamuha
ngayong araw na ito. Maraming salamat din, amang
banal, sa iyong mga biyaya. Amen.
Pag tse-tsek ng mga lumiban
Mayroon bang lumiban ngayong araw?
Mga alintuntunin sa silid aralan:
Makinig nang tahimik kapag may
nagsasalita
Laging igalang ang iba
Panatilihin ang kaayusan at kalinisan
Maging handa sa klasi
Itaas ang kamay kapag magsasalita
Laging gawin ang iyong makakaya
-Magandang umaga din po, Guro
-Amen.
-Wala po guro
-Nakikinig ang mga estudyante tungkol sa
alintuntunin.
B.Aktibidad sa Pag-
unlad / Bahagi ng
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
Paaralan Bukidnon National High School-
Malaybalay City, Bukidnon
Antas ng Grado Grade 10
Guro Excelyn Fatima E. Relacion Paksa Karapatang Pantao
Tagal 15-20 minuto Kwarter Ikaapat na markahan
Petsa Linggo 3-4

Aralin
a.Balik Aral Bago tayo dumako sa panibagong akdang
tatalakayin magkaroon muna tayo ng
pagbabalik-aral.
Ano nga ba ang paksa na tinalakay natin
noong nakaraang araw?
(Tatawag ang guro)
Mahusay!
Ano ang mga batas moral?
(Tatawag ang guro)
Mahusay! Mabuti naman at lubos na ninyong
naunawan ang ating aralin. Ngayon naman ay
dumako na tayo sa panibagong paksa na ating
tatalakayin.
Tinalakay po natin ang mga batas moral.
Ang mga batas moral ay mga natural laws na
gumagarantiya sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad
ng tao.
b.Pangganyak Ngunit bago iyon may inihanda akong isang
awit na may kaugnayan sa paksang ating
tatalakayin. Ang dapat lang ninyong gawin ay
makinig at unawin ang mensahe na nais
nitong iparating sa atin.
Malinaw ba?
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng
awiting “Ang bawat bata”?
(Tatawag ang guro)
Magaling!

Ang narinig nating awitin ay tungkol sa mga karapatan.
Malinaw po Ma’am!
Ang mensahe pong nais iparating ng awit ay ang
pagkakaroon po natin ng mga karapatan. Kahit
bata o matanda ay may karapatan na dapat
igalang at irespeto.
c.Paglalahad Ngayon kapag narinig o nabasa ninyo ang “Karapatang
Pantao”, Anu-ano ang mga salita, ideya o kaisipan na
pumapasok sa inyong isipan?
(Tatawag ang guro)
Magaling!
Ang karapatang pantao ay mga pamantayang
moral o kaugalian na naglalarawan ng mga tiyak na
pamantayan ng paggawi ng tao at palaging
protektado bilang mga karapatang likas at legal sa
batas-munisipyo at batas-pandaigdigan
d.Pagtatalakay Ngayon pag-aaralan natin ang mga karapatang pantao;
hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo. Ang
karapatang pantao na para sa mga bata at matatanda.
Bawat tao sa mundo ay may mga karapatan na dapat
taglayin, alagaan, at protektahan. Upang
masiguradong naalagaan ang kanyang dignidad bilang
kasapi sa Lipunan, marapat lamang na siya ay mulat sa
Karapatan at pananagutan na dapat niyang matamo at
balikatin nang sa gayon maibigay niya sa kanyang
kapwa ang mga bagay na dapat nitong gawin nang
mawatag siyang kapaki-pakinabang na miyembro ng
lipunan. Ang karapatang pantao ay pangunahing
karapatan na dapat mabatid at angkinin ng bawat isa
sa atin, anuman ang ating pinagmulan, sino man tayo,
at ano man ang ating pananaw o paniniwala sa buhay.
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
-Ay isa sa mga mahahalagang dokumentong
(Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa diskusyon ng
guro)

naglalahad ng mga karapatang pantao ng
bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat
aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito
ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko,
sosyal, at kultural.
Narito ang mga ilang artikulo na nakapaloob sa
UHDR, ang preamble:
Artikulo 1 – nakalahad na lahat ng tao ay isinilang na
malaya at pantay-pantay.
Artikulo 3-21 – ay nakalahad ang karapatang pantao
bilang isang mamamayan sa aspekto ng politiko at
sibil.
Artikulo 22- 27 – ay nakasaad na nag karapatang
pantao na may Karapatan sa aspekto ng edukasyon,
sining, pansibiko, at pangkultura.
Artikulo 28-30 – isinasaad na ang bawat tao ay
mayroong karapatan na itaguyod ang Karapatan ng
ibang tao.
Kalipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng
Konstitusyon
-Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang
karapatan ng bawat tao mula sa dating
konstitusyon.
Karapatang Pantao
-Ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao
sa sandaling siya ay isinilang. Ang pagkamit ng
tao ng mga pangangailangan niya tulad ng
pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang
pangangailangan ay nangangahulugan na
nakakamit niya nag kanyang karapatan
(Martinez, 2020).
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may 3 uri ng
mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa.

Natural
Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob
ng Estado.
Halimbawa: Karapatang mabuhay at magkaroon ng ari-arian.
Constitutional Rights
Mga karapatang ipinaloob at pinangalagaan ng Estado
Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang
kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi
lumalabag sa batas at pagsusulong ng kabuhayan
at disenteng pamumuhay.
Halimbawa: Kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, Mapayapang Pagtitipon, Kalayaan
sa pagbabago ng tirahan, Paglalakbay at Pagtatatag
ng asosasyon at unyon o mga kapisanang ang
layunin ay hindi labag sa batas.
Karapatang Politikal – kapangyarihan ng
mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi,
sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan tulad
ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum
at plebisito.
Karapatang Sosyo-ekonomiks – mga karapatan na

sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal gayon
din ang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan.
Karapatang akusado – mga karapatan na
magbibigay proteksyon sa indibidwal na
inakusahan sa anumang uri ng krimen.
Statutory
Karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
Halimbawa: Karapatang makatanggap ng minimum stage.
e.Gawain/
Aktibidad
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
pahayag. Isulat kung anong uri ng karapatan ang
sumusunod. Gamit ang iyong sagutang papel, isulat sa
patlang kung ito’y natural rights, constitutional rights
o statutory rights.
1.Karapatang ipagtanggol ang sarili.
_____________________________
2.Karapatang sa malayang pagpapahayag.
_____________________________
3.Karapatang mabigyan ng pangalan.
____________________________
4.Karapatang makapag-aral.
____________________________
5.Karapatang tumangging maging saksi laban sa
kapwa.
____________________________
6.Karapatang magplano ng pamilya.
____________________________
7.Karapatang makapagtrabaho.
____________________________
8.Karapatang mabigyan ng mabilis at
makatarungang paglilitis.
___________________________
9.Karapatan magkaroon ng sariling relihiyon.
___________________________
10.Karapatang hindi makawala sa panganib ng
kaparusahan sa anumang paglabag sa batas.
____________________________
(Ang mga estudyante ay nagsisimula ng sumagot)
f.Aplikasyon Pangkatin ang mga estudyante sa lima na grupo at sasagutin
nila ang mga panlipunang suliranin na sa screen o sa board.
Pagkatapos pipili sila ng kinatawan na pupunta sa harap at
isalaysay ang kanilang mga sagot.
Panuto: Bigyan solusyon ang mga sumusunod na suliranin
gamit ang mga natutuhan sa araling ito. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
Panlipunang Suliranin Solusyon
Biktima ng Diskriminasyon
Biktima ng Pambubugbog
Biktima ng Pang-aapi sa Kapwa
Biktima ng Sapilitang Paggawa
Biktima ng Karahasan sa
Kababaihan
Ang iyong sagot ay tatayain gamit ang rubric sa ibaba:
Pamantayan sa Pagmamarka:
(Ang mga estudyante ay nagsisimula ng sumagot)

g.Pangkalahatan o
Pangkalahatang
Pahayag
Ngayon ay naiintindihan na ninyo ang ating aralin.
Ano ang ibig sabihin ng Universal Declaration of
Human Rights (UDHR)?
(Tatawag ang guro)
Mahusay!
Ano-ano ang mga ilang artikulo na nakapaloob sa
UHDR, preamble?
(Tatawag ang guro)
Magaling!
Ano ang ibig sabihin ng Kalipunan ng mga Karapatan
o Bill of Rights ng Konstitusyon?
(Tatawag ang guro)
Mahusay!
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan Pangtao?
(Tatawag ang guro)
Magaling!
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may 3 uri ng
mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa. Ano-ano ang mga iyon?
(Tatawag ang guro)
Magaling!
Ito na ang panghuli na tanong. Ano ang mga karapatang
ipinaloob at pinangalagaan ng Estado (Constitutional
Rights)?
(Tatawag ang guro)
Ay isa sa mga mahahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat
indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng
buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang
sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
Artikulo 1 – nakalahad na lahat ng tao ay isinilang
na malaya at pantay-pantay.
Artikulo 3-21 – ay nakalahad ang karapatang
pantao bilang isang mamamayan sa aspekto ng
politiko at sibil.
Artikulo 22- 27 – ay nakasaad na nag karapatang
pantao na may Karapatan sa aspekto ng
edukasyon, sining, pansibiko, at pangkultura.
Artikulo 28-30 – isinasaad na ang bawat tao ay
mayroong karapatan na itaguyod ang Karapatan
ng ibang tao.
Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang
karapatan ng bawat tao mula sa dating
konstitusyon.

Ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isinilang. Ang pagkamit ng tao ng
mga pangangailangan niya tulad ng pagkain,
damit, bahay, edukasyon at iba pang
pangangailangan ay nangangahulugan na
nakakamit niya nag kanyang Karapatan.
Natural, Statutory and Constitutional Rights
Karapatang Sibil, Karapatang Politikal, Karapatang
Sosyo-ekonomiks at Karapatang akusado.
Nilalaman Puntos
Maliwanag at angkop ang
mensahe sa paglalarawan ng
kanilang solusyon.
15
Maliwanag ngunit hindi lahat
ay angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng kanilang
solusyon.
5
Hindi maliwanag at angkop ang
mensahe sa paglalarawan ng
solusyon. .
5
25

Mahusay!
IV. Ebalwasyon
Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pahayag o
pangungusap upang mas maunawaan mo pa ang
araling natapos na. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Ang aralin ay tungkol sa __________________________
____natutuhan ko na____________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_________.
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat ______
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_________________.
(Ang mga estudyante ay nagsisimula ng sumagot)
V. Takdang
Aralin
Panuto: Gamit ang bondpaper, gumawa ng islogan sa
loob ng kahon na nagpapakita na may mahalagang
ginagampanang papel ang karapatang pantao sa ating
Lipunan.
Pamantayan o Rubrics sa paggawa ng islogan:
Inihanda ni,
Excelyn Fatima E. Relacion
Aplikante
Nilalaman 10
May tugma 5
Pagkamalikhain 3
Kalinisan 2
Kabuoang puntos: 20
Tags