LUPANG HINIRANG LYRICS 2024 AND PANATANG MAKABAYAN.pptx
JennilynDescargar
7,656 views
12 slides
Feb 26, 2024
Slide 1 of 12
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
About This Presentation
LUPANG HINIRANG
Size: 90.84 KB
Language: none
Added: Feb 26, 2024
Slides: 12 pages
Slide Content
LUPANG HINIRANG
Bayang Magiliw perlas ng Silanganan Alab ng puso Sa dibdib mo’y buhay Lupang hinirang Duyan ka ng magiting Sa manlulupig Di ka pasisiil . Sa dagat at bundok Sa simoy at sa langit mong bughaw May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning Ang bituin at araw niya Kailan pa ma’y di magdidilim Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta Buhay ay langit sa piling mo. Aming ligaya Na pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo .’
PANATANG MAKABAYAN
Panatang Makabayan Iniibig ko ang Pilipinas Ito ang aking lupang sinilangan Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan Upang maging malakas , maligaya at kapaki-pakinabang Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang Tutuparin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Susundin ko ang mga tungkulin Ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas Paglilingkuran ko ang aking bayan Nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino Sa isip , salita , at sa gawa
PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas , aking lupang sinilangan , Tahanan ng aking lahi , kinukupkop ako at tinutulungang Maging malakas , masipag at marangal Dahil mahal ko ang Pilipinas , Diringgin ko ang payo ng aking magulang , Susundin ko ang tuntunin ng paaralan ,
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan , Naglilingkod , nag- aaral at nagdarasal nang buong katapatan . Iaalay ko ang aking buhay , pangarap , pagsisikap Sa bansang Pilipinas .
Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas
Ako ay Pilipino, Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas , At sa bansang kanyang sinasagisag , Na may dangal , katarungan at kalayaan , Na pinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos , Maka-kalikasan , Maka tao at Maka bansa .