Panuto : Basahin nang mabuti ang tula na pinamagatang “Ang Aking Pag- ibig .” Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kabuuan at kahulugan ng tula . Isulat ang sagot sa patlang .
Ang Aking Pag- ibig ( salin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago ng "How Do I Love Thee" ni Elizabeth Barret Browning)
Ibig mong mabatid , ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal ? Tuturan kong lahat ang mga paraan , lisa-isahin , ikaw ang bumilang . Iniibig kita nang buong taimtim , Sa tayog at saklaw ay walang kahambing , Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin .
Yaring pag-ibig ko'y katugon , kabagay Ng kailangan mong kaliit-litan , Laging nakahandang pag-utus-utusan , Maging sa liwanag , maging sa karimlan Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira'y hindi paaapi , Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri .
Pag- ibig ko'y isang matinding damdamin , Tulad ng lumbay kong di makayang bathin . Noong ako'y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil . Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang .
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na , Ngiti , luha , buhay at aking hininga ! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma'y lalong iibigin kita .
1 . Ano ang sinisimbolo ng pahayag na “ Ngiti , luha , buhay at aking hininga ”? A. Ang kagandahan ng kapaligiran B. Ang kahinaan ng makata C. Ang lahat ng aspeto ng buhay ng makata D. Ang mga problema sa lipunan
2 . Ano ang pangunahing ipinahahayag ng makata sa tula ? A. Pagpapahalaga sa bayan B. Wagas at walang hanggang pag-ibig C. Pagdiriwang ng kabayanihan D. Pagkalinga ng Diyos sa tao
3 . Bakit inihalintulad ng makata ang pag-ibig sa isang bayani ? A. Sapagkat ito ay makapangyarihan at kinatatakutan B. Sapagkat ito ay wagas at hindi nagpapadala sa papuri C. Sapagkat ito ay marahas at palaban D. Sapagkat ito ay mabilis magbago
4 . Sa taludtod na “ Iniibig kita nang buong taimtim , Sa tayog at saklaw ay walang kahambing ,” ano ang ibig ipakita ng makata ? A. Malalim at walang kapantay na pagmamahal B. Pag- ibig na may hangganan C. Paghanga lamang sa panlabas na anyo D. Pag- ibig na pansamantala
5. Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na “ Maging sa liwanag , maging sa karimlan ”? A. Pag- ibig na limitado lamang sa masayang panahon B. Pag- ibig na nananatili sa hirap at ginhawa C. Pag- ibig na pansarili lamang D. Pag- ibig na madaling mawala
6 . Ano ang ipinapakita ng makata sa pahayag na “Pag- ibig ko’y isang matinding damdamin , Tulad ng lumbay kong di makayang bathin ”? A. Ang pag-ibig ay madaling limutin B. Ang pag-ibig ay kayang supilin C. Ang pag-ibig ay masidhi gaya ng dalamhati D. Ang pag-ibig ay isang pansamantalang damdamin
7. Paano inilalarawan ng makata ang kanyang pag-ibig sa huling saknong ? A. Isang damdaming may katapusan B. Isang damdaming saklaw ang lahat ng aspeto ng buhay C. Isang damdaming madaling magbago sa panahon D. Isang damdaming nakatuon lamang sa sarili
8 . Kung iuugnay sa kasalukuyang panahon , paano maisasabuhay ang aral ng tula ? A. Sa pagpapakita ng tapat at matatag na pag-ibig sa kapwa B. Sa mabilis na pagpapalit ng kasintahan C. Sa pag-ibig na nakabatay sa materyal na bagay D. Sa pag-ibig na nakabatay lamang sa panlabas na anyo
9 . Ano ang kahulugan ng pahayag na “ Malibing ma’y lalong iibigin kita ”? A. Ang pag-ibig ay natatapos sa kamatayan B. Ang pag-ibig ay walang hanggan , kahit sa kabilang buhay C. Ang pag-ibig ay malilimutan sa libingan D. Ang pag-ibig ay nawawala kapag namatay ang tao
10 . Sa konteksto ng tula , ano ang kabuluhan ng “ panghihinayang ”? A. Pagsisisi sa maling pagpili B. Pagkawala ng mahalagang bagay o damdamin C. Pagkakamaling dulot ng kawalan ng tiwala D. Pagdududa sa sarili