Panuto : Basahin at unawain ang awit na “ Dandansoy ”. Sagutin ang mga sumusunod na tanong . Piliin ang tamang sagot mula sa mga ibinigay na pagpipilian . Isulat ang sagot sa patlang .
DANDANSOY (BISAYA) Dandansoy , bayaan ta ikaw Pauli ako sa payaw . Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo lang lantawon . Dandansoy , kung impo apason Bisan tubig di magbalon . Ugaling kung ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon .
Kumbento , diin ang cura ? Munisipyo , diin justicia ? Yari si Dansoy makiha . Makiha sa pag-higugma , Ang panyo mo kag panyo ko Dal-a diri kay tambihon ko Ugaling kung magkasilo Bana ta ikaw , asawa mo ako ,
DANDANSOY (TAGALOG) Dandansoy , Pauwi ako sa palayan . Kung hahanapin mo ako Tumingin ka lang sa palayan . Dandansoy , kung susunod ka Huwag kang magdala ng tubig . Kung mauhaw ka man sa daan Humukay ka lang ng balon sa lupa .
Kumbento , saan ang pari ? Munisipyo , saan ang hustisya ? Nandito si Dansoy , nag- aalay Nag- aalay ng pag-ibig . Ang panyo mo at panyo ko Itatali kong magkasama Dahil kapag magkarugtong na Asawa tayo ng isa't isa.
1. Kung ikaw ang guro at gagamitin ang “ Dandansoy ” sa klase , anong makabagong aral ang maituturong pangkabataan ? A. Na ang pag-ibig ay puro saya lamang B. Na ang tunay na pagmamahal ay may kasamang sakripisyo at pagtitiis C. Na mas mahalaga ang laro kaysa pamilya D. Na hindi dapat seryosohin ang damdamin
2 . Paano mo maiuugnay ang hidlaw sa karanasan ng isang mag- aaral na nasa malayo sa pamilya ? A. Hindi na niya sila babalikan B. Mananabik siya sa kanyang pamilya C. Makakalimutan niya agad ang pamilya D. Mas magiging masaya siya sa malayo
_____3. Ano ang nais ipahiwatig ng linyang “ Ugaling kung ikaw uhawan , sa dalan magbubon-bubon ”? A. Matutong humanap ng sariling paraan sa oras ng pangangailangan B. Uminom na lang kung may libreng tubig C. Huwag uminom kung walang balon D. Asahan palagi ang tulong ng iba
4 . Ano ang aral na maaaring mapulot mula sa pagkilos ni Dandansoy ? A. Matutong magsakripisyo at maging tapat sa iniibig B. Laging maghanap ng mas magandang kapalit C. Huwag pansinin ang damdamin ng iba D. Umiwas sa pananagutan
5. Ano ang kahalagahan ng panyo sa awit ? A. Simbolo ng yaman ng pamilya B. Gamit sa paglilinis ng mukha C. Simbolo ng katapatan at pag-ibig na nagdurugtong D. Palamuti sa pananamit
6 . Paano ipinapakita ng awit ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya at pag-ibig ? A. Mas inuuna ang pera kaysa relasyon B. Pinapahalagahan ang katapatan at sakripisyo C. Hindi pinapansin ang damdamin ng iba D. Laging inuuna ang sarili
7 . Ano ang dahilan ng pag-alis ni Dandansoy ayon sa awit ? A. Maghahanap siya ng pagkain B. Magpapahinga siya sa payaw C. Paalis siya ngunit may pangungulila D. Pupunta siya sa bayan upang mamasyal
8 . Ano ang ipinapakita ng mga linyang nagtatanong tungkol sa “ cura ” at “ justicia ”? A. Ang pangarap ni Dandansoy na mag- aral B. Ang pagtitiwala ng tao noon sa simbahan at pamahalaan C. Ang paglayo ng tao sa pamahalaan D. Ang paghahanap ng pagkain sa kumbento
9 . Kung isasalin ang “ Dandansoy ” sa sitwasyon ng kabataan ngayon , ano ang pinakamalapit na halimbawa ? A. Pagiging abala sa social media B. Pagkakaroon ng LDR (long-distance relationship) C. Paglalaro ng online games D. Paglalakad papasok sa paaralan
1 . Ano ang ipinapakita ng pagkukumpara ng uhaw sa pangungulila ? A. Ang parehong pakiramdam ay mababaw lamang B. Parehong nangangailangan ng tugon o kasagutan C. Ang pangungulila ay madaling mawala D. Ang uhaw ay mas mahalaga kaysa damdamin