Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere.docx

SherylCarillo1 4 views 3 slides May 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

TEXT


Slide Content

Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere
Crisostomo Ibarra - Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias - Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago - Mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
Padre Damaso - Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim
na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara - Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na
inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Donya Victorina De Espada a

- Asawa ni Don Tiburcio. Isang
mapagpanggap na Indio.
Pilosopo Tasyo - Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.
Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon
ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin - Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.

Juan Crisostomo Ibarra Y. Magsalin
Ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng
paaralan.Siya ang nag-iisang anak ni Don Rafael.
Maria Clara- Pinakamamahal ni Ibarra.Anak siya ni Donya Pia Alba at Padre
Damaso.
Elias- Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra.
Kapitan Tiyago o Don Santiago de Los Santo -Mangangalakal na taga binondo.
Siya Ang ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso Verdolagas-Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang
magaspang kumilos. Siya ang dating Kura sa San Diego na nagpahukay at
nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael.
Pilosopo Tasyo o Don Anastacio-Maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aral.
Tinatawag siyang baliw ng mga simpleng mamamayan.
Sisa-Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at
malupit.
Basilio-Panganay na anak ni Sisa.
Crispin-Bunsong anak ni Sisa.
Tinyente Guevarra-Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Alperes.-Siya ang puno ng mga guardya sibil at kaagaw ng Kura.
Donya Consolacion-Napangasawa ni Alperes. Dati siyang labandera na may
malaswang bibig at pag-ugali. Ipinapalagay niya na siya'y higit na maganda Kay
Maria Clara.
Donya Victorina de Los Reyes de Espadaña-Babaeng nagpapanggap na
mestisang kastila kung kaya abot-abot ang kolorete sa mukha at maging
pangangastila. Siya ang asawa ni Don Tiburcio de Espadaña.
Tiya Isabel-Pinsan ni Kapitan Tiago. Siya ang nag-aruga kay Maria Clara noong
mamatay ang ina na si Pia Alba.
Tags