MAKABANSA-1-W1-Q2.pdf. ang makabansa week 1 quarter 1
RodelynMalunes1
10 views
18 slides
Sep 23, 2025
Slide 1 of 18
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
About This Presentation
Makabansa Grade 1
Size: 3.37 MB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
Ang Aking Pamilya
Unang Linggo
Yunit
2
Pamilya
•Ang pinakamaliit na grupo
ng mga tao sa pamayanan.
Ang pamilya ay karaniwang
binunuo ng tatay, nanay,
anak o mga anak.
Pamilya
•Mayroon ding mga pamilya
na binubuo ng mag-asawa
lamang.
Pamilya
•Ang iba naman ay binubuo
lamang ng isang magulang
at mga anak
Pamilya
•Ang iba naman ay binubuo
lamang ng isang magulang
at mga anak
Pamilya
•Ang isang tao ay nagiging
bahagi ng isang pamilya sa
pamamagitan ng
kapanganakan, pagpapakasal,
o pag-aampon
Pangunahing Kasapi
ng Pamilya
Si tatay ang tinatawag na haligi ng tahanan.
Siya ang karaniwang nagtataguyod sa mga
pangangailangan ng pamilya. Tinatawag din
natin siyang itay, tatang, amang, papa,
papang at daddy.
Tatay (Father)
Nanay (Mother)
Si nanay ang tinatawag nating ilaw
ng tahanan. Siya ang karaniwang
nagbibigay ng liwanag at nag-
aalaga sa mga kasapi ng pamilya.
Tinatawag din natin siyang inay,
nanang, ina, mama, mamang at
mommy.
Ate at Kuya
Sina ate at kuya ang mga
nakatatanda nating kapatid.
Tinatawag na magkakapatid
ang mga anak ng ating mga
magulang.
Ate at Kuya
Tayong mga an.ak ang
tumutulong sa ating mga
magulang sa iba’tibang
gawaing-bahay. Sina ate at
kuya naman ang madalas
nating kalaro
Bunso
Si bunso ang pinakabatang
kasapi ng pamilya. Siya ang
karaniwang nagbibigay ng
saya at sigla sa loob ng
tahanan.
Ang Iba Pang
Kasapi ng Pamilya
Unang Linggo
Yunit
2
Tito at Tita
Mayroon tayong tito at tita. Sila ay
kapatid ng ating mga magulang.
Kaagapay sila ng ating mga
magulang sa paggabay sa atin.
Lolo at Lola
Sila ang mga magulang ng ating
tatay at nanay. Tumutulong sila sa
pag-aalaga sa atin. Nagbibigay rin
sila ng mga pangaral at payo para
sa ikabubuti natin.
Pinsan
Mayroon din tayong mga pinsan. Sila
ang anak ng ating mga tito at tita.
Sila ang madalas nating nakakalaro.