Kultura
•Ang kultura ay itinuturing na pinkakaluluwa ng
isang bansa. Ipinapakita nito ang mayamang
pinagmulan ng isang kumonidad o pangkat.
•Kasama sa kultura ang lahat ng gawi, kilos,
ugali, at asal na nagpapahayag ng
pagpapahalaga at paniniwala.
Ilang kaugaliang Pilipino nakikita sa Komunidad
1.Mapagmahal sa Diyos ang Pilipino-Ang mga mag-
anak noon ay sama-samang nagdarasal ng orasyon sa
pagtunog ng kampana ng ika-6 ng hapon. Tuwing linggo
ay sama-sama ring nagsisimba ang mga mag-anak.
2.Mahigpit ang pagkakabigkis ng Pamilyang Pilipino-
Mahigpit ang samahan ng pamilyang Pilipino. Ipinakikita
ng pamilya ang suporta at pagmamahal maging sa
extended family. Dumadalo tayo sa binyagan, kasalan, o
pista ng kapamilya. Nagsasama-sama din nang buo ang
pamilya kung Pasko at Bagong Taon.
3. Matinding Pagmamalasakit o Pakikiramay sa Kapwa-
Likas sa ating mga Pilipino ang tumulong sa mga
nangangailangan. Kung may mga biktima ng sunog, baha,
lindol, o ano pa mang sakuna ay nagmamalasakit tayo.
4. Magiliw na Pagtanggap sa mga Bisita-Magiliw o
Hospitable ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila
may ay kamag-anak, kaibigan, kakilala, o dayuhan.
5. Paggalang sa mga nakatatanda -ang pagmamano,
paghalik sa pisngi, at pagbati ay ilan lamang sa mga paraan
ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda.
Mga Tradisyon o Pagdiriwang ng Panrelihiyon
•Muslim
•Ang Ramadanay banal na buwan ng mga muslim.
•Hindi sila kumakain at umiinom ng tubig mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog nito sa loob ng isang buwan.
•Ang kanilang Diyos ay si Allah
•Ang Koranay ang banal na aklat ng mga Muslim.
•Ang Hari-Raya Puasaay pinkamasayang pagdiriwang ng mga
muslim.
•Ito ay pagkatapos ng Ramadan.
•Pumupunta sila sa mosque umaga pa lamang para
magpasalamat kay Allah.
Katolisismo
•Ang Semana Santaay tinatawag ding Mahal na Araw.
•Nagsisimula ito sa linggo ng Palaspas (Palm Sunday)
•Nagtatapos naman ito sa linggo ng muling pagkabuhay
(Easter Sunday.)
•Ang Pasyonay pagkukuwento nang pakanta tungkol sa
paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.
•Flores de Mayo-sa buong buwan ng Mayo ay
nagkakaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa mahal na
Birheng Maria.
•Araw ng mga Patay(Undas) -ipinagdiriwang ang arw ng
mga Patay. Unang araw ng Nobyembre, binibisita ng mga
kamag anak ang libingan ng mga namatay na mahal sa
buhay. nag-aalay sila ng bulaklak, nagsisindi ng kandila
kasabay ng pagdarasal para sa kaluluwa ng mga
namatay.
•Pasko-ang pasko ay pagdiriwang sa pagsilang ni Hesus.
Ito ay isa sa pinakamasayang pagdiriwang lalo na para sa
mga bata.
•Idinaraos ang simbang gabi, panunuluyan sa huling gabi
nito at noche buena pag uwi sa bahay.