Republic of the Philippines national capital region division of pasig city manggahan high school Magsaysay ave. karangalan village, manggahan , pasig city values education ( catch-up Friday) march 08, 2024
panalangin
Unang bahagi Panuto : Ayusin ang mga jumble letters upang makabuo ng salita na ipinapamalas sa mga larawan .
K A P A Y A P A A N - kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan . Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan , o digmaan . K P A N A Y A A P A
P A G B I B I G A Y A N - pagkakaloob ng isang bagay na sarili upang ariin o pangalagaan ng iba P I G A Y B A A N B I G
K A R A H A S A N - s inasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o kapangyarihan na nagdudulot ng masama o pinsala sa sarili , sa kapwa o sa pamayanan K R H A N A S A A
P A G M A M A L A S A K I T - pag-aalala o pagtatanggol sa kapuwa lalo na sa panahon ng kalungkutan , kagipitan , at kahirapan pagdamay , sanggalang , tangkilik , taguyod , pagmamahal ; pakialam P A M A L K A A G I M S A T
P A G K A K A I S A - kalagayan ng pagkakaroon ng isa o magkabuklod na kagustuhan at palagay - pagkakasundo ng mga layunin , damdamin , at iba pa ng dalawa o higit pang tao P G K A S A K I A A
“Ang puno ng kawayan ” Sa isang bakuran , may ilang punungkahoy na may kanya- kanyang katangian . Mabunga ang santol, mayabong ang mangga , mabulaklak ang kabalyero , tuwid at mabunga ang niyog . Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan .
Minsan, nagpaligsahan ang mga punungkahoy . “ tingnan Ninyo ako ,” wika ni santol. “ hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.” “ daig kita ,” wika ng mangga . “ mayabong ang aking mga dahoon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga .” “ higit akong Maganda”, wika ni kabalyero . “ bulaklak ko’y marami at pulang -pula. Kahit malayo , ako ay kitang-kita na ”. “ ako ang tingnan nyo . Tuwid ang pyno , malapad ang mga dahoon at mabunga ,” wika ni niyog . “ tekayo , kaawa-awa naman si kawayan . Payat na at wala pang bulaklak at bunga . Tingnan nyo . wala siyang kakibo-kibo . Lalo nasiyang nagmumukhang kaawa-awa .”
Nagtawanan ang mga punungkahoy . Pinagtawanan nila ang punung kawayan . Nagalit sa hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy . Pinalakas niya ng pinalakas ang kanyang pag ihip . At sa isang oras niyang pagka galit ay nalagas ang mga bulaklak , nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy . Tanging ang mababang-loob na sa kawayan ang sumunud-sunud sa hilip ng malakas na hangin na nakatayo at di nasalanta .
Mga katanungan : 1. Ano ang pamagat ng kwento ? 2. Saan naganap ang kuwento ? 3. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento ? Ilarawan ang karakter ng bawat isa. 4. Ano ang gintong aral na iyong natutuhan sa kuwento ?
aral Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao . Kaya huwag maging mayabang . Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba . Bagaman hindi siya kasing gaganda at kasing -tikas ng ibang mga puno , siya naman ay higit na matatag sa oras ng pagsubok .
gawain : Sa isang short bond paper, gumuhit ng simbolismo ng iyong natutunan sa kwentong “ sa puno ng kawayan ”. Sa ilalim ng simbolo , lagyan ng maikling paliwanag .
Ikalawang bahagi - Pagpapanuod sa video
“shalom: kwentong kapayapaan ”
Mga katanungan : 1. Ano ang pamagat ng kwento ? 2. Sino ang bida sa kwento ? Paano mo siya ilalarawan ? 3. Ano sa iyong palagay , ang nagpabago sa buhay ni Shalom? Paano niya ito tinanggap ? 4. Magbahagi ng iyong karanasan , batay sa iyong napanood ? 5. Ano – Ano ang mga magagandang aral ang iyong nakita sa kuwento ?
Repleksyon : Sa isang buong papel , sumulat ng repleksyon base sa iyong napanood na kwento na may pamagat na “shalom: kwentong kapayapaan ”.
Ikatlong bahagi
Magtala ng mga hakbang kung papaano mapapanatili ang kapayapaan sa :
Pangkatang pag-uulat
Pangwakas na Gawain: Verse of the day: "Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan ; at ito’y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman ." Isaias 32:17