joemariecabalo2016
98 views
11 slides
Jan 14, 2025
Slide 1 of 11
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
About This Presentation
Lesson Plan
Size: 420.98 KB
Language: none
Added: Jan 14, 2025
Slides: 11 pages
Slide Content
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
Pamantayang Pangnilalaman - naipapamalas ang pagunawa sa kontribusyon ng
mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog
ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig
Pamantayan sa pagganap - nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay
ng tao sa kasalukuyan
I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapakita ang lokasyon ng Athens at Sparta sa Mapa ng Greece
2. Naihahambing ang kultura ng athens at Sparta ( Pamumuhay,
edukasyon, lipunan at pamahalaan)
3. Nahahalintulad ang ugaling Athenians at Spartans sa sariling
pamumuhay
II. Nilalaman
A. Paksa
Kabihasnang klasiko ng Greece ( Athens at Sparta )
B. Sanggunian
Modyul sa Aral.Pan 8 pahina 141-145
C. Kagamitan
Telebisyon, Powerpoint, Mapa, Marker, Pisara
D. Konsepto
Ang ay may dalawang mahalagang lungsod-estado, ang Athens at
Sparta na may pagkakaiba sa estilo ng pamumuhay, pamamahala, lipunan at
edukasyon dalawang lungsod estado ng kabihasnang Greece. Ang Athens na isang
demokratikong polis na matatagpuan sa rehiyon ng Attica. Ang kanilang pamumuhay
ay pandaragat. Ang demokrasya ay isinulong ng mga mahahalagang tao sa lipunan
tulad ni Draco, Solon, Pisitratus, Cleisthenes at Pericles. Ang kanilang lipunan ay
binubuo ng Ionians, Metics at Alipin. Ang Sparta naman ay isang mandirigmang polis
na matatagpuan sa rehiyon ng Laconia sa timog na bahagi ng Greece. Ang kanilang
pamumuhay ay pangangalakal. Oligarkiya ang tawag sa kanilang sistema ng
pamamahala na pinamumuan ng dalawang hari. Ang kanilang lipunan ay nakabatay
sa militar, at ang pagsasanay sa mga mandirigma. Ang kanilang lipunan ay binubuo
ng Dorians, mga malalayang tao at helots.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Bago natin simulan ang ating aralin, tumayo
muna ang lahat para sa isang panalangin.
Pangungunahan tayo ni
Pagbati
Magandang umaga sa lahat.
Bago kayo maupo, isaayos muna ang inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa ilalim nito.
Pagtatala ng Lumiban sa Klase
Sinu-sino ang lumiban sa klase?
Salamat at Kumpleto ang lahat.
B. Pagbabalik-aral
Noong nakaraang araw ay napag-aralan natin
ang kabihasnang Minoans at Mycenaeans.
Saan nga matatagpuan ang Greece?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Tama ba siya?
Magaling. Ano ang apat na pangkat tao ng mga
Minoans?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Tama. Ano naman ang naging dahilan ng
(tumayo ang lahat para sa isang
panalangin)
Magandang umaga din po ma’am.
(Nagpulot ng mga kalat, nilagay sa
basurahan at umupo ng maayos)
Wala po maam.
Ang Greece ay matatagpuan sa timog-
silangang bahagi ng Europa Ma’am.
Opo Ma’am.
Ang apat na pangkat ng mga Minoans
ay maharlika, mangangalakal,
magsasaka at alipin.
pagbagsak ng mga Mycenaeans?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag?
Mga katanungan o gustong linawin sa araling
ating tinalakay? Kung wala na ay tutungo na
tayo sa gawain natin ngayon bago natin buksan
ng pormal ang susunod na aralin.
C. Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating
talakayan meron akong inihandang larawan ng
Mapa ng Greece.
Gamit ang marker, sino ang makapagtutukoy
ng lokasyon ng Athens sa mapa?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Tama ang iyong binilugan na lokasyon ay ang
Athens. Sino naman ang makapagturo ng
lokasyon ng Sparta?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Magaling. Ang iyong binilugan na lokasyon ay
ang Sparta. Alam niyo ba ang kabisera ng
Greece sa kasalukuyan?
Sila ay sinakop ng mga Dorians po
Ma’am.
Opo Ma’am.
Binilugan ang mapa gamit ang
marker.
Binilugan ang mapa gamit ang
marker.
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Ekselente. Alam ninyo ang lokasyon ng Athens
at Sparta sa mapa ng bansang Greece kaya
palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.
Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong
aralin ngayong araw.
Athens po Ma’am.
Pinalakpan ang mga sarili.
D. Paglunsad ng Aralin
Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang
dalawang mahalagangng lungsod-estado ng
Greece. Ang Athens at Sparta na may
magkaibang kultura, pamahalaan, at estilo ng
pamumuhay. Handa na ba kayo sa ating
talakayan?
Una ay ang Athens o tinatawag na Ionians. Ito
ay matatagpuan sa rehiyon ng Attica. Sila ay
mga kilalang mandaragat at ang kanilang
lupain ay mayaman sa deposito ng marmol at
pilak na nagpaunlad sa kanilang pamumuhay.
Ang pamahalaan ng mga Ionians ay
demokratikong sistema. Ano ang tinawag na
demokrasya?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Magaling. Sa kasalukuyang panahon, anong
mga bansa ba ang may demokrasyang sistema
ng pamamahala?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Magaling. Ang mga sumusunod ay mga
importanteng tao na ang isulong ng
demokrasya sa Athens.
Opo. Kami’y handa na.
Isang uri ng sistema kung saan nasa
tao ang pamamahala. Ang mga
mamayan ay may karapatan sa
pagboto at pakikilahok sa mga
desisyon ng estado.
Pilipinas at America Ma’am.
Sinimulan ito ni Draco na isang tagapagbatas
Ang salitang "draconian" ay nagmula sa
kanyang pangalan, na tumutukoy sa sobrang
mahigpit na mga batas.
Sinundan ito ni Solon na siyang nagtatag ng
Council 400 na nagbigay-diin sa kahalagahan
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamahalaan.
Si Pisistratus naman ay bagamat siya isang
tirano, ang kanyang mga reporma at pag-
aalaga sa mga mamamayan ay naglatag ng
mga pundasyon para sa susunod na mga lider
at nagpalawak ng demokrasya.
Si Cleisthenes, kilala bilang "Ama ng
Demokrasya,"ay nagtatag ng Council 500 at
nagpatupad ng ostracism, na nagpapahintulot
sa mga mamamayan na bumoto upang paalisin
ang isang tao na itinuturing na banta sa
demokrasya.
Si Pericles naman ang siyang nagpatibay ng
Ekklesia (Assembly) bilang pangunahing
sangay ng pamahalaan, kung saan ang lahat
ng mamamayan ay may karapatang bumoto sa
mga batas at desisyon.
Anu-ano kaya ang bahagi ng lipunan ng mga
Ionians?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Tama. Ang mga Ionians ay mga lalaki na
ipinanganak mula sa Athenian na mga
magulang, na may mga karapatan at
obligasyon sa pamahalaan. Mayroon silang
karapatan na bumoto at makilahok sa mga
pulong.
Ang mga mga Metics naman ay mga
dayuhang naninirahan sa Athens na walang
karapatang bumoto.
Ang mga Alipin naman ay hindi malaya at
karaniwang nagtatrabaho sa mga bahay o
negosyo. Sila ang bumubuo ng malaking
bahagi ng lakas-paggawa sa lipunan.
Ionians, Metics at Alipin ma’am.
Ang Edukasyon sa Athens ay para sa lahat at
higit nilang binibigyan ng pansin ang sining at
mga uri nito.
Ngayon ay pag-aaralan naman natin ang
Sparta o Dorians. Ang Sparta ay matatagpuan
sa rehiyon ng Laconia sa timog na bahagi ng
Greece, sa isang lambak malapit sa bundok ng
Taygetus. Kaunti lamang ang mga lupain na
angkop sa pagtatanim kaya ang karamihan sa
mga Dorian ay nangangalakal. Ang Sparta ang
kilala bilang mandirigmang polis. Ang kanilang
lipunan ay nakabatay sa militar, at ang
pagsasanay sa mga mandirigma ay isa sa mga
pangunahing tuon ng kanilang kultura.
Ang sistema ng kanilang pamahalaan ay
tinatawag na oligarkiya na pinamumunuan ng
dalawang hari sa magkaibang dinastiya na may
kapanyarihan na nakatuon sa militar at
relihiyon.
Sa kasalukuyang panahon, anong bansa ang
mayroong oligarkiyang sistema ng
pamamahala?
(tumawag ng isang mag-aaral)
Bakit mo nasabi na ang bansang Saudi Arabia
ay oligarkiya?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Ano kaya ang pinagkaiba ng Monarkiya at
Saudi Arabia Ma’am.
Ang bansa ay pinamumunuan ng mga
dugong bughaw, na nagtataguyod ng
oligarkiyang pamamahala. Ang mga
desisyon ay kadalasang nagmumula
sa iilang miyembro ng pamilya at ang
kanilang mga kaalyado.
Oligarkiya?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Magaling. Ang lipunan ng Sparta ay binubuo ng
Dorians o mga lalaki na ipinanganak sa
Spartan na pamilya. Sila ang may mga
karapatan sa lipunan at pangunahing tungkulin
bilang mga mandirigma. Ang mga malalayang
tao naman ay mga dayuhang naninirahan sa
Sparta na walang mga karapatan ng
mamamayan. Samantala ang ang mga helots
ay mga alipin na nagmula sa mga nasakop na
teritoryo. Sila ang nagtatrabaho sa mga lupain
ng mga Spartans at nagbibigay ng pagkain at
yaman sa lipunan.
Ang edukasyon sa Sparta ay para mga iilan
lamang higit na binibigyang pansin ang
pagiging militar. Ang mga batang lalaki ay
nagsisimula sa pagsasanay pitong taon
hanggang dalawangpo.
Kahit pareho silang pinamumuan ng
mga Maharlika ang monarkiya ay
nakatuon sa pamumuno ng isang tao,
habang ang oligarkiya ay nakabatay
sa kontrol ng isang maliit na grupo.
E. Pangkatang Gawain
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat. Ngayon magbilang kayo ng isa
hanggang dalawa at pagkatapos ay igrupo na
ninyo ang inyong mga sarili.
Ngayong naka grupo na kayo, ay tumalaga
kayo ng isang lider na siyang magsusulat at
isang taga-ulat ng inyong mga sagot sa
gawaing na ito.
Gamit ang dalawang pisara (sa kanan ay
Athens a kaliwa ay Sparta) ay itala ninyo ang
katangian ng bawat lungsod estado. Bibigyan
ko kayo ng limang minuto sa paghahanda.
Handa na ba ang lahat? Ngayon tunghayan
natin ang pag-uulat ng unang grupo.
Bigyan natin ng limang palakpak ang unang
grupo.
Sumunod naman ang pangalawang grupo.
Magaling. Bigyan natin ng limang palakpak at
tatlong baksak ang ikalawang grupo.
(Magbilang 1,2)
Opo Ma’am.
Presentasyon ng unang grupo.
(Tuwang tuwang pinalakpakan ang
unang grupo)
Presentasyon ng ikalawa ng grupo.
(Tuwang tuwang pinalakpakan ang
ikalawang grupo)
F. Paglalahat ng aralin
Sa kabuuan ang ating aralin ay tungkol sa dalawang lungsod estado ng kabihasnang
Greece. Ang Athens na isang demokratikong polis na matatagpuan sa rehiyon ng Attica.
Ang kanilang pamumuhay ay pandaragat. Ang demokrasya ay isinulong ng mga
mahahalagang tao sa lipunan tulad ni Draco, Solon, Pisitratus, Cleisthenes at Pericles.
Ang kanilang lipunan ay binubuo ng Ionians, Metics at Alipin. Ang Sparta naman ay
isang mandirigmang polis na matatagpuan sa rehiyon ng Laconia sa timog na bahagi ng
Athens
1. __________
2. __________
Sparta
1.__________
2.__________
Greece. Ang kanilang pamumuhay ay pangangalakal. Oligarkiya ang tawag sa kanilang
sistema ng pamamahala na pinamumuan ng dalawang hari. Ang kanilang lipunan ay
nakabatay sa militar, at ang pagsasanay sa mga mandirigma. Ang kanilang lipunan ay
binubuo ng Dorians, mga malalayang tao at helots.
G. Pagtataya
Kumuha ng isang kapat na papel at sagutin ang mga sumusunod.
1. Saan matatagpuan ang Athens?
Sagot: Rehiyon ng Attica
2. Ano ang tawag sa isang uri ng sistema kung saan nasa tao ang pamamahala. Ang
mga mamayan ay may karapatan sa pagboto at pakikilahok sa mga desisyon ng
estado?
Sagot: Demokrasya
3. Sino ang kinikilalang ama ng demokrasya at nagtatag ng council 500?
Sagot: Cleisthenes
4. Saan matatagpuan ang Sparta?
Sagot: Rehiyon ng Laconia
5. Ano ang tawag sa sistema ng pamamahala ng Sparta na pinamumunuan ng
dalawang hari sa magkaibang dinastiya na may kapanyarihan na nakatuon sa militar at
relihiyon?
Sagot: Oligarkiya
H. Takdang Aralin
Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga pangunahing digmaan sa pagitan ng Persia
at Greece, tulad ng Digmaan ng Marathon, Digmaan ng Thermopylae, Digmaan ng
Salamis at isulat ang isang buod ng bawat digmaan, kabilang ang mga pangunahing
tauhan, estratehiya, at kinalabasan. Isulat ito sa isang buong papel.