Masusing Banghay tungkol sa Ginintuang Panahon ng Athens
joemariecabalo2016
26 views
13 slides
Jan 14, 2025
Slide 1 of 13
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
About This Presentation
Lesson plan
Size: 602.08 KB
Language: none
Added: Jan 14, 2025
Slides: 13 pages
Slide Content
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
Pamantayang Pangnilalaman - naipapamalas ang pagunawa sa kontribusyon ng
mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog
ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig
Pamantayan sa pagganap - nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay
ng tao sa kasalukuyan
I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Natatalakay ang kahalagahan ng ginituang panahon ng Athens
2. Nasusuri ang mga mahahalagang kaganapan sa Ginintuang panahon ng
Athens.
3. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga Griyego sa daigdig
mula sa ginintuang panahon ng Athens.
A. Paksa
Ginintuang Panahon ng Athens
B. Sanggunian
Modyul sa Aral.Pan 8 pahina 151 - 154
C. Kagamitan
Telebisyon, Powerpoint, Marker, Manila Paper
D. Konsepto
Ang "Ginituang Panahon ng Athens" ay tumutukoy sa isang makulay at
makasaysayang yugto sa kasaysayan ng lungsod ng Athens sa Greece, na naganap
mula noong ikalimang siglo Before Common Era. Sa panahong ito, umangat ang
Athens sa mga aspeto ng politika, sining, agham, literatura, at naging isang
makapangyarihang sentro ng kultura sa buong mundo ng Mediteraneo.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Bago natin simulan ang ating aralin, tumayo
muna ang lahat para sa isang panalangin.
Pangungunahan tayo ni
Pagbati
Magandang umaga sa lahat.
Bago kayo maupo, isaayos muna ang inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa ilalim nito.
Pagtatala ng Lumiban sa Klase
Sinu-sino ang lumiban sa klase?
Salamat at Kumpleto ang lahat.
B. Pagbabalik-aral
Noong nakaraang araw ay napag-aralan natin
ang tungkol sa digmaang Peloponessian. Sino
ang makakapaglahad ng mga importanting
kaganapan sa digmaan Peloponessian?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Tama ba siya?
Magaling. Ano pa?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag?
Mga katanungan o gustong linawin sa araling
ating tinalakay? Kung wala na ay tutungo na
tayo sa gawain natin ngayon bago natin buksan
ng pormal ang susunod na aralin.
(tumayo ang lahat para sa isang
panalangin)
Magandang umaga din po ma’am.
Nagpulot ng mga kalat, nilagay sa
basurahan at umupo ng maayos.
Wala po maam.
C. Motibasyon
Ngayon, meron akong inihandang mga
nakagulong letra rito, isaayos ninyo ito upang
malaman natin kung ano ang nilalaman ng mga
nito. Magtaas lamang ng kamay kung sino ang
nais sumagot. Maliwanag ba?
PLECIRES
RMEOH
PTLAO
ATOTSIREL
HPPICROTCEAS
PAGORATHYS
SCAORETS
PERICLES
HOMER
PLATO
ARISTOTLE
HIPPOCRATES
PYTHAGORAS
SOCRATES
Ang mga sumusunod na pangalan ng
mahahalagang tao na may malaking ambag sa
malawakang pag-unlad ng larangan ng politika,
sining, pilosopiya, agham at literatura ng
bansang Athens at iyan ay ating pag-aaralan
ngayong araw.
D. Paglunsad ng Aralin
Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang
Ginintuang Panahon ng Athens. Handa na ba
kayo sa ating talakayan?
Bakit kaya ito tinawag na ginintuang panahon?
O ano ang ang ibig sabihin ng ginintuang
panahon?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Magaling. Ngayon ay isa-isahin natin ang mga
mahahalagang tao na may malaking ambag sa
ibat-ibang larangan.
Una ay si Pericles na isang tanyag na lider ng
Athens. Siya ay kilala sa kanyang mga reporma
sa politika at pagpapalakas ng demokrasya.
Opo. Kami’y handa na.
Tinawag itong ginintuang panahon
dahil ito ay isang makulay at
makasaysayang yugto ng kahusayan
sa politika, sining, agham, at literatura
at maraming mga mahahalagang tao
ang nag-ambag sa paghubog ng
kultural at intelektwal na pamana ng
sinaunag Athens.
Si Thucydides naman ay kilala bilang isang
heneral at historyador na nagsulat “Anabis”
isang kuwento ng sikat na Martsa ng mga
Greek mula Babylonia hanggang Black Sea.
Siya ay naging mag-aaral ni Socrates.
Si Homer naman ay isang manunulat sikat sa
mga klasikong akda tulad ng Iliad at Odyssey.
Si Plato naman ay itinuturing na isa sa mga
pinaka-maimpluwensyang tao sa kasaysayan
ng kanlurang pilosopiya. Ang Republika ay isa
sa mga pinakamahalagang akda ni Plato. Dito
ipinapakita niya ang kanyang pananaw tungkol
sa hustisya, politika, at ang perpektong lipunan.
Si Aristotle na nagging estudyante ni Plato ay
nag-ambag sa halos lahat ng larangan ng
kaalaman, kabilang ang pilosopiya, lohika,
etika, siyensya at pulitika.Siya ang may akda
ng “Politics” na tumatalakay sa uri ng
pamahalaan at mga katangian ng isang
makatarungang estado.
Si Socrates naman ay isang pilosopo na ang
pakilala ng “Know Theyself at ”Socratic
Method” na nagtutok sa pagpalawak ng mga
ideya at pagsisiyasat sa mga isyu ng
kabutihang asal.
Si Phidias ay isang iskultura, ginawa niya ang
estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zues sa
Olympia.
Si Chares naman ay siyang gumawa ng
iskulturang Collossus of Rhodes.
Si Praxiteles ay kilala sa kanyang mga
eskultura na gawa sa marmol. Isa sa kanyang
obra ay ang “Aphrodite of Knidos” na estatwa
ng diyosang si Aphrodite.
Si Herodotus ay kinilalang “Ama ng
Kasaysayan” dahil sa kanyang mga akda at
pamamaraan sa pagsusulat ng kasaysayan.
Si Hippocrates ay siyang pinakadakilang
Greek na manggagamot at itinuturing na ama
ng medisina.
Si Pythagoras ay isang pilosopo at
matematikong kilala sa kanyang teorya ng mga
numero at ang Pythagorean Theorem, na may
mahalagang kontribusyon sa larangan ng
geometry.
Ang Sophists ay isang grupo ng mga guro.
Kilala sila sa kanilang mga pagtuturo hinggil sa
retorika, lohistika, at etika.
Thales ng Miletus na isang pilosopo na
naniniwala na ang sandaigdigan ay nagmula sa
tubig.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala
rin ang mga Greek. Kahanga-hanga ang mga
arkitektura ng mga templon a may tatlong estilo
na Ionian, Doric, at Corinthian.
Isa sa pinakagandang halimbawa ng
magandang estruktura ay ang Parthenon na
gawa sa isang marmol na templon a
matatagpuan sa Acropolis sa Athens.
E. Pangkatang Gawain
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon
magbilang kayo ng isa hanggang tatlo
pagkatapos igrupo ninyo ang inyong mga
sarili.
Ngayong naka grupo na kayo, tumalaga kayo
ng isang lider na siyang magsusulat at isang
taga-ulat ng inyong mga sagot sa gawaing ito.
Mula sa ating pinag-aral tungkol sa ginintuang
panahon ng Athens ay buuin ang talahanayan
ng mga ambag ng Greece sa iba’t – ibang
larangan. Bibigyan ko kayo ng 5 minuto sa
paghahanda.
Larangan Ambag Kahalagahan
Handa na ba ang lahat? Ngayon tunghayan
natin ang pag-uulat ng unang grupo.
Bigyan natin ng limang palakpak ang unang
grupo.
(Magbilang 1,2,3)
Opo Ma’am.
Presentasyon ng unang grupo.
(Tuwang tuwang pinalakpakan ang
unang grupo)
Presentasyon ng ikalawa ng grupo.
Sumunod naman ang pangalawang grupo.
Magaling. Bigyan natin ng limang palakpak at
tatlong baksak ang ikalawang grupo.
F. Paglalahat ng aralin
Ang Ginintuang Panahon ng Athens ay isang yugto sa kasaysayan ng Athens kung
saan ang lungsod ay nakaranas ng pinakamataas na pag-unlad sa aspeto ng politika,
sining, agham, at literatura. Pinangunahan ito ni Pericles na siyang nagpalawak ng
demokrasya at reporma sa pamahalaan. Ang sining at arkitektura ay lumago na
hanggang ngayon ay itinuturing na pamana ng klasikal na panahon tulad ng Parthenon.
Sa pilosopiya, lumago ang mga ideya nina Socrates, Plato, at Aristotle, na naglatag ng
mga batayan ng makabagong panahon. Umusbong ang literatura na pinangunahan ni
Homer na siyang nagsulad ng mga kilalang akda tulad ng Iliad at Odyssey. Umusbong
din ang Agham at matematika sa pangunguna ng kinikilalang Ama ng Medisina na si
Hippocrates at Pythagoras na bumuo ng Pythagorean theorem. Sa kabila ng mga
pagsubok, ang pamana ng Athens sa demokrasya, sining, at pilosopiya ay patuloy na
nakakaapekto sa kasaysayan ng makabagong sibilisasyon.
G. Pagtataya
Kumuha ng isa’t kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon? (5 puntos)
2. Paano nakatulong sa iyo ang pag-unlad at pag-unawa ng kultura, politika, o agham sa
sinaunang Gresya? (5 puntos)
H. Takdang Aralin
Gumawa ng sanaysay (200-300 salita) tungkol sa kung ikaw ay nabubuhay noong
panahon ng Ginto ng Athens. Sino ang nais mong tularan at bakit?"