Masusing Banghay tungkol sa Minoan at Mycenean

joemariecabalo2016 46 views 9 slides Jan 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 9
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9

About This Presentation

lesson plan


Slide Content

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
Pamantayang Pangnilalaman - Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pagunawa sa
kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at
pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa pagganap - Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na
nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko
at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.
I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napaghahambing ang kabihasnang Minoan at Mycenaean
2. Naipapaliwanang kung paano nagwakas ang kabihasnang Minoan at Mycenean.
3. Napapahalagahan ang sinaunang kabihasnan na umusbong sa Greece.
II. Nilalaman
A. Paksa
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
B. Sanggunian
Modyul sa Aral.Pan 8 pahina 130-137
C. Kagamitan
Telebisyon, Slideshow, Pisara
D. Konsepto
Ang Greece ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Europa na may dalawang
sinaunang kabihasnan na Minoan at Mycenaeans. Ang Minoans ay umunlad sa pulo ng
Crete.Tinawag itong kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos. Ang
pinakakilalang lungsod nila ay tinawag na Kronoss. Sila ay may apat na pangkat ng tao, Ang
maharlika, mangangalakal, magsasaka at alipin. Samantala ang mga Mycenaean naman ay
matatagpuan sa timog Greece. Ang kanilang lungsod ay napapaligiran ng mga makakapal na
pader. Ang oral na tradisyon ng mga Mycenaean ay isang mahalagang bahagi ng kanilang
pagkakakilanlan at may malalim na impluwensya sa hinaharap na mga kultura ng Greece.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Bago natin simulan ang ating aralin, tumayo muna
ang lahat para sa isang panalangin.
Pangungunahan tayo ni

Pagbati
Magandang umaga sa lahat.
Bago kayo maupo, isaayos muna ang inyong mga
upuan at pulutin ang kalat sa ilalim nito.
Pagtatala ng Lumiban sa Klase
Sinu-sino ang lumiban sa klase?
Salamat at Kumpleto ang lahat.
B. Pagbabalik-aral
Noong nakaraang markahan ay napag-aralan natin
ang heograpiya ng mundo, imahinasyong linya ng
daigdig, pitong kontinente ng mundo,
Heograpiyang Pantao (Wika, Relihiyon at lahi)
Mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng panahong
pre-historiko. Anu-anong yugto ng panahong pre-
historiko ang pinag-aralan natin?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Tama ba siya?
Magaling. Meron pa ba kayong idadagdag sa ating
pinag-aralan?
(Tumawag muli ng isang mag-aaral)
Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag? Mga
katanungan o gustong linawin sa araling ating
tinalakay? Kung wala na ay tutungo na tayo sa
(tumayo ang lahat para sa isang
panalangin)
Magandang umaga din po ma’am.
Nagpulot ng mga kalat, nilagay sa
basurahan at umupo ng maayos.
Wala po.
Merong tatlong yugto ng panahong pre-
historiko ito ay Paleolitiko, Neolitiko at
Panahon ng Metal.
Opo titser
Napag-aralan din natin ang mga sinaunang
tao tulad ng Homo Erectus, Homo Habilis,
Homo Sapiens at iba pa.

Gawain natin ngayon bago natin buksan ng pormal
ang susunod na aralin.
C. Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating talakayan
meron akong mga inihandang larawan na ating
susuriin. Handa na ba kayo?
Ano ang larawang ito at saan nyo ito madalas
nakikita?
Tama. Ang nasa larawan ay logo ng Olympics. Sino
ang Pilipinong na nanalo ng dalawang medalya sa
pinakahuling Olympic sa Paris?
Magaling. Ngayon naman ay tingnan nyo ang
pangalawang larawan. Ano ang tawag dito?
Magaling, ngayon naman ay ang pangatlong
larawan. Ano ito?
Wala na po Ma’am.
Opo Ma’am.
Olympic Logo maam, makikita kadalasan
sa mga balita.
Si Carlos Yulo po.
Ang nasa larawan ay stadium o arena
maam.

Tama, ang nasa larawan ay isang mandirigmang
Spartan. Ano naman ang ginagawa ng mga tao sa
larawang ito?
Tama, ang mga tao sa larawan ay tumatakbo, ang
kanilang ginagawa ay tinatawag na marathon o
athletics. Ano naman ang nakikita nyo sa larawang
ito?
Ekselente, ang nasa larawanbwrestling. Anong laro
Ang nasa larawan ay isang mandirigma
maam.
Ang nasa larawan ay mga tumatakbong tao
maam.
Dalawang tao na nag-wewrestling maam.

naman ang nasa larawan?
Magaling, ang nasa larawan ay larong tinatawag na
discuss throw.
Ekselente. Halos lahat ng nasa larawan ay nabigyan
niyo ng tumpak na kasagutan. Kaya bigyan niyo ng
isang masigabong palakpakan ang inyong mga
sarili.
Ang Olympics, stadium, marathon, wrestling at
mandirigma na nasa mga larawan ay mga naging
ambag ng klasikal na kabihasnang Greece.
Discuss Throw po ma’am.
(Tuwang tuwang pinalakpakan ang mga
sarili)
D. Paglunsad ng Aralin
1. Ano ang pagkakaintindi ninyo sa salitang
klasikal?
2. Bakit kaya itinuturing na klasikal ang
kabihasnang Greece?
3. Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang
Greece?
Kung gayon upang lubos ninyong maunawaan ang
ating talakayan ngayong araw ay ibabahagi ko sa
inyo ang dalawang sinaunang kabihasnan ng
bansang Greece na Minoans at Mycenaeans. Handa
na ba kayo sa ating talakayan?
Ang ibig sabihin ng salitang klasikal ay mga bagay,
musika at iba pang larangan na hindi naluluma o
Opo. Kami’y handa na.

napakikinabangan parin hanggang sa kasalukuyan.
Bakit kaya tinatawag na klasikal ang kabihasnang
Greece?
Ekselente. Alam ba ninyo kung saan matatagpuan
ang Greece? Tingnan nyo sa mapa na nasa screen
ng Telebisyon.
Tama. Ang Greece ay mayroong dalawang
sinaunang kabihasnan, ang Minoans at ang
Mycenaeans. Ang mga Minoans ay isang sinaunang
sibilisasyon na umunlad sa pulo ng Crete.Tinawag
itong kabihasnang Minoan batay sa pangalan ng
Haring Minos na siyang nagtatag ng Minoans.
Kilala ang mga Minoans bilang mga mahuhusay na
manlalayag at nakatira sa mga dalampasigan. Ang
kanilang mga bahay ay gawa sa laryo (bricks) na
may mga detalyadong disenyo. Gumagamit sila ng
metal para sa kanilang mga kasangkapan, at ang
kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag na Linear
A, na binubuo ng iba't ibang mga simbolo at
glyphs.
Bakit kaya kilalang mga mahuhusay na manlalayag
ang mga Minoan?
(Tumawag ng pangalan)
Magaling. Anong lungsod ang kilala bilang
pinakamalaki at pinakamakapangyarihang lungsod
ng mga Minoans na siyang umunlad dahil sa
pangngalakal?
Anu-ano ang mga pangkat ng mga Minoan?
Tama. Ano ang mga katangian ng mga Minoans?
Dahil sa marami itong ambag o
kontribusyon na hanggang sa kasalukuyan
ay ating napapakinabangan.
Ang Greece ay matatagpuan sa timog-
silangang bahagi ng Europa.
Dahil ang mga Minoan ay nakatira malapit
sa dagat kaya ang magiging pangunahing
hanapbuhay nila ay pangigisda o
paglalayag.
Knososs po maam.
Ang mga Minoan ay may apat na pangkat
ng tao. Una ay ang Maharlika, pangalawa
ang ay mangngalakal, Magsasaka at ang
pang apat ay ang alipin.
Ang mga Minoans ay masasayahing tao,

Bakit kaya bumagsak ang kabihasnang Minoans?
Tama. Pumunta naman tayo sa isa pang kabihasnan
ng Greece na tinatawag na Mycenaeans. Ang
Mycenaean ay matatagpuan sa Timog Greece.
Malayo ito sa dagat at ang kanilang lungsod ay
napapaligiran ng mga kakapal na pader. Ang oral na
tradisyon ng mga Mycenaean ay isang mahalagang
bahagi ng kanilang pagkakakilanlan at may malalim
na impluwensya sa hinaharap na mga kultura ng
Greece tulad ng mitolohiya. Anong mga mitolohiya
meron ang Griyego na alam ninyo?
Magaling. Ano kaya ang dahilan ng pagbagsak ng
kabihasnang Mycenaeans?
sila ay mahilig sa magagandang bagay at
kagamitan. Mahilig din sila sa palaro tulad
ng boxing at sila ang unang nakapagpatayo
ng arena na kanilang ginagamit tuwing
may paligsahan at seremonyang
panrelihiyon.
Ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang
Minoans ay ang mga natural na kalamidad,
tulad ng lindol at sunod-sunod na sunog,
pati na rin ang pag-atake ng mga di-
kilalang mananakop.
Alamat ni Zeus, Medusa at ni Odysseus.
Ang Mycenaean ay inatake ng isang
grupong nomadiko na kilala bilang Dorian
na nagmula sa hilagang Greece, sila ang
nagdulot ng pagkawasak ng mga lungsod
ng Mycenean.
E. Pangkatang Gawain
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ngayon
magbilang kayo ng isa hanggang dalawa at
pagkatapos ay igrupo na ninyo ang inyong mga
sarili.
Ngayong naka grupo na kayo, ay tumalaga kayo ng
isang lider na siyang magsusulat at isang taga-ulat
ng inyong mga sagot sa gawaing na ito. Bibigyan
ko kayo ng limang minuto sa paghahanda.

(Magbilang 1,2)
Opo Ma’am.

Handa na ba ang lahat? Ngayon tunghayan natin
ang pag-uulat ng unang grupo.
Bigyan natin ng limang palakpak ang unang grupo.
Sumunod naman ang pangalawang grupo.
Magaling. Bigyan natin ng limang palakpak at
tatlong baksak ang ikalawang grupo.
Presentasyon ng unang grupo.
(Tuwang tuwang pinalakpakan ang unang
grupo)
Presentasyon ng ikalawa ng grupo.
F. Paglalahat ng aralin
Sa kabuuan ang ating aralin ngayong aral ay tungkol sa bansang Greece na matatagpuan sa
timog-silangang bahagi ng Europa. Mayroon itong dalawang sinaunang kabihasnan na Minoan at
Mycenaeans. Ang Minoans ay umunlad sa pulo ng Crete.Tinawag itong kabihasnang Minoan
batay sa pangalan ni Haring Minos. Ang pinakakilalang lungsod nila ay tinawag na Kronoss. Sila
ay may apat na pangkat ng tao, Ang Maharlika, mangangalakal, magsasaka at alipin. Samantala
ang mga Mycenaeans naman ay matatagpuan sa timog Greece. Ang kanilang lungsod ay
napapaligiran ng mga makakapal na pader. Ang oral na tradisyon ng mga Mycenaean ay isang
mahalagang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan at may malalim na impluwensya sa hinaharap na
mga kultura ng Greece.
G. Pagtataya
Kumuha ng isang kapat na papel at sagutin ang mga sumusunod.
1. Sino ang tagapagtatag ng kabihasnang Minoan?
Sagot: Haring Minos
2. Anong lungsod ang pinakamalaki at pinakakilala sa kabihasnang Minoan?
Sagot: Knossos
3. Kadalasan ang mga Minoan ay nakatira sa ________.
Sagot: dalampasigan
Katangian ng
mga
Mycenaeans
Katangian ng
mga
Minoans

4. Anong kabihasnan ang siyang may mahalaga at malalim na impluwensya sa kasalukuyang
kultura ng Greece?
Sagot: mitolohiya
5. Ano ang nagging dahilan ng pagbagsak ng Mycenean?
Sagot: Sinakop ng Dorian
H. Takdang Aralin
Magsaliksik at gumawa ng isang talahanayan na naglalarawan ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng Sparta at Athens. Isama ang mga aspeto tulad ng: pamahalaan, estilo ng
pamumuhay, edukasyon, at lipunan. Isulat ito sa isang buong papel