KAHULUGAN NG Dula Ang Dula ay isang uri ng Panitikan . Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo . Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tapo sa isang tanghalan o entablado .
Mga Sangkap ng Dula TAGPUAN – Panahon at lugar kung saan naganap ang kwento ng dula . TAUHAN – Mga gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula . SULYAP SA SULIRANIN – Bahaging nagpapahiwatig ng problemang haharapin . SAGLIT NA KASIGLAHAN – Sandaling paglayo o paghinga mula sa problema bago ito lumaki .
Mga Sangkap ng Dula TUNGGALIAN – Labanan o hidwaan sa kwento ( tauhan laban sa tauhan , lipunan , o sarili ). KASUKDULAN – Pinakamataas o pinakamatinding bahagi ng kwento . KAKALASAN – Unti- unting pagluwag ng problema o pagbaba ng tensyon . KALUTASAN – Pagtatapos ng dula kung saan nalulutas ang suliranin .
Elemento ng dula Iskrip o Nakasulat na Dula Ang kaluluwa ng dula ; dito nakasulat ang buong kwento , dayalogo , at tagpo . Gumaganap o Aktor Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa pamamagitan ng kilos, damdamin , at pananalita . Tanghalan Ang lugar kung saan isinasagawa o ipinapalabas ang dula . Tagadirehe o Direktor Siya ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip at namumuno sa pagtatanghal . Manonood Ang tumitingin o nanonood ng dula ; hindi mabubuo ang dula kung wala sila .
Uri ng Dula Komedya Dula na katawa -tawa, magaan ang tema , at nagtatapos sa tagumpay ng mga tauhan . Trahedya Dula na mabigat ang tema , malungkot ang wakas, at karaniwang humahantong sa kamalasan o kamatayan ng tauhan . Melodrama Dula na labis ang pagpapalabas ng emosyon , puno ng suliranin , at madalas umiikot sa problemang pampamilya . Tragikomedya Dula na pinagsasama ang katatawanan at kasawian ; may halong saya at lungkot .
Aurelio Tolentino ( Oktubre 13, 1869 – Hulyo 5, 1915) Isang Pilipinong mandudula , manunulat , makabayan , at rebolusyonaryo Ipinanganak sa Guagua, Pampanga Nag- aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas Naging kasapi ng Katipunan at lumaban sa mga Espanyol Gumamit ng panitikan bilang protesta laban sa mga Amerikano Tanyag sa dulang “ Kahapon , Ngayon at Bukas” na tumuligsa sa kolonyalismo Ipinakulong dahil sa kanyang mga makabayang akda Pumanaw noong Hulyo 5, 1915
Tauhan sa Dula Kumakatawan sa Pilipinas / mga Pilipino Inang Bayan – sumisimbolo sa Pilipinas Masunurin – babaeng Pilipina Tagailog – Katagalugan Walang Tutol – lalaking Pilipino
Tauhan sa Dula Kumakatawan sa mga Dayuhan / mananakop Dilat na Bulag – Espanya Bagongsibol – Amerika Matanglawin – gobyernong Kastila Malaynatin – gobyernong Amerikano Haring Bata – Haring Intsik Halimaw – Prayle
https://www.youtube.com/watch?v=TTXjImGtYJ8
Buod ng Dula Ipinakita ang pagtutol sa kolonyalismo at pang-aapi ng mga dayuhan. Nakatuon sa laban at tagumpay ni Inang Bayan para sa kalayaan. Inilahad ang kataksilan ng ilang Pilipino na ipinagbili ang bayan. Nagwakas sa pagkakaisa ng mga Pilipino bilang panata para sa kalayaan.
Batayan sa pagtuturo https://aralinph.com/ano-ang-dula-kahulugan-at-elemento/#google_vignette Pinalawig na Bagwis Literasi,Wika at teksto ni Nerielyn G. Maceda